CHAPTER 10
[Jane POV.]
Naalimpungatan ako dahil sa tumatama sa mukha kong mainit.
Pagmulat ko ay sinag pala ng araw.Bigla ako napabangon. Umaga na agad? Ang bilis ng oras!
Sabagay nakatulog pala ako kakaisip kong anong mukha ihaharap ko sa kanya mamaya. Sa boss ko! At nandito pala ako sa bahay talaga namin. Dito na ako dumiretso umuwi at hindi sa condo ko.
"Ang tanga mo Jane! Garcia nga ang pangalan ng kompanya diba? edi apilyedo nya yun! bakit hindi mo alam huh?!" Pangaral ko saaking sarili sabay sabunot ko sa sarili kong buhok.
My God! Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko naman masagot! Ang tanga ko talaga!
Napatingin ko sa orasan ko ay bigla akong napatayo mula sa higaan ko dahil malalate na ako sa trabaho!
Dali-dali akong pumasok sa banyo para mag linis ng katawan at magbihis.
Ilang minuto lang ay tapos nako bumaba narin ako agad ng hindi pa ako nag susuklay. Bahala na sa kotse nalang ako mag susuklay.
Pagkababa ko nakasalubong ko si dad sa sala galing siyang dining table.
"Morning anak at bakit nag mamadali ka ata?" Sabi neto.
"Paano dad malalate nako. By the way Morning rin" Sagot ko sa kanya sabay halik sa pisngi nya.
"Oo nga no. Natanghali ka ata ng gising." Sabi pa neto at sinabayan ako palabas sa front door ng bahay namin.
"Oo nga dad. Tinanghali ako. Kaya aalis na po ako dad. Bye po." Sabi ko rito at dali dali na lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ko.
"Oh sige mag ingat ka. Kumain ka sa trabaho mo." Pahabol nya pa saakin.
Kumaway nalang ako sa kanya bilang sagot at nag drive nako paalis.Habang nasa byahe ako ay panay salita ko na wala naman kausap.
"Baka tanggalin n'ya ko sa trabaho!" Kilala ko pa naman magalit yun.
Kailangan ko lang s'yang harapin kong magagalit man siya dahil na late ako at kailangan ko mag trabaho ng maayos sa harap nya para hindi n'ya maisip na tanggalin ako dahil mukhang may galit pa ata yun saakin.
Hindi naman dahil sa naghihirap na kami kaya ayaw ko matanggal ah.
Ang hirap lang kaya mag apply tsaka mag panggap na mahirap. Sa tingin mo matatanggap ako agad. Nako!
Swerte na nga ako dito sa trabaho ko na ito. Ang problema lang ay ang boss ko ay ex-boyfriend ko.
Hindi ko alam kong papahirapan ba n'ya ko sa trabaho ko o tatanggalin nalang.
Dahil napakalaki ng kasalanan ko sa kanya. Kung yun ang ikakasaya nya na pahirapan ako ay tatanggapin ko nalang.
Nang makarating ako sa trabaho ay nag park agad ako sa parking area at dali dali pumasok sa building.
Pagkarating ko sa opisina ay laking pasasalamat ko na wala pala si sir hanggang mag lunch.
Nung mag lunchbreak ay bumaba agad ako para kumain. Nang matapos ako ay nag paalam ako sa mga kasama ko nababalik na ako sa trabaho dahil madame pa akong tatapusing trabaho.
![](https://img.wattpad.com/cover/29497294-288-k173564.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!
RomanceNaranasa mo na bang mag mahal at iniwan? Naranasan mo na din bang iwanan nang mahal mo dahil yun ang gusto ng iba? At naranasan mo na din bang yung taong iniwan mo at sinaktan, Ay magiging amo mo o Boss? Hay nako.. Kung wala pa e'di basahin mo 'tong...