CHAPTER 34

4K 90 5
                                    

CHAPTER 34




[Jayson's POV.]






Nagising ako ng may mabigat na nakadagan sakin? Pagmulat ko at pagtingin ko kung ano ito ay isang tao pala.




Kaya napaatras pa ako sa gulat dahilan para gumalaw ito at umalis sa pagkayakap saakin pero tulog parin ito saka doon ko lang nalaman na si Jane pala itong nakayakap saakin kanina ng mahigpit.





Bakit pa siya andito? Akala ko ba umalis na siya kanina pagkatapos ko kumain?





Tinignan ko ang orasan na nasa side table ng kama ko at hindi ako makapaniwalang 2am na ng madaling umaga.





Inumaga na siya dito. Inalagaan nya ba ako? Pagtingin ko sa mesa ay nakita ko doon ang planggana na may towel. So inalagaan nya nga ako? Medyo ok na nga ang pakiramdam ko.





Pero siya? Baka hinahanap na sya sa kanila? Ok lang ba sa kanya na hindi umuwi? Hindi ba siya hinahanap ng fiancé nya? Tss.





Ano kaba Jayson? Ayaw mo ba yun?
Nakasama at nakayakap mo na nga sya magdamag oh? Napailing nalang ako sa aking iniisip.




Naupo naman ako doon habang tinititigan s'ya. Ang ganda mo talaga mahal ko. Kaya hindi kana saakin at meron ng ibang nagmamay'ari na sayo.





Ang sakit isipin na yung taong mahal mo ay pagmamay'ari na ng iba.





"Mahal na mahal kita, Jane. Tandaan mo na kahit kailan ay hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko sayo." Bulong ko sa kanya habang hinahaplos ang kanyang mukha.




Humiga naman ako ulit saka siya niyakap ng mahigpit. Ewan ko kung gising ba siya o tulog dahil gumanti siya ng mahigit na yakap saakin. Dahil doon na napangiti ako.




Nararamdaman nya kaya ang nararamdaman ko ngayon? Mararamdaman nya kaya mahal na mahal ko siya? Sana.




Hinalikan ko sya sa noo bago ako pumikit ng may pait na ngiti sa aking labi. Kung panaginip lang ito? Ay hihiling ako na sana ay hindi na ako magising pa.







_______________________







[Jane's POV.]






Nagising ako dahil sa sikat ng araw na na pumapasok sa bintana. Kinusot ko ang aking mga mata saka napatingin sa orasan tabi ng kama.





Tss. Alas otso pa lang ng umaga. Antok pa ako. Pipikit na sana ako para matulog ulit ng may napansin akong kamay sa na nakayap sa akin.




Agad naman akong napatingin sa katabi ko. At nanlalaki ang aking mga mata na maalala na wala pala ako sa sarili kong kwarto!




Napabuntong hininga naman ako saka siya tinititigan na mahimbing natutulog. Ang payapa ng tulog nya. Ako kaya ang panaginip nya?





"Jayson, gising kana ba?" Tanong ko sa kanya kahit halata naman na tulog ito. Gusto ko lang subukan baka gising diba? Kinapa ko pa ang noo nya kung mainit pa ba siya. Nang makapa ko ay mabuti naman at hindi na.





Dahan-dahan ko naman na inalis ang kamay nya na nakayakap parin saakin at dahan-dahan rin na tumayo.






Wait? Nandito ako magdamag sa condo nya? Patay ako nito kay dad at kuya! Ano sasabihin ko? Ah sasabihin ko nalang maaga akong nagising tapos may pinuntahan lang? Paano si manang? Baka mag tanong rin sila kanya at sasabihin na kahapon pa ako umalis?





My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon