CHAPTER 36
[Jane's POV.]
Maaga ako nagising kinabukasan pero hindi ko magawang bumangon man lang or bababa para kumain ng almusal dahil wala akong gana.
Nakatulog kaagad ako kagabi dahil sa iyak at pagod.
Hindi ko na naman mapigilan ang luha ko ngayon ng maalala ko ang mga sinabi ni kuya sa loob ng kotse n'ya.
Nasasaktan ako at nalulungkot nang malaman ko na naaawa na pala si kuya sakin at hindi ko rin akalain na sasabihin n'ya yun saakin.
Or baka sinabi n'ya lang yun dahil akala n'ya tulog ako? Nag papahinga lang ako nun pero nabigla ako nh marinig ko s'yang nagsalita.
Kaya nagpanggap nalang akong natutulog kahit gustong-gusto ko na s'yang yakapin sa mga sinabi nya saakin.
Kahit gustong-gusto ko na talagang umiyak ng mga oras na yun ay pinigilan ko hanggang makauwi kame.
Kaya nung pagkauwi namin ay dumeretso nalang ako baba na hindi ko kinukuha mga pinamili ko dahil gusto ko na talaga magkulong sa kwarto at ilabas lahat ng hinanakit ko hanggang nakatulog ako sa mga oras na yun.
Hindi ko akalaing mahal pala talaga ako ni kuya. Akala ko pareho sila ni dad na atat na rin ako ibigay sa iba.
At tama sya! Wala talaga s'yang magagawa sa sitwasyon kong ngayon kasi nga sa pamilya namin si dad ang batas kahit baluktot naman ang batas nya. Dahil nga ma'pride siya at kahit mali ay gagawin parin n'ya dahil ayaw nyang nasasabihan ng mali ang ginagawa n'ya.
Dahil mabait kaming dalawang anak nya ay ayaw namin siyang magalit saka sawayin dahil mahirap na baka atakihin naman sya ng highblood nya o kundi sa puso na talaga.
Habang nakatulala sa kisame ay napabuntong hininga ako ng malalim dahil sa nangyayari sa buhay namin lalo na sa buhay ko!
Napalingon ako sa side table ng kama ko at tinignan ang oras sakto naman na alas dyes na ng tanghali kaya hinanap ko ang phone ko pero hindi ko makita. Napa bangon ako saka tinignan sa bag ko pero wala rin doon ang phone ko.
"Nasaan ang phone ko?" Tanong ko sa'aking sarili at doon ko lang naalala na kahapon pa pala ako hindi nakahawak ng cellphone!
"Shit! Naiwan ko pala doon sa condo nya sa sofa!" Sambit ko sabay tapik sa'akingg noo. Ang tanga ko!
__________________________
[Jayson's POV.]
Nagising ako kinabukasan na ok na ang katawan ko. Wala na akong lagnat pero hindi ko parin magawang tumayo para asikasuhin ang sarili ko.
Inaalala ko parin ang nangyari kahapon. Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinabi ko. Pero ang alam ko ay yung ang nararapat. Dahil may mapapangasawa na ito at hindi tama na pupunta pa siya dito lalo na lalake ako at babae siya.
Nung sinabi ko sa kanya kahapon na umalis na siya at iwanan na ako ay labag yun sa kagustuhan ko.
Nung narinig kong lumabas siya ay gusto ko sana siya'ng sundan at sabihin na huwag na siyang umalis. Huwag nya akong iwan pero naalala ko na wala pala akong karapatan para pigilan siya at manitili pa dito sa condo ko lalo na sa tabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/29497294-288-k173564.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!
RomanceNaranasa mo na bang mag mahal at iniwan? Naranasan mo na din bang iwanan nang mahal mo dahil yun ang gusto ng iba? At naranasan mo na din bang yung taong iniwan mo at sinaktan, Ay magiging amo mo o Boss? Hay nako.. Kung wala pa e'di basahin mo 'tong...