CHAPTER 27

4.5K 114 4
                                    

CHAPTER 27




[Jayson's POV.]







Kakarating lang namin ni Nicole dito sa venue ng party ng mga Corpuz at andito kame sa nakalaang table para saakin.





Tsk. Ewan ko ba at bakit pumunta pa rin ako dito. Ang boring naman dito puro mga tungkol sa bussiness lang ang topic ng mga tao.






At nakakainis pa itong kasama ko naman ay parang mababali na ang leeg panay lingon kung saan-saan titingin para may hinahanap. May kilala ba siya dito?





"Nic, ano ba yun? Umayos ka nga. Ano ba tinitignan mo? May kilala kaba dito?" Tanong ko sa kanya sabay hila sa braso nya para umayos siya ng upo.






"Tsk. May hinahanap lang ako!" Sagot nya at hindi sinagot ang tanong ko.






"Ano ba hinahanap mo? Umayos ka nga baka ano isipin ng ibang bisita dito sayo." Saway ko sa kanya dahil panay lingon na naman niya kahit saan.





"Ano naman pakialam nila? Hinahanap ko si Michael! Pucha naman kasi yun! Andito na sila sa pinas hindi parin nag papakita saakin pero yung kapatid nya ay nakita ko na!" Inis na sambit neto at umayos narin ng upo.






Si Michael? Yung kapatid ni Jane? Ah oo nga pala. Nakwento na saakin ni Nicole yung taong nagugustuhan nya pala ay walang iba kung hindi si Michael na kuya ni Jane.





Tsk. Bahala nga s'ya d'yan. Hanapin nya ang ayaw mag pakita. Yung saakin nga susulpot lang tapos bigla rin nawawala. Magkapatid nga naman.






Hinayaan ko nalang siya. At habang umiinom ako ng wine ay may bigla akong napansing babaeng papasok sa entrance ng venue ng party.






Si Jane nga! Ang ganda neto lalo sa suot nitong semi gown. Kasama niya papasok ang daddy at kuya nya. Pero ang mas napansin ko ay yung may sumalubong sa kanila lalo na sa kanya sabay bumiso ito sa kanya at siya naman ay humawak siya sa braso ng lalake.






"Tsk! Ako dapat ang kasama mo sa tabi mo." sambit ko bigla sa aking sarili. Pero dahil dakilang tsismosa ang kasama ko ay narinig nya pa yun.






"Ano yun Jayson? Anong ikaw dapat ang kasama?" Tanong ne'to saakin habang umiinom rin siya ng wine nya. Mukhang napagod na kakahanap sa hinahanap nya.





"Wala.." Walang ganang sagot ko sa kanya sabay tingin sa ibang direksyon. Siya naman ay mukhang hindi pa naniniwala sa sagot ko dahil tinitignan ako ng seryoso. Tss.




"Nic, ayun ang hinahanap mo oh." Sabay nguso sa entrance para madistract s'ya at lubayan ako ngayon.





Kaloka eh. Mukhang balak pa ako tanungin. Ayan tuloy napatigil siya ng makita ang hinahanap nya.





Maya maya pa ay narinig ko na nag sasali si Mr. Corpuz at may announcement raw ito para saamin lahat na pumunta.






"Maraming salamat sa lahat na dumalo ngayong gabi." Umpisa ne'to "Nais ko makilala n'yo ang aking anak na si Mike Angelo Corpuz at ang magiging asawa nya na si Ms. Mary Jane Ocampo." Sambit pa ne'to ng ikatigil ng paghinga ko. Habang nakikita ko sa taas ng stage na umaakyat silang pareho na magkahawak ang kamay.





My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon