CHAPTER 48

4.9K 94 16
                                    

CHAPTER 48




[Mike's POV.]






Nang matapos ako sa trabaho ay umuwi agad ako. Ganito naman ang routine namin araw-araw. Papasok ako ng trabaho tapos siya nasa bahay nag hihintay sa'akin.





Kung titignan ay parang mag asawa na talaga kame na uuwi ako galing trabaho habang hinihintay ako ng asawa ko sa bahay. Pero alam ko naman ang totoo na hindi ganon yun.





Habang nagmamaneho ako ay dumaan ako sa grocery para bumili ng pinapabili ni Jane bago umuwi.





Ganito lagi ginagawa ko kapag uuwi ako galing trabaho. Tatawagan ko siya kapag may gusto siyang kainin para mabili ko ito pagkauwi ko.





Nung una ay ang weird nang mga pinapabili nya. Pero nasanay rin ako at nabasa ko sa internet nna ganon talaga kapag naglilihi ay isang buntis.




Dahil malapit lang naman ang kompanya namin dito sa condo ko ay mabilis naman ako nakauwi agad bitbit ang mga pinapapabili nya.




Pagkabukas ko ng pinto ay parang wala namang tao? Ang tamihik ng buong bahay. Agad akong pumunta sa kusina pero wala rin tao doon. Nilapag ko muna ang mga binili ko.




Saka bago ko hinanap si Jane. Pinuntahan ko ang kwarto nya at binuksan. Tama nga ako nandito lang ito natutulog or nakatulog dahil nakabukas pa ang TV ne'to.




Napailing nalang ako saka pinatay ang TV bago ako lumabas ulit ng kwarto nya. Pumunta ako ulit ng kusina at inayos ang mga pinamili ko dahil nag grocery na rin ako ng stock namin dito. Bago ako pumasok sa sarili kong kwarto.




Nagbihis lang ako at lumabas muli dahil ipagluluto ko si Jane ng makakain nya para kapag nagising ito ay makakain siya agad.




Habang nag aayos ako ng lulutuin ko ay bigla namang tumunog ang phone ko sinyales na may tumatawag. Pagtingin ko ay si Dad pala kaya sinagot ko naman ito saka inipit sa tainga at leeg ang phone ko.





"Hello Dad? Bakit?" tanong ko habang kumukuha ng karne sa ref. Dahil magluluto ako ng sinigang para kay Jane.




[Mike, kailangan kita ngayon. Gusto kong pumunta ka sa london at pangasiwaan ang kumpanya natin. Dahil may nakarating saakin na ang ibang kliyente natin ay umaatras.. Dapat pumunta ka at ayusin ang problema doon..]  Seryosong bungad ne'to saakin. Kaya napatigil naman ako sa balak kung lulutuin.




"Dad kailangan ba ako ang pumunta?Hindi ko pwede iwanan si Jane dito. Alam mo namang buntis siya." may pag'aalalang sambit ko sa kanya. Hindi ko maiiwan si Jane dito




Gusto ko din namang tulungan si Dad sa kompanya at ayusin yun kaya ko yun gawin pero ang hindi ko kayang gawin ay iwanan sya dito lalo na ngayon ay mas kailangan nya ko!




[Hindi ako pwede dahil may iba rin akong inaasikaso dito.. Ikaw lang ang pwede dahil no choice naman ako dahil ikaw lang naman anak ko..]  Sagot naman nya na parang utang na loob ko pa na nag iisang anak lang nila ako.  [Kung papayag naman siya ay pwede mo naman s'yang dalhin kung yun ang iniisip mo at dun muna kayo hanggang manganak siya. Dahil mukhang matatagalan ka rin naman doon.]  Sambit pa ne'to. Napabuntong hininga nalang ako mukhang wala na rin naman akong magagawa. Mabuti na siguro ito para malayo ko siya dito diba?





My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon