CHAPTER 30

5K 95 7
                                    

CHAPTER 30





[Jane's POV]






Habang naglalakad s'ya papalayo sa kinaroroonan ko ay para ring pinipiraso ang aking puso. Lalo na sa mga sinasabi nya saakin.






Ang sakit pero wala lang itong sakit na nararamdaman ko kesa sa kanya!
Mula noon at hanggang ngayon ay sinasaktan ko s'ya






Kaya hindi dapat ako magreklamo na nasaktan ako sa mga sinasabi nya. Dahil dapat lang ito saakin. Sinaktan ko siya ng paulit-ulit. At kahit isang paliwanag at wala akong naibigay sa kanya.






Ilang minuto ako nandoon at hinihimay ang mga sinabi nya saakin na pinaglalaruan ko lang siya at kahit kailan ay hindi minahal.






Diyan s'ya nagkakamali dahil mula noon at hanggang ngayon ay minahal ko siya at mahal na mahal ko parin s'ya.







Kaya lang naman kame nasasaktan dahil hindi na kami pwede. Dahil may pinangako na ako sa pamilya ko at lalo na ngayon ay binigyan pa ako ng lalaking papakasalan.






Siguro ay mamahalin ko nalang sya sa paraang ako nalang yung nakakaalam saaming dalawa!






"Jayson, mahal na mahal kita. Mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko." Sambit ko nalang kahit wala naman nakakarinig nun.





Bigla naman na humangin ng pagkalakas-lakas na s'yang dahilan ng pagluha ko uli. Tangina ang sakit talaga!






Umiiyak lang ako dito hanggang sa mahimasmasan na ako saka ako nagpasya na bumalik na sa loob.






Sakto naman na pagkaharap na pagkaharap ko ay may nakita akong tao at alam kong tinitignan nya ako pero bakit siya nandito?





"M-mike.." Sambit ko sa pangalan nya bigla naman itong lumapit sakin saka ako niyakap?






May nakita ba siya? Narinig? Mukhang wala naman dahil seryoso naman siyang nakayakap saakin.






Sana hindi nya narinig o nakita ang kanina dahil ayoko s'yang saktan. Naaawa ako sa kanya. Tama ng isang tao lang ang nasaktan ko dahil yun ang tama para lumayo na siya saakin dahil ayoko na siyang saktan pa. at ayoko ng madagdagan pa yung masasaktan ko lalong lalo na si Mike dahil baka magalit saakin sila dad.







________________________






[Mike's POV]






Kanina ko pang napapansin na parang wala sa sarili si Jane. Saka nung pagkarating nila ay parang aligaga siya.





Ayoko naman s'yang piliting sabihin sakin kung ano ba talaga ang problema nya.





Kanina nung nasa stage kami ay talagang hindi talaga s'ya nakikinig at tulala lang ito na halatang malalim ang iniisip. Halata naman sa mga malalalim nyang buntong hininga kanina.





Hindi nya nga napansin na tapos na pala mag salita sila dad at Mr. Ocampo. Tss.





Saka nung bumaba na kami,
bigla at bumalik sa table namin ay dumating rin kuya ni Jane may kasama itong babae.





My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon