CHAPTER 17

8K 164 9
                                    

CHAPTER 17




[Nicole's POV.]




Ilang araw na din ang lumipas na ayain akong uminom ni Jayson dahil may problema sa babae. Tsk!




Palagi n'ya namang pinoproblema yan eh. Ano naman bago?



Ang loko naman ayaw pang aminin na mahal n'ya pa yung babae. Napaka talaga! Halata naman siya deny pa siya! Kalokohan n'ya.




Halata naman nag aalala lang siya dahil hindi n'ya matawagan yung isa kung makaaya naman mag inoman parang laki agad ng problema eh.




Tsk! Ewan ko rin kay Jane at bakit hindi makontak ang phone. Nag alala tuloy yung isa.



Kawawa naman tuloy itong mokong na ito este kaibigan ko. Tsk!





Mabuti nalang yung sarili kong lovelife ay ok lang.





Pero ewan ko rin kung nasaan ang isang yung. Ilang araw na rin hindi nag paparamdam. Huwag n'ya sasabihin na ghosted na n'ya ako ah!




Tsk. Siya nga pala ang dahilan kung bakit lahat ng lalaki ay hindi ko na tinatawag na honey, babe at iba pa eh.



Ang sabi nya kasi siya lang dapat tawagin kong honey at babe. Seloso pala ang love kong si Michael.



Kaya tinigilan ko na. Baka kasi maging dahilan pa yun ng pag aaway namin.



Hays. Inaamin kong gustong gusto ko siya. Mahal ko na nga ata siya. Pero siya hindi ko alam kung mahal rin ba ako?


Saka nasaan ba siya ngayon? Bakit hindi siya nag papakita kahit paramdam?




____________________




[Micheal's POV.]





Hindi ko alam bakit umabot kami sa ganitong sitwasyon.



Tsk. Simula nong umuwi s'ya ng gabing nagpaalam s'ya na may pupuntahan lang saglit ay bigla nalang itong umuwi rin agad.



Halatang namumugto ang mga mata galing sa iyak ay bigla rin itong nag-aya na umalis agad.



Tsk. Ano kaya nangyari doon sa kanya at anong yung pinuntahan nya bakit nagkakaganito ito ngayon?



Nagkukulong sa kwarto. Minsan  ayaw pa kumain.




Minsan nakakapagod nang intindihin! Pero kapag aalala ko kung ano sinakripisyo nya dati ay naiintindihan ko ang sitwasyon nya ngayon.



Kung hindi lang kita mahal Jane baka nakutusan na kitang kapatid ka!



Hays. Kamusta na kaya si Nicole sa pilipinas? Simula nung nag-aya ng umalis si Jane ay hindi na ako nakapag paalam sa kanya na aalis ako at nasa ibang bansa kami ngayon para ipagamot ang mahal naming tatay!




Tsk. Bakit kung may highblood ba kailangan talaga dito magpagamot sa ibang bansa?




Hindi ko alam kay Jane bakit dito nya naisipan magpunta para macheck si Dad eh.




Ah may isa pa palang dahilan! Ang kompanya namin dito ay nalulugi.
Kaya ayun tumaas ang blood pressure ni Dad. Tsk!




Hays. Ok lang kaya ba s'ya doon sa Manila? Tsk. Malamang naman hindi eh happy go lucky lang yung isang yun. Sobrang kulit pa. Hays!




My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon