CHAPTER 8
[Jane's POV.]
Nandito ako ngayon sa office at sobrang daming ginagawa at yung boss ko ay nakarating na nga lahat-lahat dito sa bansa galing bussiness trip nya sa Macau hindi na naman pumasok para mabawas-bawasan nya naman itong mga dokyumento na kailangan n'yang permahan.
Nako alam ko na! Tinatamad lang yun pumasok ngayon dahil alam nya may masipag sya'ng sekretaryang handa sumalo ng mga trabaho nya dito.
Saka kahit anino nun ay hindi ko pa nakikita! Takot ba sakin yun? Napatawa ako sa naisip ko. Ang assuming ko naman kung ganon na hindi n'ya rin naman ako nakikita pa?
Mag hapon tutok sa trabaho kaya nung off duty ko na ay umuwi na agad ako. Nag paalam lang ako kay Mrs. Perez at pinayagan naman nya ako.
Nang makauwi ako ay wala naman akong gagawin dito sa condo unit ko.
Kaya inayos ko nalang mga gamit ko, kumain at nag babad sa bathtub.
Pagkabihis ko ay humiga agad ako sa kama para matulog na sana nang biglang may tumatawag saaking telepono. Tinignan ko ang oras ay 7pm na pala.
Dahil sa sobrang pagod ko sa trabaho ay hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag saakin basta sinagot ko nalang ito agad-agad.
"Hello?" Walang ganang sagot ko dito.
"Jane? anak. Magbihis ka at may pupuntahan tayong party. Ok? Medyo malalate lang tayo. Dadaan kita d'yan. Bye!" Sabi lang ni dad at pinatay agad ang tawag.
Si Dad talaga. Hindi pa nga ako pumapayag ay pinatayan kaagad ako?
Hindi kita samahan dad eh!
Di'joke lang, takot ko lang sa kanya!
Wala sigurong kasama kaya ako nalang. Wala siguro si kuya? Si dad talaga oh!
Mabuti nalang naligo nako kaya nagbihis nalang ako na babagay sa party. Alam ko naman kasing anong party ang pinupuntahan ni dad.
Kaya nag suot lang ako ng gown na parang casual lang pero simpleng elligant tignan tapos nag lagay lang ako ng light make-up. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga make-up. Nag lalagay lang ako kapag may ganitong okasyon or may importanteng pupuntahan.
Nang eksaktong 8 pm ay nandito na agad si dad sa harap ng condo ko kaya dali-dali akong lumabas para puntahan siya. Nang makita ko ang kotse ay hindi siya ang nag dadrive may driver siyang dala.
Pagkasakay ko ng sasakyan sa tabi nya ay humalik pa ako sa pisngi nya at sabay may inabot siya saakin.
"Ito anak isusuot mo yan mamaya doon." Sabi pa neto saakin.
Napatingin ako sa inabot nya saakin at nakita kong maskara ito. Kaya doon ko nalaman na mascarade party ang pupuntahan namin. Mabuti at nababagay ito sa suot ko ngayon.
Mas mabuti na rin ito at hindi ako makikita ng ibang tao dahil hindi rin naman ako masyado nag ayos.
Habang nasa byahe kame ay bigla nagsalita si dad
"By the way anak. You look beautiful tonight." sabi ni dad.
Kaya napataas ako ng mata.
"Dad maganda paba ako sa lagay neto? Wala akong masyadong ayos kasi nag mamadali ka hahaha." natatawang sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!
RomanceNaranasa mo na bang mag mahal at iniwan? Naranasan mo na din bang iwanan nang mahal mo dahil yun ang gusto ng iba? At naranasan mo na din bang yung taong iniwan mo at sinaktan, Ay magiging amo mo o Boss? Hay nako.. Kung wala pa e'di basahin mo 'tong...
![My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!](https://img.wattpad.com/cover/29497294-64-k173564.jpg)