CHAPTER 23
[Jayson's POV.]
Matapos nung inoman namin ni Nicole nakaraan ay busy naman ako sa trabaho kina-umagahan hanggang ngayon.
Isang linggo na din ang nakalipas na ikwento n'ya sakin na may nakita s'yang babae doon sa banyo at yun rin daw ang pumunta sa condo ko.
Ewan ko sa sinasabi n'ya pero sabi ni Nicole ay kilala ko raw yun. Kasi may kamukha raw ito. Hindi nya lang matandaan. Tss. Hindi naman siya siguro diba? Dahil bigla na nga yun umalis tapos bigla rin darating?
Napahilot ako sa aking noo dahil sumasakit ang aking mga mata.
Ang dami ko kasing paper works ngayon na gagawin at may bago na akong sekretarya.
Dahil nga nag resign nalang basta ang isa kong magaling na sekretarya na walang paalam. Tsk.
Habang tutok ako sa computer ko ay biglang tumunog ang cellphone ko.
Pagtingin ko sa caller ay si Nicole lang pala. Ano naman kaya kailangan neto?"Oh?" Pagkasagot ko habang nagbabasa ng mga articles sa computer ko.
[Tsk. Wala man lang 'Hi or Hello', Jayson, napaka suplado mo!] Reklamo neto sa kabilang linya.
"Bakit napatawag ka? Anong kailangan mo?" Tanong ko ulit at hindi pinansin ang kalokohan nya.
[Jayson, pwede bang puntahan mo muna ako dito? Ano eh. May nangyari. Tama yung lalake sinampal ako. Huhu~ Sige na Jayson puntanan mo na ako at ipagtanggol.] Tsk. Alam na alam na nag sisinungaling eh. Kung sinampal siya hindi yan tatawag saakin baka binugbog nya narin ang nag sampal sa kanya.
"Nasaan kaba?" tanong ko at inayos ang mga gamit ko saka tumayo para puntahan siya dahil hindi ito titigil habang hindi nasundo gusto neto.
[Nasa mall ako. Doon parin sa lagi ko pinupuntahan. Sige na ha? Bye~] nag mamadaling paalam neto bago ako pinatayan ng tawag. Huli na dahil narinig ko narin ang cashier na sinasabi ang bills nya.
Tsk. Tama talaga ako. May kailangan ito at iyon ay gagawin ako netong taga bitbit ng mga pinamili nya!
Well dahil wala naman ako gagawin ay pinuntahan ko na agad siya.
Ilang minuto rin ay nandito na ako sa mall na sinasabi nya. Napailing nalang ako dahil hindi nya sinabing nasaan sya banda. Tss.
Kaya tinext ko nalang siya na send saakin kung saan siya banda. Makukutusan ko talaga itong si Nicole.
Habang naglalakad ako ay may napansin akong pamilyar napigura ng babae. Nakatalikod ito saakin may kasamang lalaki na pareho silang nakatalikod saakin.
Pumasok silang dalawa sa boutique ng pambabae.
Palingon-lingon ang babae dahil pumipili ng magugustuhan at dahil doon ay natigalgal ako.
Ano ito? Gagohan? Bakit magkasama sila? Ang alam ko pagka resign ni Jane ay ilang araw rin ay nag resign rin itong si Mike. Tapos makikita kong magkasama sila ngayon? Ano yun? Nag plano silang umalis para magsama?
![](https://img.wattpad.com/cover/29497294-288-k173564.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!
RomanceNaranasa mo na bang mag mahal at iniwan? Naranasan mo na din bang iwanan nang mahal mo dahil yun ang gusto ng iba? At naranasan mo na din bang yung taong iniwan mo at sinaktan, Ay magiging amo mo o Boss? Hay nako.. Kung wala pa e'di basahin mo 'tong...