CHAPTER 22
[Jane's POV.]
Nang makita namin ang pamilyang Corpuz ay pinuntahan agad sila ni Dad at binati.
Nasa likod lang kame ni Dad Kaya huli na kame ni kuya nabati nila.
"Magsi-upo muna tayo. Pasensya na kayo dahil malalate ng kaunti yung anak ko. Na traffic raw kasi siya. Pero malapit na siya kaya mauuna na tayong mag order habang hinihintay na'tin siya ay kumain na muna tayo." Napapahiyang paliwanag sa amin ni Mr. Corpuz tatay ata ng mapapangasawa ko raw.
Pansin ko nga rin na sila dalawa lang ng asawa n'ya ang andito. Tss. Parang siya pa yung babae sa amin.
Habang nag uusap sila at hindi ko na ma-take yung usapan nila tungkol sa bussiness pagkatapos ng kasal raw ay nag excuse muna ako sa kanila na mag babanyo muna saglit.
Nakakainis pa yung mapapangasawa ko ay sa lagay ne'to parang s'ya pa yung napipilitan dito sa tagal n'ya.
Nagbanyo lang ako saka tumambay saglit doon para hindi muna ako mausisa sa mesa dahil kahit isa baka wala akong masagot.
Lumabas rin ako sa banyo pagkasampung minuto. Baka nakakahiya sa mapapangasawa ko na dumating na tapos ako pa mamaya ang maging masama na wala ako na dumating siya. Tss.
Habang pabalik ako sa mesa namin ay bigla ako napayuko ng kaunti para pagpagin ang suot ko at bigla rin ako napaatras kasi nabunggo ako sa isang pader na malambot?
Nang tignan ko ano yun ay hindi pala kung ano ay kung sino! Nakatalikod siya saakin at harang sa daan kaya napataray ako sa wala sa oras. Ngayon na mainit ulo ko ngayon!
"Ano ba? Pwede bang tumabi ka muna? Kaya nabubungo kasi harang ka eh!" Medyo inis na sambit ko.
"Sorry Miss, hindi ko sinasadya. Hinahanap ko kasi table namin." Napatigil ito ng makaharap saakin. Kahit ako natigilan rin dahil namumukhaan ko siya. May itsura ito makinis at mukhang mabango pero mas gwapo parin siya sa paningin ko. Tss ano ba itong iniisip ko bakit siya na naman?
"Jane? Ikaw ba talaga yan? Long time no see, Jane! Bigla ka nalang nawala sa trabaho at nalaman ko nalang na nag resign kana pala!" Hindi makapaniwalang sambit n'ya habang nakatingin parin saakin.
"A-ah? Oo nga eh. May importante kasing nangyari." Sagot ko nalang dahil hindi ko rin alam ano sasabihin ko. Saka inaalala ang pangalan n'ya. Ang natatandaan ko lang kasi ay Mike ang pakilala n'ya saakin? Tama ba?
"So, ano pala ang ginagawa mo dito? May ka-date kaba?" Tanong ko habang sabay na kame maglakad.
"H-ha? W-wala akong ka-date!Pinapunta ako ng family ko for dinner. Ikaw ba?" Sagot ne'to saakin saka deretso rin nag tanong.
"Actually may dinner rin kame ng family ko kasama--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may sumingit sa sasabihin ko.
"Nandito na pala ang mga anak natin. Iha, magkakilala na pala kayo ng anak ko?" Masayang sambit ni Mr. Corpuz.
Napalingon ako sa paligid dahil wala naman akong ibang kasama kundi siya! Bigla ko siya tinignan at ang pamilya nya. Pabalik-balik. Walang salita na lumabas sa bibig ko hanggang siya na nagsalita.
BINABASA MO ANG
My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!
RomanceNaranasa mo na bang mag mahal at iniwan? Naranasan mo na din bang iwanan nang mahal mo dahil yun ang gusto ng iba? At naranasan mo na din bang yung taong iniwan mo at sinaktan, Ay magiging amo mo o Boss? Hay nako.. Kung wala pa e'di basahin mo 'tong...
![My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!](https://img.wattpad.com/cover/29497294-64-k173564.jpg)