CHAPTER 40
[Jane's POV.]
Maaga ako nagising kinabukasan dahil may pupuntahan ako. I mean para puntahan at kunin ang phone ko.
Habang papasok sa banyo ay ewan ko ba kung bakit nakakaramdam ako ng excitement hindi ko masabi para saan ito. Siguro na excite ako maligo?
Pagkatapos ko maligo ay nag bihis ako agad ng simpleng damit. Isang square neck puff sleeve tee na pinarisan ko ng jeans saka nag suot ng 3inch sandals. Naglagay lang ako ng light make-up bago lumabas ng kwarto.
Sakto naman na pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si kuya papunta sa kwarto ko.
"Morning kuya." Nakangiting bati ko sa kanya.
"Morning rin. Ang aga mo ata? Gigisingin pa naman sana kita." Sambit ne'to at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Ngumiti nalang ako ng pilit.
"May lakad kaba? Saan ka naman pupunta ng ganito kaaga? Huwag mong sasabihin na sa mall dahil alam ko sawang sawa kama kakamall. Huwag mo rin sabihin may trabaho ka ulit dahil hindi naman kita nakita nag apply. Lalo na huwag mong sasabihin saakin na may lakad kayo ni Mike dahil ang alam ko sinama naman siya ng Daddy nya sa trabaho." Sambit ne'to saka inikutan pa ako ne'to parang sinusuri.
Hindi ko tuloy alam ano sasabihin at paano mag paalam. Ang lakas naman ng pang amoy nya na may lakad ako ngayon at ngayon nya pa ako naisipan puntahan sa kwarto ko. Tss.
"So bakit ayos na ayos at nakapanglakad ka?" Tanong nya habang nakataas ang isang makapal na kilay nya.
Ayos na ayos ba ako? Simpleng damit nga lang suot ko eh. Dahil pupuntahan ko nga siya este ang phone ko pupuntahan ko at kukunin.
"Si kuya naman ang aga-aga eh. May pupuntahan lang ako saglit. Pangako babalik naman ako kaagad." sabe ko at nag taas pa ng kamay,
"Siguraduhin mo lang talaga na saglit ka lang. Dahil kapag ikaw hinanap ni Dad pareho tayong papagalitan." Seryosong sabi nya sa'kin.
"Salamat kuya.. Opo babalik ako kaagad.. Bye.." Napayakap ako sa kanya saka naglakad paalis. Pababa na ako ng hagdan ng marinig ko ulit siyang magsalita.
"Basta bumalik ka kaagad, Jane." sabi nya lang saka siya naglakad papasok sa kwarto nya.
Pagbaba ko ay dumiretso na ako agad sa dining para kumain. Mabilis lang ako natapos kumain dahil parang feeling ko nag mamadali ako kahit hindi naman.
Lumabas naman kaagad ako ng bahay saka sumakay ng kotse. Habang nagdadrive ay nakaramdam ako ng pagkauhaw hindi pala ako nakainom ng tubig sa sobrang excited ko. Excited makuha ang phone.
![](https://img.wattpad.com/cover/29497294-288-k173564.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!
RomanceNaranasa mo na bang mag mahal at iniwan? Naranasan mo na din bang iwanan nang mahal mo dahil yun ang gusto ng iba? At naranasan mo na din bang yung taong iniwan mo at sinaktan, Ay magiging amo mo o Boss? Hay nako.. Kung wala pa e'di basahin mo 'tong...