CHAPTER 25
[Jayson's POV.]
Isang buwan na rin ang nakalipas ng huli ko siyang makita sa mall kasama ang fiancé nya.
Kahit isang buwan na ang nakalipas ay inaamin ko rin sa sarili ko na nasaktan ako ng nalaman ko na may fiancé na pala siya.
Alam ko naman sa sarili ko na mahal na mahal ko pa rin siya pero gaya ng sinasabi ko lagi na hindi na kami pwede lalo na ngayon ay ipapakasal na siya sa iba ng pamilya nya.
Andito ako ngayon sa opisina ko ng padalhan ako ng invitation card ng mga Corpuz para doon sa gaganaping party nila. Hindi ko naman para saan ang party pero ang alam ko ay lahat ng mayayamang bussiness tycoon ay dadalo sa party na ito.
Kung hindi siguro ako mayaman ay imposible naman na bibigyan nila ako ng invitation card para makadalo sa party ng mga Corpuz. Tss.
Hindi ko alam kong makakapunta ba ako dahil sa susunod na araw na ito gaganapin. Sabado ito ng gabi gaganapin.
Ewan ko pero wala akong gana pumunta at kinakabahan ako. Hindi ko ma discribe ang nakakaramdam ko.
Siguro dahil pamilya ito ng fiancé ni Jane? Or dahil alam ko na pupunta rin ang buong pamilya nya at syempre dahil mag fiancé sila ay magkasama sila doon? Tss.
Kung hindi nalang kaya ako pupunta? Pwede naman siguro diba? Sasabihin ko nalang na busy ako or may importante akong lakad.
Tss. Bahala na nga! Matawagan nga si Nicole.
_________________________
[Nicole's POV.]
Isang buwan na nga ng una kong makilala si Jane na kinabaliwan ng kaibigan ko. Kilala ko naman siya kasi lagi siyang bukambibig ng kaibigan ko pero sa pangalan lang pero sa mukha ay hindi ko pa ito nakikita.
I mean pangatlong beses ko na pala siyang nakikita. Sa condo ni Jayson, sa bar at sa mall ang masaklap lang ay kasama neto ang fiancé nya raw. Ayun nag emo tuloy ang kaibigan ko. Tss.
Napabalik tanaw ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Pag tingin ko ay may tumatawag tinignan ko kung sino ay si Jayson lang pala.
Ano naman kaya problema or kailangan ne'to? Akala ko ba nag e'emo to. Tss."Oh bakit? Hindi kana ba nag e'emo d'yan?" Nang aasar na sambit ko agad pagkasagot ko ng tawag nya.
"Nic, may gagawin ka ba sa susunod na araw? Sabado ng gabi?" Tanong nya ng hindi man lang pinansin ang pang aasar ko sa kanya.
"Teka, titigan ko sa schedule ko." sagot ko habang tinignan ang schedule ko nasa office table ko kung may lakad ba ako sa araw na yun. Pero mukhang wala naman siguro.
"Oh ano na? Meron ka ba lakad?" Tanong nya na parang naiinip. Tss.
"Wala naman. Bakit ba? Problema mo?" Inis ko na sagot sa kanya. Demanding masyado eh.

BINABASA MO ANG
My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!
RomanceNaranasa mo na bang mag mahal at iniwan? Naranasan mo na din bang iwanan nang mahal mo dahil yun ang gusto ng iba? At naranasan mo na din bang yung taong iniwan mo at sinaktan, Ay magiging amo mo o Boss? Hay nako.. Kung wala pa e'di basahin mo 'tong...