CHAPTER 18

7.5K 163 17
                                    

CHAPTER 18



[Jane's POV.]




Ilang araw na ba ako nagpapakabusy dito sa state?


Hindi ko parin kasi maalis sa puso't isip ko na mahal na mahal ko parin s'ya.


After nong pag'uusap namin ni kuya ay dumiretso na ako dito sa room ko.



Nung nakita kame ni dad kanina palabas ng library ay tinanong nya kami kung anong nangyari sakin at bakit namamaga ang mga mata ko.



Sinabi ko nalang na napuwing lang ako sa alikabok doon sa library habang nag uusap kami ni kuya. Mabuti nalang at naniwala agad si Dad.


Ito ako ngayon sa bintana ng kwarto naka dungaw at nakatulala sa kawalan.


Namimiss ko na siya. Kamusta na kaya s'ya?



Hay naku Jane! Eh ano pa nga ba? Mas ok ata yun ngayon kasi wala kana walang sagabal sa kanila ng gf nya.

Nakita mo na nga nung girlfriend diba? Pumunta ka pa sa condo nya.



Tss. Naalala ko naman bago ang huli namin pag uusap.




~flashback~



Pagkatapos namin nag usap ni Jayson dahil babyahe pa siyang papuntang Thailand para sa another bussiness trip nya ay ilang minuto lang lumipas ng may tumawag ulit saakin kaya sinagot agad ito.




[Ma'am, Jane? Ako po yung kasambahay n'yo sa bahay ng Dad nyo. Ang Dad n'yo po kasi sinugod namin dito sa hospita. Inatake po ng highblood ma'am.] sabi nya na may pag alala



"ANO?!!"



Dali akong bumangon sa higaan at parang magic na nawala ang antok at pagod ko. Dali ako nag bihis at tumakbo ako papalabas ng condo ko.



Habang nag dadrive ako papuntang hospital na binigay saakin na address ay grabe yung pawis sa kamay ko. Hindi ko na alam ang gagawin kapag may isa pa sa pamilya ko ang mawawala.



Pagkadating ko sa hospital ay basta ko nalang pinark ang sasakyan ko sa labas at dali pumasok sa lobby ng hospital.



Nakita ko agad si kuya sa labas ng emergency room. Ang sabi nya saakin ok na si Dad. Ililipat nalang ng room at hintayin nalang namin.



Ang dalawang kasambahay ay nasa itsura ang takot na meron rin saamin ni kuya. Kaya hinarap ko ang mga ito para sabihin na ok na ang lahat dahil nakikita ko ang sa itsura nila yung takot nila.



"Ok na po si Dad. Salamat sa inyong dalawa. Pwede na po kayong dalawa umuwi at magpahinga." Kasi alam ko dala nila yung sasakyan ni Dad. Kasama yung driver.



"Pasabi nalang kay Manong na pakidalhan ng mga gamit si Dad. Salamat po uli." Tumango naman sila at umalis na. Saka hinarap ulit si kuya.



"Kuya, Ok na po ba talaga si Dad?" may pag alalang tanong ko sa kanya.

"Ok na siya sabi ng mga doctor n'ya. Kailangan lang hindi na s'ya ulit ma stress. Tulad kanina kaya lang naman siya na highblood kasi nalulugi yung kompanya na'tin sa states." Kwento nya saakin at napabuntong hininga.

My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon