CHAPTER 12
[Jane's POV]
Mag iisang buwan na akong nag tatrabaho sa kompanya n'ya pero napapansin kong pinapahirapan nya ko.
Eh kasi naman yung pinapagawa nya sakin ay ang layo sa trabaho ko bilang isang sekretarya nya.
Paano kasi pinapalinis nya ako kanina ng mini library nya sa loob ng opisina nya kasi raw napapansin n'yang maalikabok na raw ito at wala raw siya'ng oras para linisin ito kaya ako nalang.
Tsk. Kung alam nya lang na alam ko na pinapahirapan nya lang ako.
Paano magkakaalikabok dito sa loob ng opisina nya kung bago pa siya dumating dito sa kompanya nya ay nauuna ako sa kanya at nakikita kong nililinis ito araw araw ng mga taga linis nya.
Para wala na siya masabi ay sinunod ko nalang ang utos n'ya kasi wala naman na akong gagawin na.
Ang nakakainis lang ay yung pinalinis nya saakin yung banyo nya dito sa loob ng opisina nya. Nung una ay tumanggi ako kasi malinis naman pero nung no choice na ako kasi mapilit siya ay nilinis ko narin kahit wala naman ililinis doon.
Nang matapos ako maglinis ng banyo nya dito ay inutusan agad akong bitbitin ang tatlong box na mabibigat.
Hindi ko alam kung anong laman pero para bagong dating na mga bondpaper.Bitbit ko yun hanggang sa ground floor ng kompanya nya para ilagay lang doon sa opisina ng mga security.
Talagang iniinis nya ako. Pwede nya naman pakuha sa mga security nya dito kasi mga lalake naman sila at malalaking katawan pero ako talaga inutusan nya mag dala dito. Hindi nya ba alam na napakabigat ng box ne'to. Tsk.
Ewan ko ba kung sinasadya nya lang talaga to or normal nalang sa kanya ito? Sa kinikilos nya parang normal lang sa kanya mag utos ng ganon sa sekretarya nya.
Ibang-iba sya noon at ngayon. Talagang nagbago na ba s'ya?
Nagbago na din ba ang nararamdaman n'ya sakin?"Tsk. Syempre natural sinaktan ko yung tao. Magbabago talaga ang pakikitungo n'ya saakin." Kausap ko sa aking sarili.
"Dapat magpasalamat pa nga ako na hindi n'ya na ako mahal at wala na siyang nararamdaman saakin diba?Dahil yun naman talaga ang gusto ko sa umpisa pa lang." Dagdag ko pa sa aking sariluli
Pero bakit?
Bakit pag iniisip kung hindi na nya talaga ako mahal at wala na siyang nararamdaman saakin ay nasasaktan ako? Dahil ba mahal ko pa sya?Tama mahal ko pa nga siya. Dahil s'ya lang yung nag iisang lalaking minahal ko at minamahal ko hanggang ngayon!
Pero hindi na pareho ang nararamdaman namin. Kung tawaging one sided love nalang. Ako nalang yung nag mamahal saamin.
Kaya ang dapat kong gawin ay kalimutan ko na s'ya at itong nararamdaman ko para sa kanya.
Napabalik tanaw ako ng may tumawag sakin. Napalingon ako sa tumatawag saakin ay nakita ko isa sa mga katrabaho ko na si Mike.
"Oh Mike, Bakit?" tanong ko dito
sabay subo ng pagkain ko.Lunch break pala hindi ko matapos tapos pagkain ko kakaisip kung ano problema nung boss ko na yun.
BINABASA MO ANG
My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!
RomanceNaranasa mo na bang mag mahal at iniwan? Naranasan mo na din bang iwanan nang mahal mo dahil yun ang gusto ng iba? At naranasan mo na din bang yung taong iniwan mo at sinaktan, Ay magiging amo mo o Boss? Hay nako.. Kung wala pa e'di basahin mo 'tong...