CHAPTER 47
[Jane's POV.]
Nang makalabas ako ng hospital ay dito na ako dineretso uwi ni Mike sa condo nya. Dalawang araw lang tinagal ko sa hospital ay pinayagan naman agad akong lumabas.
Simula nung sinabi nya kay Dad na siya aako ng reponsibilidad sa pagbubuntis ko ay pinagduldulan na ako ni Dad sa kanya at dito sa condo ni Mike muna tumira para umiwas sa issue kapag lumaki ang tiyan ko.
Wala na rin akong nagawa kundi pumayag nalang! Hindi naman kami nagkakahiyaan pa ni Mike dahil sanay naman kame sa isa't-isa pero minsan parang ang cold nya makipagusap saakin.
Hindi ko naman siya masisisi dahil ang taong mahal nya ay may mahal ng iba at nagpabuntis pa! Hindi rin matutuloy ang kasal dahil buntis nga ako. Pero mag fiancé parin kame sa mata ng mga tao at pamilya namin.
Kaya siguro sinusubukan nya parin maging kaswal saakin tulad ng tinatanong nya ako kung anong gusto kung kainin at gawin. Kaya ang ending ako yung naiilang saamin dalawa!
Kung tratuhin nya ako parang wala lang sa kanya na nabuntis ako ng iba?
E'dapat nga magalit siya saakin at kamuhian nya ako at sabihin saakin na yung tatay talaga nitong dinadala ko ang mag'aalaga sakin eh!Gusto kong rin sabihin sa kanya na buntis ako. Na magkakaanak na kame. Pero hindi ko kaya sabihin dahil baka magalit si Dad at madamay pa siya sa galit ne'to. Natatakot akong baka may gawin sa kanya si Dad.
Isang tao lang ang may nakakaalam kung sino ang tunay na ama nitong dinadala ko! Walang iba kundi si Mike lang. Siya lang!
Simula kasing nalaman ni Dad na buntis ako at iniwan kame dalawa ni Mike ay kinausap niya ako at pinaamin talaga saakin kung sino nga ba talaga ang ama ng dinadala ko.
~flashback~
Nang lumabas na sila Dad at kuya
ay doon na ako tulayang umiyak na umiyak. Ang sakit ng masaktan ka ng unang beses ng ama mo at mapagsalitaan ng masasakit na salita.May yumakap saakin ng mahigpit at doon ko lang napagtanto na andito pa pala si Mike kaya tinignan ko ito sa mga mata nya. Hindi ko alam paano nya nasasabi ang lahat ng yun kanina.
"M-mike huwag mong gawin ito.. Hindi mo kailangan gawin ito.. Ayokong masaktan kita.." Makaawa ko sa kanya dahil ayoko ng dagdagan pa ang kasalanan ko sa kanya.
"Wala parin magbabago Jane. Nasaktan parin ako. Pero hindi kita iiwan at ipaglalaban kita.." seryosong sagot ne'to saakin at mas niyakap ako ng mahigpit.
"Tumahan kana Jane. Makakasama yan sa bata. Alam kong hindi pa naman buo yan pero gusto mo bang may mangyaring masama sayo? Kaya tahan na Jane.." sambit pa ne'to. Bigla naman akong kumalas sa yakap nya at pinatayan ang aking sarili dahil ayokong may mangyari masama saakin at madamay ang anak ko.
"Pero hindi mo parin sana sinabi yun sa kanila lalo na kay Dad.! Hindi mo dapat ginawa yun. Hindi kailangan." Malumanay na sambit ko sa kanya saka pinunasan ang mga luha ko.
"Ano ba Jane? Ano gusto mo hahayaan o titignan nalang kita habang napagsasalitaan ka ng masasakit na salita ng Dad mo? Hindi ko kaya yun. Nasasaktan rin ako kapag nasasaktan ka.." Sagot ne'to saakin at nag iwas ng tingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/29497294-288-k173564.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!
RomanceNaranasa mo na bang mag mahal at iniwan? Naranasan mo na din bang iwanan nang mahal mo dahil yun ang gusto ng iba? At naranasan mo na din bang yung taong iniwan mo at sinaktan, Ay magiging amo mo o Boss? Hay nako.. Kung wala pa e'di basahin mo 'tong...