CHAPTER 14
[Jane's POV.]
Isang linggo na ang nakalipas simula nung nangyaring halikan namin sa elevetor.
Nung hinalikan nya ako ay feeling ko kaming dalawa lang talaga sa mundo.
Parang bumalik kami sa dati na kame pa.
Doon lang ako tinubuan ng hiya sa rooftop pagkatapos naming magkahalikan.
Kasi naman parang natutunaw ako sa mga titig nya saakin. Hindi ko alam ano tumatakbo sa isip nya sa mga oras na yun.
Kaya nag desisyon akong umalis nalang at umuwi dahil wala na akong mukhang ihaharap sa kanya dahil sa sobrang hiya nararamdaman ko sa mga oras na yun.
Napabuntong hininga na naman ako dahil sa naisip ko.
Nandito ako ngayon sa trabaho at ewan ko ba dahil simula nangyari sa rooftop ay ang cold nya na sa lahat?
O saakin lang siya cold?
Tulad ngayon! Hindi na siya namamansin. Hindi na ako masyado inuutusan mag isang linggo na!
Hello?
Sekretarya nya ako pero hindi nya ako inuutusan masyado! Wala siyang pinapagawa na mahirap!Nasa harapan lang naman ng office nya yung table ko!
Pero bakit? Bakit kapag may ipapagawa s'ya saakin ay tinatawag n'ya pa si Mrs. Perez para lang ipagawa rin saakin? Bakit ayaw nya nalang deretso saakin diba?
Anu yun? Parang may sakit naman ako todo nya akong iwasan!
Ito pa ang matindi!
Hindi na n'ya ko pinagtatrabaho ng mabibigat?Tsk! Nakakapanibago talaga itong boss namin.
Tulad ng dati na mag isang linggo ko narin hindi pinapansin ang ginagawa n'ya. Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko hanggang mag lunch break.
Inayos ko lang mga gamit ko para makasabay na ako bumaba sa ibang katrabaho ko papuntang canteen.
Patayo na ako ng may biglang may nag lapaga ng lunch box saaking mesa.
Nang tignan ko kung sino nag lapag ay si Mrs. Perez lang pala.
"Para kanino po ito, Mrs. Perez?" tanong ko sabay tingin sa lunch box.
"Sayo? May nagpapabigay. Huwag kana raw bumaba at dyan kana lang kumain. Sige na at ako'y kakain na rin." Sabi neto sabay baba siguro pupuntang canteen.
Pero kanino raw galing? Kasi sabi ni Mrs. Perez may nagpapabigay diba? So sino nagpapabigay? At huwag na raw akong bumaba? At dito na raw akong kakain?
Hindi naman pwedeng s'ya diba?
Kasi hindi nga yun namamansin eh isang linggo na!Bibigyan pa kaya akong pagkain? Duh!
Tsk! Asa pa ako no!
Iwas na iwas nga saakin yun ngayon.Bahala siya d'yan!
Go with the flow nalang ako.
Kinain ko nalang yung pagkain na bigay kasi mukhang masarap naman pagkaluto ne'tong adobong baboy na isa sa paboritong ulam ko bukod sa sinigang.Basta nag tatrabaho parin ako ng maayos. Siya lang yung hindi maayos. Naturingan pa namang boss. Tsk!
Basta bahala siya.
Kung iiwasan n'ya ako ay mas mabuti kasi yun rin naman ang gagawin ko eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/29497294-288-k173564.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!
RomanceNaranasa mo na bang mag mahal at iniwan? Naranasan mo na din bang iwanan nang mahal mo dahil yun ang gusto ng iba? At naranasan mo na din bang yung taong iniwan mo at sinaktan, Ay magiging amo mo o Boss? Hay nako.. Kung wala pa e'di basahin mo 'tong...