CHAPTER 15

8.6K 173 5
                                    

CHAPTER 15




[Jane's POV.]





Lumipas ang mga araw ay ganon parin ang tagpo namin.




Hindi parin talaga kami nag papansinan. O tamang sabihin hindi nya parin ako pinapansin?




Namimiss ko tuloy siya este namiss ko yung inuutusan nya akong na wala naman konektado sa pagiging sekretarya ko.




Tapos ngayon ay aalis na naman s'ya papuntang Thailand na hindi kasama ang sekretarya nya. Hindi naman sa gusto ko sumama. Diba ganon naman kapag sekretarya? Pero siya ayaw nya ata akong isama.






Sa mga nagdaang araw ay napapansin kong napakabusy nya. Yung tipong yung busy niya sa buhay ay parang may sariling pamilya.





Ano nga ba oras ang byahe n'ya? Kahit nga yun ay hindi akong alam! Alam ko naman yung mga schedule nya. Sekretarya nya nga ako pero wala akong alam sa ibang mga lakad nya. Mas may alam pa si Mrs. Perez.




Ano yun? Parang wala rin akong trabaho dito! Ah meron pa naman mag file ng mga papeles nya dito at mag check ng mga documents at emails.






Kaya nga ako nag apply ng trabaho para may paglibangan ako! Gusto ko ng trabahong maayos na may gagawin talaga ako!





Nagulat ako ng bigla itong lumabas sa opisina nya at alam kong pupuntahan nya naman si Mrs. Perez. Kaya tumayo na rin ako at lumapit sa kanya.




"Ah boss,," tawag ko sa kanya at lumingon naman siya saakin saglit itong napatigil pero tinaasan ako ng kilay? Bakit? Suplado naman neto.





"Yes?" Tanong neto sabay tingin sa relo nya.




"Ah kasi baka may gusto kang ipagawa po? Pwede saakin n'yo nalang ipagawa? Wala naman kasi akong gagawin dito. Tapos kay Mrs. Perez n'yo na pinapagawa ang dapat ay ako ang gumagawa kasi trabaho ko po yun. Wala akong gagawin dito." Mahabang paliwanag ko sa kanya.





"Ayusin mo nalang yung ibang dokumento ko sa mesa ko at wala ka nang ibang gagawin. Aalis rin naman ako mamaya. Pwedeng hindi kama rin muna pumasok. Wala naman ako dito kaya ok lang na huwag kana pumasok dito kapag wala ako." Sagot neto saakin at may tinignan sa cellphone neto. "Sige na at meron pa akong pupuntahan." Sabay talikod na saakin.





So wala na talaga ako gagawin? Final na yun? Ang gagawin  ko nalang ngayon ay tumunganga nalang?




Ayoko! Ayoko ng ganitong set up!
Bwisit talaga itong lalaking na'to!
Nakakainis na siya! Sarap nya yakapin este sakalin!





Dali-dali ko naman siya sinundan at naabutan ko naman siya sa tapat ng elevetor nag hihintay. Kaya tinawag ko ulit ito.




"Boss, teka lang po!" Lumingon naman ito saakin ng may pagtataka.
Dali naman akong lumapit sa kanya.





"Boss hindi naman po pwedeng wala akong gagawin dito! Kaya nga po ako nag apply ng trabaho para mag trabaho at hindi yung ganito! Gusto ko yung may ginagawa ako. Baka iisipin ng iba kong katrabaho ay binibigyan n'yo ako ng special treatment! Please boss bigyan n'yo ako ng gagawin kahit ano basta may magawa akong matino dito sa kompanya n'yo." Pag pipilit ko sa kanya na bigyan ako ng gagawin dahil ayoko ng ganitong set up!





My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon