CHAPTER 7

10.8K 230 4
                                    

CHAPTER 7




[Jane's POV.]





Isang linggo na ang nakalipas ng makita ko siya bar.




Ewan ko ba kung ano problema nya at nagpakalasing siya.
Siguro dahil nag away sila ng nago n'yang gf. Nag salita pa nga na mahal pa rin nya ito. Napa irap nalang ako sa naisip ko.



At nung isang araw rin ay nag paalam na ako kay dad na lilipat ako ng bahay. Nung una ay ayaw nya madame pa siya sinasabi na wala ako kasama sa condo ko. Hindi rin naman nag tagal ay pinayagan na rin nya ako.



Kumuha lang ako ng condo unit na medyo malapit lang din sa work ko.
Sinamahan pa nga ako ni dad para makasiguro siya na safe ang condo na binili nya para saakin. Kasi si kuya wala nag asikaso ng kompanya ni dad.



Tinulugan rin nila ako na maghakot ng gamit ko. Dinala ko lang ay yung mga gamit ko na kailangan sa pang araw-araw sa trabaho.



At isang linggo na din wala ang boss ko.



Nung mag iisang linggo nako dito sa trabaho ko, sinabi sakin ni Mrs. Perez na kaya wala pala si boss ng isang linggo ay nagkasakit ito. Siguro dahil nasobrahan siya ng alak.



Tsk. Hindi naman siya ganon dati.
Sana ok na siya ngayon.



Kaya lahat ng mga trabaho naiwan nya ay sakin napupunta lahat-lahat.
pati yung dapat papermahan sa kanya ay iniiba ko para ready na pag papasok na sya.




"Ms. David,?"




Kaya lang nung isang araw meron itong bussines trip papuntang Macau.



"Ms. David?"



Grabe naman yung boss ko, sobrang busy at sipag? Parang wala ng time para sa sarili nya. Hindi man lang naisip na nagkasakit siya. Nakakaawa naman pag ganon.




Kaya lang sa sobra ko atang pag iisip ay hindi ko namalayan na nandito pala sa harap ko si Mrs. Perez! Kung hindi pa ako nag angat ng tingin.



"Mrs. Perez! B-bakit po?" tanong ko, kasi naka kunot yung noo nya habang nakatingin saakin. Bakit kaya?



"Kanina pa kita tinatawag Ms. David pero mukhang ang lalim ng iniisip mo." Sagot nya habang may nilalagay siyang mga folder sa mesa ko. Kaya nahihiyang napangiti nalang ako habang yumuyuko ng kaunti.



"Ito ang mga bagong documents for Mr. Garcia. Paki check ng maayos at ilagay mo nalang sa mess nya." Paliwanag naman neto saakin at tumango naman ako sa kanya ng walang salitang umalis siya sa harap ko.




"Kaya mo ito self." sabi ko sa sarili ko habang inisa-isa ang mga documents.





____________________




[Jayson's POV.]





Nandito ako ngayon sa Macau meron akong inaasikasong bussiness.



Simula kasi nung iniwan n'ya ako binuhos ko na talaga lahat ng oras ko at ang sarili ko sa pag aaral para makapagtapos at makapag trabaho agad. Gusto ko maging successful at may ipagmamalaki sa lahat, lalo na sa kanya.




My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon