CHAPTER 16
[Jayson's POV.]
Nakakapagod. Isang linggo rin pala ko dito sa Thailand at ito na naman ako papuntang airport dahil uuwi na ako ng Manila.
Ewan ko pero ang excited ko umuwi ngayon.
Nakakapagod man itong trabaho ko pabalik-balik sa ibang bansa ay masaya naman ako kahit wala na ako oras minsan sa sarili ko.
Kamusta na kaya siya? Galit pa rin kaya siya saakin?
Tsk. Bakit naman siya magagalit? Dapat nga ako magalit parin sa kanya dahil sa pang iiwan nya saakin dati.
____________________
Kakalapag lang ng eroplano at nandito na ulit ako sa Manila.
Pero bakit feeling ko may mali at may nangyari na hindi ko alam?
Ah siguro jetlag lang siguro ito kasi galing ba naman akong byahe at wala pa akong tulog.
Kaya deretso na akong umuwi sa condo ko.
Pagkauwi ko ay nag hubad lang ako ng damit at iniwan ko lang ang boxer short ko saka nahiga sa kama.
Nakapikit ako ng may ngiti sa labi.
"Bukas magkikita na naman tayo.." sambit ko at tuluyan na akong nakatulog._____________________
Ang aga kong pumasok sa kompanya ko at simula na dumating ako ay hindi ko pa rin nakikita si Jane.
At nalaman ko kay Mrs. Perez na limang araw na raw s'yang hindi pumapasok?
Ano kayang nangyari sa kanya?
Nang tanongin ko si Mrs. Perez kung nagpaalam ba si Jane sa kanya ay sinabi sa aakin na "Diba sabi mo sa kanya sir, na huwag muna siya pumasok kapag wala ka dito?"Nagmukha tuloy akong tanga sa pagtatanong ko kay Mrs. Perez.
Kaya tinawagan ko na dahil andito naman na ako kailangan nya na pumasok.
Kaso kapag tinatawagan ko ay out coverage area siya or patay lang ang phone?
Tsk. Jane, na saan ka? Pinag alala mo ako! Nag aalala na ko sa kanya! Dahil mag hapon ko siyang tinatawagan pero wala parin. Hindi ko parin ma kontak ang cellphone n'ya!
Kahit paano may pinagsamahan rin kami dati kaya nag aalala ako ngayon!
Yung pakiramdam ko ay parang mauulit yung pag iwan nya saakin na hindi ko na naman alam ang dahilan nya.Kaya nung pa gabi na ay tinawagan ko ang nag iisang kaibigan ko na babae. Si Nicole.
Tsk. Isa rin to ang tagal na rin hindi nag paparamdam saakin.
[Hello~?] sagot nya sa kabilang linya.
"Nic? pwede ka mamaya?" Tanong ko na may paawa ang boses.
[Naku! Jayson, hindi tayo talo no! Pumunta ka doon sa bar at doon ka mag hanap, ikaw talaga ha!] Bakit masama naman timpla neto. Anong nakain nito at himala na hindi nya ako tinawag na hon ngayon? hmmp.
At ano raw sabi nya? Hindi kami talo? Ano ba ang iniisip nya?
"Ano? Hindi yun ang ibig kong sabihin! Ang dumi mo naman mag isip, Nicole! Pwede kaba mamaya? Mag uusap lang ganon!" Kalokohan ne'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/29497294-288-k173564.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!
RomanceNaranasa mo na bang mag mahal at iniwan? Naranasan mo na din bang iwanan nang mahal mo dahil yun ang gusto ng iba? At naranasan mo na din bang yung taong iniwan mo at sinaktan, Ay magiging amo mo o Boss? Hay nako.. Kung wala pa e'di basahin mo 'tong...