CHAPTER 28

4.7K 106 3
                                    

CHAPTER 28





[Jane's POV.]





Sakto naman ng dumating kami nila dad at kuya sa may venue ng party ay kakasimula pa lang ne'to saka kame sinalubong ni Mike.




Inikot ko ang aking paningin sa loob ng venue ng may napansin ako or tamang sabihin na may nahagip ang mga mata ko na walang iba kundi ang nag-iisang lalaking nagpapatibok ng puso ko mula noon at hanggang ngayon.






Bakit siya pumunta? Kahit ayaw ko na pumunta siya pero sa loob-loob ko na gusto ko siya makita ngayong gabi.




Gusto nya rin ba ako makita? Kasi ako gustong-gusto ko siyang makita kahit mali dahil may fiancé na ako pero anong magagawa ko kung namimiss ko siya?





Nang mapansin kung lilingon siya sa gawi namin ay binaling ko agad sa iba ang paningin ko saka nakipagbatian na rin sa iba pang kasama namin.





Tss. Kasama ko ngayon sa tabi si Mike na fiancé ko pero ibang lalake ang nasa isip ko?





Kahit naiilang pa rin ako sa kanya dahil sa paraang pananalita nya at pag aakto nya na parang wala lang sa kanya yung pag amin nya sakin?





Hello? Naiilang kaya ako dahil alam ko may gusto siya saakin pero ako? Gusto ko naman siya kaso bilang kaibigan lang. Kapag sasabihin ko naman sa kanya ay pinipigilan nya ako.





Ganon pa rin sya sa akin na sweet at palabiro sa harapan ko. Alam ko naman na pinapagaan nya lang talaga ang loob ko tuwing nakakahalata siyang naiilang ako sa kanya.






Habang nag uusap at nagtatawan kami ay parang nararamdaman akong may nakatingin saamin or sakin lang? Hindi ko alam kung sino!Syempre nakatalikod ako at pakiramdam ko ay nasa likod ko lang s'ya kaya pasimple muna akong tumalikod muna kay Mike para tignan kung sino mga tao na nakatingin banda saamin o sakin at ang una kong nakita ay siya!





Nakita ko sya na nakatingin sakin? Saakin nga ba? Dahil hindi ko kaya salubungin ang tingin nya kaya pasimple naman akong humarap kay Mike at nakipagusap dito.





Maya-maya pa ay biglang dumating si kuya at sinabi nya na pumunta kame kila dad at sa pamilya ni Mike dahil tatawagin kame paakyat sa stage.






Nang andun na kame ay pasimple akong tumingin uli kay Jayson at nakita kong nag uusap sila ng babae. Tss kasama n'ya talaga yang Nicole na yan dito? Tumalikod nalang uli ako dahil mukhang ok naman s'ya dahil nakikipaginoman ba naman doon sa babae na yun at kung makatawa silang dalawa ay parang sila lang dalawa ang tao dito?





Tss. Ano naman saakin ngayon? May fiancé na ako diba? Dapat hindi na ako apektado sa kanila! Hindi ko dapat s'ya pagtuunan ng pansin!






Nagulat nalang ako ng tapikin ako ni Mike sa may mukha ko.





"Jane, Ok ka lang? May problema ba? Nakasimangot ka kasi." Nag aalalang tanong ne'to saakin. Medyo na konsensya naman ako dahil kasama ko pala si Mike na fiancé ko.





"H-ha? Wala.." Sagot ko sa kanya ng hindi tumitingin sa kanya. Ayoko siyang saktan dahil mabait naman siya saakin.


Maya maya pa ay nag salita na si Mr. Corpuz sa taas ng stage.




"Maraming salamat sa lahat na dumalo ngayong gabi." Umpisa ne'to "Nais ko makilala n'yo ang aking anak na si Mike Angelo Corpuz at ang magiging asawa nya na si Ms. Mary Jane Ocampo." Sambit pa ne'to ng ikalamig ng mga kamay ko. Agad naman yun kinuha ni Mike at inalalayan ako paakyat sa stage.





My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon