CHAPTER 29

4.3K 112 8
                                    

CHAPTER 29





[Jayson's POV.]






Nang makaalis sila Nicole at Michael ay hindi ko mapigilan ang mainggit.





Mabuti pa si Nicole ay ayos na yung problema nya nakikita at nahahawakan na nya ang taong mahal nya.




Ang akin naman ay nakikita ko rin naman. Kitang-kita nga ng dalawang mata ko na kasama ang iba na masaya! Pero hindi ko naman mahahawakan dahil hindi na s'ya para sa akin!





Halos hindi na nga ako nakikinig sa mga pinagsasabi ni Mr. Corpuz at Mr. Ocampo sa stage dahil sa kanya lang ako nakatingin.





"Sana ako nalang uli Jane.." Malungkot na sambit ko saka ako tumayo at lumabas muna sa likod ng venue para mag pahangin.





Dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko at gusto ko nalang ngayon magpahinga at kailangan ko ng hangin dahil naninikip ang dibdib ko.





Paglabas ko ay may nakita akong mini garden doon at may mga ilang bench kaya umupo ako doon.





Nakakawala ng bigat sa dibdib ang tanawin ng garden lalo na nasisinagan ito ng buwan. Napakaganda tignan.






Habang nakaupo ako doon ay hindi ko maiwasan na maalala yung mga masasayang araw na magkasama pa kame ni Jane.






"Jane, mahal na mahal kita, please? Bumalik kana saakin.." sambit ko na naiiyak. Bigla naman humangin ng malakas kaya medyo gumaan ng pakiramdam ko kahit umiiyak ako.







Oo bading na kung bading na umiiyak ako dito pero tao parin ako nasasaktan. Nag mamahal ako. Lahat naman ng taong marunong magmahal ay nasasaktan rin dahil sa pagmamahal na yan.






"Tsk. Tumigil kana nga sa pagluha d'yan! Kahit anong iyak at ilang patak pa ng luha na lumabas d'yan sa mata mo ay hindi parin naman siya babalik sayo." Naiiyak na sambit ko habang pinupusuan ang luha sa mga mata ko. Parang baliw na nga ako dito dahil kinakausap ko ang sarili.





"Ang tagal na eh! Bakit pa ako nasasaktan ng ganito? Matagal naman na kaming wala pero bakit ang sakit parin lalo na may iba na siyang papakasalan? Bakit ang sakit?" Naiiyak na sambit ko saka ako napaluhod sa baba ng inuupuan ko at sinuntok ang lupa doon.





Ang sakit! Ang sakit nyang mahalin!
Parang pinaglaruan lang nya ako! Bakit pa siya nagpakita ulit saakin kung kailan kinakalimutan ko na siya? Isa rin ba ito sa mga laro nya? Na iiwanan ako ng walang sapat na dahilan? Mas masakit nga lang ngayon dahil ang dahilan ay ikakasal na siya sa iba.






Pinunasan ko ang luha ko saka ako umupo ulit sa upuan bigla naman humangin naman ng malakas hanggang sa tumuyo nalang ng kusa ang mga luha ko sa mata.





Nakatulala lang ako doon sa kawalan ng may biglang nagsalita sa likod ko.





"J-jayson?" Natigilan ako dahil kilala ko ang boses ng may ari nun kaya bigla akong napalingon sa kanya at tama nga ako na si Jane nga. Pero agad ko rin bumalik ang paningin ko sa kawalan.






My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon