CHAPTER 49
[Jayson's POV.]
Kamusta na kaya siya?
Kamusta na kaya sila?
Masaya na ba silang dalawa?Ang huling kita namin ay yung sa mall ay nasabihan pa akong mabaho. Tapos nabanggit pa ni Jessica na parang buntis ito sa kinikilos nya.
Hindi ko maiwasang hindi mag isip.
Baka nga nabuntis ko siya. Pero isang gabi lang may nangyari saamin. Makakabuo ba kapag isang gabe lang? Sabagay hindi lang naman kasi isang beses namin ginawa yun. Baka nga at nabuntis ko ito? Pero sasabihin naman nya diba?Kaso kinabukasan naman nun ay nabalitaan kong na ospital pala ito. Sinabi saakin ni Nicole na sinabi rin sa kanya ni Michael.
Gusto ko siyang puntahan para kamustahin kaso ano sasabihin ko sa pamilya nya? Napadaan lang ako at mangangamusta? Hindi naman ata nila alam na may relasyon kame dati.
Dalawamg linggo pagkatapos nun ay may sinabi naman saakin si Nicole na sinabi rin sa kanya ni Michael na buntis raw ang kapatid ne'to na si Jane.
Bigla akong nabuhayan dahil sa nalaman ko. Alam kong ako ang nakabuntis sa kanya. Pero bakit hindi nya parin ako pinupuntahan at sinasabi saakin?
Naghintay ako baka kumukuha lang siya ng tyempo kaso bigla naman ako nagka emergency sa ibang bansa at kailangan kong asikasuhin ang kompanya ko doon.
Natagalan ako halos isang buwan ako doon. Nang bumalik ako ay parang bigla gumuho ang mundo ko sa napanood kong balita na si Jane ay buntis at ang nakabuntis sa kanya ay ang fiancé ne'to na si Mike.
Bakit si Mike ang sinasabi nilang nakabuntis sa kanya? Bakit wala siyang sinasabi? So si Michael nga? Akala ko ba ako lang? Ako ang nauna sa buhay nya diba? So may nangyari din ba sa kanila kaya nabuntis siya?
Ayun pa sa balita ay hindi na nila nahintay ang kasal dahil nauna na ang honeymoon kaya nabuntis ito. Kaya kahit kasal nila ay hindi ata matutuloy ngayong taon.
Hindi ko ata matanggap ng nalaman ko kaya halos gabi-gabi nalang ako nag iinom at nagpapakalasing. Hindi ko na nga masyadong naaasikaso ang kompanya ko dahil lang dun sa nabalitaan ko.
Halos tatlong buwan na kame hindi nagkikita. Gusto ko siyang makaharap at makausap. Gusto ko siyang magpaliwanag saakin. Bakit ganon?
Nasasaktan ako. Dahil akala ko ay ok na kame ng gabing yun na pwede pa maging kame ulit. Pero shit lang dahil lahat ng akala ko ay maling akala lang pala.
Sa araw-araw ko pag iinom at pagkakalasing ay ang nakakasama ko palage ay si Jessica! Dahil hindi naman pwede si Nicole dahil may magagalit na raw sa kanya. Which is kuya ni Jane. Iniwan na ako sa ere ng babae na yun!
Itong si Jessica naman ay mukhang may problema rin. Kaya pala to napadpad ulit sa pinas dahil may problema raw sila ng parents nya kaya magdamayan nalang raw kame dalawa.
Ngayon nga nandito kami ni Jessica sa bar at umiinom naman kahit maaga pa. Siguro alas tres pa lang ay nandito na ako. Sinundan lang ako ni Jessica dito ng alas singko.
Mukhang naparami na nga ako inom ng alak at may tama na. Mag oorder pa sana ako ng awatin ako ni Jessica.
"Ano ba Jayson! Tama na yan! Madami ka ng nainom. Lasing kana!" naiinis na sabi ni neto. Halata naman sa tono ng pananalita nya eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/29497294-288-k173564.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!
RomanceNaranasa mo na bang mag mahal at iniwan? Naranasan mo na din bang iwanan nang mahal mo dahil yun ang gusto ng iba? At naranasan mo na din bang yung taong iniwan mo at sinaktan, Ay magiging amo mo o Boss? Hay nako.. Kung wala pa e'di basahin mo 'tong...