CHAPTER 5
[Jane's POV]
Nang makauwi ako ay hindi rin naman ako makatulog.
Kaya lumabas nalang ako ulit at pumunta sa bar para makainom ng kunti at makatulog agad.
Hindi naman ako maglalasing talaga. Gusto ko lang makainom ng kunti.
Tamang alak lang ng makatulog agad!Pagdating ko doon dumiretso ako agad sa bar counter para mag order.
Nag makapag order nako may napansin akong lalaking papasok at diretso sa bar counter at umorder talaga ang pinakahard na alak?
Lumaki ang aking mga mata ng makilala ko siya. Mabuti nalang at medyo madilim sa bandang pwesto ko. Kaya malaya ko siya tinititigan.
Hindi parin nag babago, siya pa rin ang mahal ko. Medyo nag matured nga lang at nagkalaman laman ang katawan nya.
Pag umiinom siya ay nakakaakit tignan. Kaya nung napansin kung aalis na siya sinundan ko na ito kasi nakita kong masuray-suray ito sa pag lalakad na akala moy matutumba.
Deretso siya sa parking lot at mag dadrive pa talaga siya sa lagay na yan ha? Hirap na nga siya mag lakad kasi may tama na siya tapos mag dadrive pa?
Kaya nung napansin kung matutumba na talaga siya ay nagmamadali akong lumapit sa kanya at inalalayan siya.
God! Ang hot talaga mo kahit kailan!Mas lalo na ngayon. Nako Jayson ang laki ng pinagbago mo. Ikaw pa rin ang mahal ko at hindi magbabago yun. Nasambit ko nalang saaking isip.
Kaya ano pa ba magagawa ko? Kaya dinala ko nalang siya sa kotse ko at tinanong kung saan siya umuuwi.
Nang ayaw nya sabihin. Inaalala ko nalang kung saan siya dati nakatira. Kaya mabilis ko siyang dinala dun at hiningi ang susi ng unit nya para makauwi narin ako.
Nagpatulong narin ako kay manong guard dahil medyo mabigat rin siya.
Tinanong ko kung saan kwarto niya. Tinuro naman nya kaso madame pa siyang sinasabi na kalokohan. Kaya napasagot tuloy ako sa kanya na hindi naman nya narinig.Mabilis namin siyang dinala doon sa unit niya at pinaupo rin siya ni kuya guard sa sofa.
Nang makaalis si kuya guard ay binalikan ko siya at panay tanong kung ano ano pinagsasabi ko kanina.
Sinagot ko nalang siya na wala at dinala sa kwarto nya at binagsak sa malaking kama niya.
Kasi naman kung makatitig siya saakin parang tutunawin ako!
At ano itong nararamdaman ko nag iinit ako sa titig nya.Kaya umalis kaagad ako sa harap nya at kumuha ng basahan para mapunasan ko siya at damit na sando kasi amoy alak na siya at pawis.
Pagbalik ko ay pinunasan ko kaagad siya na parang nag mamadali ako. Nakatitig pa rin siya sakin na nakakatunaw hindi ko nalang pinansin at isinuot ko na sa kanya ang damit niya.
Pagkatapos ko siyang bihisan ay hinila nya ako sa braso para halikan!
Nag pumiglas ako pero ang lakas nya at mas lalo nyang diinan ang halik.Kaya napapikit ako at hindi namalayan na humahalik narin akong pabalik sa kanya. Naramdaman kong ngumiti siya saamin halikan.
Hindi ko alam kung kilala niya ba ang kahalikan nya o alam n'yang ako ito?
Pero parang ayoko narin tumigil kasi ang sarap pala sa pakiramdam na mahalikan ulit ang iyong minamahal.
![](https://img.wattpad.com/cover/29497294-288-k173564.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!
RomanceNaranasa mo na bang mag mahal at iniwan? Naranasan mo na din bang iwanan nang mahal mo dahil yun ang gusto ng iba? At naranasan mo na din bang yung taong iniwan mo at sinaktan, Ay magiging amo mo o Boss? Hay nako.. Kung wala pa e'di basahin mo 'tong...