CHAPTER 2

18K 315 9
                                    

CHAPTER 2


[Jane's POV]




Kinabukasan




Kakagising ko lang kanina ay ginawa ko na agad ang mga dapat pag aralan sa kompanya ni Dad dahil isa akong mabuting anak sa mata nila.


Andito lang ako ngayon sa bahay at nasa kwarto lang habang may ginagawa ako sa laptop ng biglang may kumatok sa pintuan.



Nang hindi ako sumagot ay bigla naman itong kumatok ulit at nagsalita
"Anak, Busy kaba?" ah si Dad lang pala.



"Pasok po, Dad. Bukas po ang pinto."
sabi ko habang hindi tumitingin sa tatay ko habang pumapasok.


"Anak, mukhang busy ka talaga at hindi mo ako magawang tignan?" Medyong nagtatampong sabi niya.



Kaya napatigil ako sa ginagawa ko at nilingon ko naman siya at saka tumayo.


"Si Daddy talaga. Alam mo naman pinag aaralan ko yung ibang bussiness mo, diba?" Sagot habang papalapit sa kanya.



"Saka Dad, Bakit po pala kayo nandito?" kasi hindi naman yan pupunta dito sa kwarto ko pag walang sasabihin eh.



"Anak, kasi may sasabihin ako sayo. Ano kasi. Alam mo yun? Ganito kasi. Basta ganito anak, Alam mo naman na ano eh---.." Napatigil siya ng bigla ko tinaas ang isang kamay ko sa harap n'ya.


Naguguluhan kasi ako sa kanya!
Wala naman siya sinasabi kundi puro Ano? Ganito? Alam ko? Ang ano? Hindi ko maintindihan si Dad.


"Dad, stop! Deretsohin nyo na po? Alam nyo naman hindi ako magagalit kung ano man ipapagawa mo or ano diba? So, Ano po iyon Dad?" Seryosong pahayag ko sa kanya.


Tinignan muna ako ni Dad bago nagsalita.



"Anak ganito kasi, Diba matagal kanang graduate. At ayaw mo naman mag trabaho ngayon saakin? Hanggang kailan ka ganyan? Ayaw mo ba talaga sa pinag aralan mo? Ang gusto ko lang naman na kayong dalawa ng kuya mo ang mag manage balang araw ng kompanya na'tin." Malumanay na sambit ni Dad saakin.


Napatigil naman ako at napatitig sa kanya. Tama siya. Matagal na akong graduate at isang taon na. Pero hindi ko parin kaya mag trabaho sa kompanya namin. Hindi ko alam kung bakit?



Habang tinitignan ako ni Dad ay parang sinasabi n'ya sa paraan ng pagtitig n'ya saakin na kinuha ko lang ang kursong gusto n'ya para saakin pero hindi ko naman talaga gusto!



"Dad, ayoko kasi mag trabaho sa sarili na'tin kompanya kung alam ko naman na atin yun. Ayoko na bigyan ako ng special treatment ng mga tao doon. Dahil halos lahat ng tao doon kilala ako at si Kuya. Lalo na si Kuya bibigyan talaga ako nun ng napaka special treatment kasi kilala mo naman iyon diba?." Pagdadahilan ko sa kanya. Pero totoo yung dahilan ko. Ayoko sa kompanya namin kung bibigyan rin lang naman ako ng special treatment.


"Iyon lang ba? Sasabihin ko sa kanila na huwag kang bigyan ng special treatment, Anak." Sagot naman ni Dad. Kaya napapikit nalang ako at nag iisip kung ano pa idadahilan ko sa kanya.



"Dad, gusto ko sinisikap ko ang bawat trabaho ko. Tulad ng mag uumpisa ako sa mababang posisyon. Nang may purpose naman ang pinag aralan ko. Dad, kung didiretso naman ako agad sa matataas na posisyon d'yan sa kompanya mo ay AYOKO." Sagot ko sa kanya at tumalikod para ayusin yung mga gamit ko sa lamesa kanina na kumalat.


My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon