CHAPTER 11
[Jane POV.]
Subsob ako ngayon sa trabaho. Nakayuko lang ako hanggang naglunch dahil ayokong magawi yung tingin ko sa pintuan ng opisina ng boss ko!
Dahil kapag naalala ko yung kaninang umaga sa loob ng elevator kung paano n'ya ako kausapin ay nasasaktan ako. Lalo na yung napaiyak ako pero hindi ko naman sinasadyang iparinig sa kanya dahil kahit ako mismo nabigla rin sa sarili.
Hindi ako makapag concentrate s trabaho dahil naiisip ko yung nangyari sa loob ng elevator.
Nagulat lang ako dahil bigla nalang siya nag salita na parang naiinis sabay sabunot sa sarili niyang buhok
Akala ko tuloy masakit ang ulo nya kaya nilapitan ko siya para natungin kong ok lang ba siya pero nabigla ako sa sinabi nya nung napahawak ako sa balikat nya.
"Huwag.mo.kong.hawakan." madiing salita n'ya saka umayos ng tayo at deretso tingin sa harap ng pinto ng elevator.
Ako naman ay bigla ako napaatras sabay tanggal ng kamay ko sa kanyang balikat.
"A-ah ok." Sagot ko nalang saka tumalikod na'ko sa kanya.
Nasaktan ako sa inaasal nya. Parang hindi nya ako kilala nung hinawakan ko lang siya sa balikat. Sobrang lamig ng tinig nya.
Sino naman kasi hindi masasaktan?
Kapag ganon ang trato sayo ng isang tao lalo na kapag ex mo or should i say boss mo?Nag mamalasakit lang naman ako sa kanya dahil parang baliw siya bigla nalang sabunutan ang sariling buhok!
Ang masakit pa ay kung makapagsalita s'ya nang huwag ko siyang kahawakan ay parang nandidiri s'ya sakin?
Eh wala naman akong sakit para ganon trato nya saakin!
Alam ko may kasalanan ako sa kanya kaya nung tumalikod ako sa kanya ay napahikbi nalang ako ng tahimik.
Matigas kong pinupunasan ang mga luha ko. Hindi dapat ako nag papaapekto sa inaasal nya. Diba kakalimutan ko na nga'ng mahal ko sya diba?
Dahil yun ang pangako ko kila ate at mama.
Kaya nung tumigil na ang elevator sa palapag ng opisina nya ay nauna na siya'ng lumabas na parang ayaw nya talaga akong kasabay.
Pinilit kong itigil ang pag luha ko sabay hingang malalim bago ako sumunod sa kanya. Huminga akong malalim ulit bago umupo upuan ko sa tapat ng kanyang opisina.
Dapat talagang hindi ko na iiyakan ang lalaking yan. Dahil sa nakikita ko? Hindi na nga n'ya mahal. Dapat ganon rin ako.
Pero kapag iniisip kong kakalimutan na ang pag mamahal ko sa kanya ay hindi ko kaya. Parang pinipiga ang puso ko ng paulit-ulit.
"Anong nangyari kay Sir? Bakitt parang gusto n'ya sirain yung pintuan ng opisina nya pagkapasok?" Tanong saakin ni Mrs. Perez.
"Baka badtrip?" Hindi ko sure na sagot ko sa kanya dahil wala naman talaga akong alam bakit mainit ang ulo nya.
Tumango naman siya sabay harap sa akin at sinipat nya ang mga mata ko.
"Bakit namumula yang mga mata mo Ms. Jane?" Usisa nya sa mga mata ko kaya napayuko nalang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/29497294-288-k173564.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!
RomanceNaranasa mo na bang mag mahal at iniwan? Naranasan mo na din bang iwanan nang mahal mo dahil yun ang gusto ng iba? At naranasan mo na din bang yung taong iniwan mo at sinaktan, Ay magiging amo mo o Boss? Hay nako.. Kung wala pa e'di basahin mo 'tong...