CHAPTER 39
[Jayson's POV.]
Nasa condo unit lang ako maghapon dahil akala ko ay pupunta siya dito kasi kukunin nya raw ang phone nya.
Hindi naman sa naghihintay ako sa kanya pero yun kasi ang sabi nya na pupunta siya dito kaya hindi ako umalis baka kasi kapag dumating siya walang tao dito. Tss.
Hanggang sa maggagabi na pero bakit wala pa rin siya? Hindi naman siya tumawag pa para sabihin saakin na papunta na siya.
Teka bakit nya naman ako tatawagan para lang sabihin na papunta na siya? Asa naman ako. Umasa na naman ako.
Diba ako naman nag sabi sa kanya na huwag na siya pumunta dito kasi may fiancé na siya? Pero bakit pa ako naghahangad na pupunta pa siya dito? Tsk.
Mukhang wala naman pala pupunta dito at naghintay lang ako sa wala minabuti ko nalang na lumabas ng condo at nag drive kahit saan kung saan man ako dadalhin ng kotse ko.
Habang nag mamaneho ako ay bigla akong nagutom sakto naman na may nadaanan akong mall kaya nag park ako saka pumasok. Maghahanap nalang ako ng makakainan dito.
Habang patingin-tingin ako sa pwedeng kaininan sa loob mga mall ay may nakita akong mini seafoods restaurant kaya doon ako pumasok para kumain.
Umupo ako sa bakanteng lamesa na pang apatan kaso nag iisa lang ako pero ok lang. Sanay naman ako nag iisa.
Nag-order lang ako ng makakain ko at habang nag hihintay ako ng order kong pagkain ay may pumasok na dalawang tao mula sa entrance ng restaurant na ito.
Kaya ba hindi siya nakapunta kasi kasama nya pala ang fiancé nya? Sana hindi nalang siya nag sabi na pupunta siya para kunin ang phone nya kung may lakad pala silang dalawa.
Syempre mas importante ang lakad nilang dalawa kesa puntahan ako i mean puntahan at kunin ang phone nya.
Mabuti nalang na mas malayo ang lamesa na inupuan nila dito sa pwesto ko. Sakto naman na dumating ang order ko. Kumain nalang ako at hindi sila binabalingan dalawa. Wala akong pakealam sa kanila.
Kahit tapos na ako kumain ay hindi parin ako umaalis. Hinhintay ko silang mauna umalis. Kahit busog na ako nag order ako ng dessert para hindi halatang may hinhintay akong umalis.
Pa sulyap-sulyap lang ako sa pwesto nila na may sinabi si Mike kay Jane na namula naman siya. Tss.
Maya pa ay tinaas ni Mike ang kamay nya para hingiin ang bills nila. Nang makuha na ang bayad nila ay tumayo na ito saka sumunod rin si Jane. San sila pupunta? Uuwi na ba sila?
Kaya agad ko rin hiningi ang bill ko para mag bayad. Hindi ko alam sa sarili ko na tumayo ako agad saka lumabas ng restaurant. At parang may sariling isip ang mga paa ko na nakasunod lang sa kanila.
Sakto naman ng makarating ako sa parking ay kakaalis lang ng kotse nila. Baliw na ata siguro ako dahil pumasok rin ako sa kotse ko saka sila sinundan.
Napabuntong hininga nalang ako habang nakasunod sa kanila. Hahayaan ko na muna maging tanga ang aking sarili kahit ngayon lang. Total nasasaktan naman na ako lulubusin ko na.
Lalake ako at alam ko kung may gusto ang lalake sa babae at sa nakikita ko kay Mike tuwing nakatingin siya kay Jane ay alam ko na agad na may gusto siya dito.
BINABASA MO ANG
My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!
RomanceNaranasa mo na bang mag mahal at iniwan? Naranasan mo na din bang iwanan nang mahal mo dahil yun ang gusto ng iba? At naranasan mo na din bang yung taong iniwan mo at sinaktan, Ay magiging amo mo o Boss? Hay nako.. Kung wala pa e'di basahin mo 'tong...