CHAPTER 24
[Jane's POV.]
Nakatanaw parin ako sa kanilang dalawa habang papalayo sila sa'amin.
Habang nakatingin sa kanilang dalawa ay nasasaktan ako sa isiping magkasama silang dalawa ngayon.
Hindi ako basagulera pero parang gustong-gusto kung sabunutan yung yung babaeng kasama nya na si Nicole at sabihing huwag siyang dikit ng dikit sa mahal ko!
Pero na isip ko wala pala akong karapatan. Ito nga at alam nya na may fiancé na ako. Dapat maging masaya ako para sa kanya dahil parang ok naman siya? May kasama nga siyang iba ngayon.
Kahit mahal na mahal ko pa siya ay hindi na pwede itong nararamdaman kong pagmamahal para sa kanya dahil next month ay engagement party na namin kahit alam naman na namin na mag fiancé na kame pero gusto parin ng magulang namin mag paparty para sa negosyo nila! Tsk.
At alam ko ay isa na s'ya roon sa ininvite ni dad sa party kasi tulad ng sabi ni dad ay lahat ng bussiness partner nila ay invited at alam kung dadalo siya pero sana ay huwag nalang.
Kung alam ko lang na mag kikita kame dito sa mahal ay sana hindi nalang ako nag'ayang umalis kay Mike dahil napakaboring sa bahay!
Nung una ay akala ko nagbibiro lang si Mike na nakita raw nya si Jayson dito sa mall at nung sinabi kong hindi ako naniniwala ay tinawag nya talaga ito kahit sinabi kong huwag na ay napakakulit naman talaga dahil nilapitan nya pa ito.
Nung sinundan ko siya ay nakita ko ngang totoo na andito nga si Jayson kaya natuwa ako ng makita ko sya at gusto kong siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko dahil hindi pwede lalo na kasama ko si Mike.
"Jane, ok ka lang? Bakit umiiyak ka?" Takang tanong saakin ni Mike na hinarap nya ako.
Dali naman akong hawakan ang mukha ko para malaman na totoo nga'ng basa yung mukha ko ng luha.
"H-ha? Wala. Naalala ko lang sila Mama at Ate." Sagot ko dahil alam naman nya na wala na sila. Tumango naman ito at pinatahan ako.
Napalingon pa muli ako sa dalawa pero wala na mga ito sa paningin namin.
"Ok kana ba? Tara kumain muna tayo." Tanong pa ne'to at tango nalang sinagot ko. Inaya nalang ako ni Mike kumain para siguro malibang ako sa pagkamiss kila ate at mommy.
Habang kumakain kame ay nabanggit ko sa kanya na gusto na rin umuwi pagkatapos at nawalan na akong gana mag shopping. Pumayag naman siya dahil napansin nya narin na wala na talaga akong gana.
Sino pa ba naman gaganahan?
Baka makita ko pa silang dalawa doon ay baka mahampas ko sa kanilang dalawa ang mga pinamili ko. Char!Kahit nasa mukha ni Mike na ayaw nya pa umuwi kame ay wala rin naman siya magagawa dahil ako gusto ko na umuwi.
_________________________
Padilim na ng umuwi kame at habang nasa loob na kami ng kotse ni Mike ay bigla siya nagsalita.
![](https://img.wattpad.com/cover/29497294-288-k173564.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!
RomanceNaranasa mo na bang mag mahal at iniwan? Naranasan mo na din bang iwanan nang mahal mo dahil yun ang gusto ng iba? At naranasan mo na din bang yung taong iniwan mo at sinaktan, Ay magiging amo mo o Boss? Hay nako.. Kung wala pa e'di basahin mo 'tong...