CHAPTER 38

4.1K 90 3
                                    

CHAPTER 38




[Mike's POV]




Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or malulungkot sa sagot nya sa tanong ko. Sinabi naman nya na naiwan nya nga yung phone nya sa isang kaibigan pero hindi nya parin sinabi kung sino ito.



Kaya hindi nalang ako nag tanong pa baka ako rin naman ang masasaktan kapag sinabi nya talaga ang totoo. Ang mahalaga sinabi parin nya na naiwan nya ito sa isang kaibigan nya.



Kahit alam ko naman na yung kaibigan na sinasabi nya ay walang iba kundi ang ex boyfriend n'yang si Jayson. Pero hindi ko maintindihan na bakit nya pa ito pupuntahan kung gusto nya na pala putulin kung ano meron sila?



Kung mahal pala nila ang isa't isa bakit hindi nila ipaglaban dalawa ang pagmamahalan nila? Hindi ko na talaga maiintindihan.



Nag usap nalang kame at nagkwentuhan. Nang bandang hapon na ay inaya ko siyang lumabas at sa labas na rin mag dinner. Pumayag naman siya agad at nag paalam sa Daddy nya.



"Mag iingat kayo. Mike iuwi mo si Jane ng maaga ha?" Sabi pa ni Mr. Ocampo tumango naman ako sa kanya bago kame lumabas ni Jane sa bahay nila.



Pumunta muna kame sa mall para mag window shopping dahil wala naman siya gustong bilhin ay titingin-tingin nalang daw muna kame. Nang mag 6pm na ay inaya ko na siyang kumain.



Dinala ko siya sa paborito nya'ng seafood restaurant saka nag uusap ulit. Actually siya lang nagsasalita at nakikinig lang ako sa kanya habang nakatingin rin sa mukha nya



Kahit saan tignan ang ganda nya talaga. Kahit kumakain siya at nagsasalita na may laman ang bibig ay napakaganda nya parin sa paningin ko.



"Ang ganda mo.." Bigla ko nalang nasambit habang nakatingin sa kanya siya naman ay bigla rin natigilan saka namula ang pisngi neto. Ang cute.



Pagkatapos namin mag dinner ay nag-aya na siyang umuwi. Habang nasa byahe naman kame pauwi sa kanila ay bigla naman siyang tahimik at nakatingin lang sa labas ng bintana ng sasakyan ko.



Nang malapit na kame sa kanila ay may nadaan kaming park. Medyo luma na ito pero may mga tao parin na gumagala. Meron rin mga ilaw sa mga puno na led meteor shower malapit na kasing magpapasko kaya may mga dekorasyon ang park na ito.



Tinigil ko ang sasaktan ko sa tapat ne'to kaya napabaling naman siya saakin nagtataka siguro bakit ako tumigil. Pero nginitian ko lang siya saka nag park.



Lumabas ako saka siya pinagbuksan na nagtataka parin bakit kame andito.


"Mamaya na kita hahatid. Tambay muna tayo dito. Ang ganda ng park na ito kahit kaunti lang ang mga tao." Nakangiting sabi ko sa kanya.



"Oo nga. Hindi ko alam na may mga dekorasyon na pala dito. Malapit na talaga ang pasko." Sagot nya saakin saka siya nauna saakin at umupo sa may duyan.



Sumunod naman ako sa kanya at umupo rin sa kabilang duyan. Ganon lang kame tahimik na nakatingin lang sa mga tao na naglalakad sa park may bata rin na biglang humangin ng malakas na madadama mo talaga ang lamig ng simoy ng hangin.



Napapikit ako para sana damhin ang hangin ng bigla naman nagreklamo na si Jane. Nilingon ko agad siya at doon ko lang nalaman na napuwing pala ito kaya agad ko itong nilapitan.
Dahil nakikita ko na kinukusot nya ang kanyang mata.



My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon