CHAPTER 31
[Jane's POV.]
Isang buwan na ang nakakalipas matapos ang party ng mga Corpuz at isang buwan na rin na huli kong makita at nakausap si JJayson
Nakausap nga ba kame? Oo, para sakin ay nag usap kami kaya lang sya yung maraming sinabi.
Isang buwan na rin na palagi akong inaayang lumabas ni Mike.
Ewan ko pero kahit tinapat ko na sa kanya ang totoo pero hindi parin siya nag bago. Mas lalo lang siya nanging sweet saakin at gusto ko siyang kasama parang magaan ang loob ko sa kanya pag nandyan sya sa tabi ko.
Ito na ba yun? Kapag gusto ko ang presensya nya ay may nararamdaman na rin ba ako sa kanya? Hindi ba pwedeng gusto ko lang ang presensya kasi kaibigan na turing ko sa kanya?
Kahit ipapakasal na ako sa kanya pero ang nararamdaman ko para sa kanya ay walang wala sa nararamdaman ko para kay Jayson. Ang gulo ko!
Ano naman kung magkagusto ako sa kanya bilang lalake? Diba yun naman gusto ko? Para kalimutan ko na siya at mawala yung nararamdaman ko sa kanya?
Tss. At bakit ba ako nangangamba kung may feelings na ako kay Mike? Natural lang yun dahil ang bait bait nya saakin araw-araw at magiging mag asawa na kame kapag kinasal kame dapat ko lang siya mahalin dahil mabait siya saakin.
Ah! Napahawak ako sa ulo ko sabay sabunot ng sarili kung buhok saka ako nangalumbaba sa mesa dahil sumasakit ang ulo ko sa kakaisip sa kanilang dalawa!
"Jane, ok ka lang?" Tanong ni dad dahil nandito pala siya sa kwarto ko at ako naman ay may binabasa sa laptop ko.
Hindi ko nga alam na nakapasok na pala si dad sa kwarto ko? Tsk. Lutang na naman kasi ako saka kung magnanakaw pala nakapasok ay kanina pa ako nanakawan ng wala akong kaalam-alam.
Wala kasi si Mike ngayon dahil may bussiness meeting sila at sinama sya ng dad nya para ma train narin para sa kompanya nila.
Wala tuloy ako mapaglibangan. Kahit pa na binabasa ko ang tungkol sa bussiness namin ay hindi ko parin tuloy maiwasan hindi siya isipin.
Itong si Mike naman kasi ang tanda na kailangan pa e'train ayan tuloy wala akong kasama lumabas kaya ito ako nakatambay sa bahay.
"Anak? May problema kaba?" Tanong saakin ni dad saka ako hinawakan sa balikat.
"Ha? W-wala naman po, Dad." Sagot ko nalang sabay tingin ulit sa laptop kahit hindi naman pumapasok sa utak ko ang binabasa ko.
"Sigurado ka? Nagsasalita ako dito hindi ka nakikinig. Panay buntong hininga mo. Kung may problema ka anak pwede ka magsabi saakin at makikinig ako." Malumanay na sambit ne'to.
Paano kaya kung sabihin ko sa kanya na siya ang problema ko? At itong iniisip nilang ipakasal ako sa iba? Na sila nag dedesisyon sa buhay ko? Makikinig ba siya?
"Wala po dad. Pagod lang po siguro dahil kanina pa po ako nagbabasa." Sagot ko nalang para hindi na siya mag tanong pa. Kahit ang totoo ay wala naman pumapasok sa utak ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/29497294-288-k173564.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!
RomanceNaranasa mo na bang mag mahal at iniwan? Naranasan mo na din bang iwanan nang mahal mo dahil yun ang gusto ng iba? At naranasan mo na din bang yung taong iniwan mo at sinaktan, Ay magiging amo mo o Boss? Hay nako.. Kung wala pa e'di basahin mo 'tong...