CHAPTER 21

6.7K 137 4
                                    

CHAPTER 21




[Jane's POV.]







Dalawang buwan na kaming nandito sa ibang bansa at isang buwan pa lang ang nakakalipas nung sinabi ni dad na tuloy ulit yung kasal ko sa anak ng mga Corpuz!




Kahit ayoko ay parang wala na rin akong magagawa dahil lahat naman ng gusto ng pamilya ko lalo na si Dad ay kailangan masusunod!




Ngayong araw din mismo ay uuwi kami ng pilipinas dahil may roong kunting salo-salo bukas ng gabi sa kasama ang mga Corpuz.





Kaya ito kame nag hahanda ng mga gamit namin pauwi ng Manila.





___________________







Ilang oras rin ang lumipas bago lumapag ang eroplano na sinasakyan namin sa airport ng Manila.





Ang nakakainis lang dahil si kuya ay parang nagmamadali parang may hinahabol?





"Ano ba kuya? Bakit nag mamadali ka? Tsk." Iritang sabi ko dahil mas nauuna talaga siya saamin ni dad mag lakad. Tapos ang laki pa ng hakbang n'ya.





Kapag susundan ko si kuya ay maiiwan naman si dad sa likod namin. Tss.





Kaya bumalik nalang ako kay dad para magkasabay kaming dalawa.





"Bakit ganon si kuya, dad? Tignan mo para may hinahabol nakikipag unahan sa iba." Sabi ko kay dad.





"Hayaan mo. Baka may gustong makita. Or may importante lang na pupuntahan."





"Wow ah, Dad! Ikaw na may alam." Sagot ko saka lumayo sa kanya ng kaunti.




_____________________







Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso na agad ako sa kwarto.
Kahit na tinatawag ako ni dad para kumain muna ay wala akong ganang kumain o mag meryenda man lang.





Naiinis kasi ako sa sarili ko!
Kay dad at kay kuya!




Bakit sila kaya nilang sumaya habang ako dito ay nalulungkot ng hindi nila alam? Bakit hindi ako pwedeng maging masaya? Bakit?





Nang medyo madilim na sa labas ay tumayo na ako sa pagkakahiga sa kama ko.





Naligo ako at nagbihis ng pang alis. Pupunta akong bar at magpapakalasing upang makatulog ng maaga. Dahil ayoko mag isip ngayon para bukas kung paano ako ipakilala ni dad sa mga Corpuz.





Nang matapos ako ay napatingin ako sa orasan at alas otso na pala ng gabi.
Medyo natagalan ako sa pagligo dahil nag babad pa ako at pag ayos ng sarili.





Alam kong ganitong oras ay tulog naman na si Dad dahil kailangan nya matulog ng maaga. Kaya ginawa ko ay deretso agad palabas ng bahay saka sumakay ng kotse. Mabuti naman at mukhang tulog na ang mga tao kaya ayun at walang mag cucurfew saakin.





Ilang minuto lang ay narating ko narin ang lugar na gusto ko puntahan. Nag park lang ako at deretso pasok sa loob.





Ang ingay at mausok! Ano paba aasahan ko sa lugar na ito? Bar nga eh! Dagdag mo pa ang nakakahilong ilaw! Tss.





My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon