CHAPTER 33
[Jane's POV]
Pagkaalis ni dad ay wala tuloy akong maisip kung hindi s'ya.Kaya lang naman ako lagi umaalis or kasama si Mike sa pamamasyal ay para ibaling sa iba ang atensyon ko. Pero ngayon parang hindi ko na magawa.
Gusto ko siyang makita kahit ngayon lang. Kahit sa malayuan lang. Gusto ko lang siya masulyapan ng mabilisan.
Dahil ikakasal na naman ako ay lulubusin ko nalang ang oras na meron ako. Gusto ko siyang makita pero kailangan ko muna siyang tawagan.
Nakailang tawag na ako pero walang sumasagot sa tawag ko. Hindi nya ba dala ang phone nya? Dahil ring lang ito ng ring. Saan kaya siya? Bakit hindi niya sinasagot? Or baka nasa trabaho pa siya?
Anong oras na ba? Tinignan ko ang orasan ko ay saktong 5pm ng hapon. Ah baka nasa trabaho pa nga siya.
Gusto ko pa naman makipag'usap sa kanya ng masinsinan. Gusto ko siyang makita ngayon.
Kaya napagpasyahan ko nalang na puntahan sya sa opisina nya. Baka nandun naman siya diba? Kung hindi sasapat ang pag silay sa kanya ay lalapitan ko nalang siya at makipag usap ako? Hays ang gulo ko.
Dali naman ako nagpalit ng damit. Tinignan ko muna ang ayos ko ok lang ba saka ang lagay ako ng light make up dahil baka mahalata n'yang lagi akong puyat kakaisip sa kanya kaya nagka eyebag ako.
Tss. Kakamustahin ko lang naman siya. Wala naman masama doon diba? Wala lang masama dahil hindi pa naman ako kasal. Lulubusin ko na.
Sakto naman pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si manang pababa ng hagdan kaya tinawag ko ito.
"Manang, andyan na po ba si Dad?" Tanong ko dito kasi diba nagpaalam saakin yun kanina pupunta kay kuya sa opisina.
"Ah opo maam. Andun na po sa kwarto nya. Ang sabi nya ay magpapahinga na raw po siya." sagot naman ne'to saka sabay na rin kame bumaba ng hagdan.
"Mabuti naman at maaga ang pahinga nya." Sagot ko naman saka ako humarap sa kanya. "Saka po pala manang kapag po may naghanap sakin or kahit sino dito ay sabihin nyo may pupuntahan lang ako saglit ha?" Paalam ko sa kanya sabay hawak sa balikat niya parang naiintindihan nya ang ibig kong sabihin.
"Opo ma'am. Ingat po kayo." Tumatango naman na sagot ne'to sa'akin.
Kaya lumabas na ako agad saka sumakay sa kotse ko at nagdrive sa kompanyang pinapasukan ko dati.
Pagkarating ko doon ay napahugot ako ng malalim na hininga sama tinignan ang buong building n'ya. Nakakamiss mag trabaho sa kompanyang ito lalo na yung may-ari ne'to.
Naglakad na ako papasok sa loob ng lobby. Pinapasok naman ako agad ni kuya guard dahil kilala nya naman na ako. Paanong hindi makilala ay ang dating sekretarya ng boss nila ay mayaman pala? Tss.
Paano nila nalaman? Ayun kasalanan ng pamilyang Corpuz dahil nagpaparty pala na may mga reporter. Ayun na TV tuloy kame. Tss.
Sumakay ako ng elevator at ng makarating ako sa taas ay wala na masyadong tao dahil siguro ay nag siuwian na ang iba. Naglakad lang ako saglit nang andito na ako sa may tapat ng opisina nya ay may nagsalita naman sa likod ko.
BINABASA MO ANG
My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!
RomanceNaranasa mo na bang mag mahal at iniwan? Naranasan mo na din bang iwanan nang mahal mo dahil yun ang gusto ng iba? At naranasan mo na din bang yung taong iniwan mo at sinaktan, Ay magiging amo mo o Boss? Hay nako.. Kung wala pa e'di basahin mo 'tong...