CHAPTER 13
[Jane's POV.]
Nandito ako ngayon sa condo ng boss ko habang ginagamot nya ang sugat sa noo ko ay hindi ko alam paano ipapaliwanag sa kanya kung bakit nga ba may sugat ang noo ko?Kahit ako ay hindi ko rin alam basta habang papunta ako dito ay may nangyari habang papunta ako dito.
"Pasensya na boss sa abala. Ok naman na po ako. Uuwi nalang po ako para mag pahinga" sagot ko saka tumayo para makaalis na kaso pinigilan nya ako sa braso kaya ayun napaupo ulit ako.
"Ang tanong ko ang sagutin mo. Ano nangyari sa noo mo?" Seryosong tanong nya at hindi ko magawang tumitig sa mga mata nya kasi nalulunod ako sa kaseryosohan neto.
"Ok sige. Ganito kasi nangyari." Tumigil muna ako dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi? Kasi hindi naman na importante para sa kanya eh.
"Ok?" Sabi pa neto at medyo tumaas na isang kilay neto. Napabuntong hininga nalang ako dahil no choice naman na ako.
"Kasi habang nagdadrive ako papunta dito sa condo mo ay nahihilo na ako sa sobrang gutom ko. Dahil anong oras na rin. Hinintay ko pang matuyo ng tuluyan ang polo nyo. Malapit na nga ako makabungo kanina buti naiwasan ako ng ibang driver. Kaso pagkadating ko dito ay nahilo na naman ako sa parking area habang nag lalakad ako papuntang elevator ay natumba ako at tumama yung noo ko sa haligi ng elevetor. Kaya ayun ganyan may sugat na ang noo ko.." Mahabang paliwanag ko sa kanya sabay yoko dahil nahihiya na ako sa katangahan ko ngayong gabi.
Nang hindi parin siya nag salita ay nag salita ulit ako.
"Ayun lang naman po boss. Pasensya na kayo at medyo natagalan ako. Pwede na ba akong umuwi?" Uwing uwi na talaga ako tapos nahihiya pa ako sa kanya.
Tapos nahihilo pa ako sa sobrang gutom ko ngayon gusto ko na kumain ng marami at matulog.
"Anong yun lang? Paano kung napahamak ka? My god Jane! Ano ok na ba yung noo mo? Wala ka bang ibang nararamdaman?" Seryoso pero may kunting inis sa boses nya.
"Wala naman. Nahihilo lang ako sa gutom. Pero naman pa naman ako. Matigas pa naman yung bungo ko." Sagot ko sa kanya at tumayo na.
"Teka! Diba nahihilo ka sa gutom? May sobrang pagkain ako dito nagluto ako. Kumain ka muna bago umalis. Tara sa kusina." sabay tayo at pumuntang kusina nya. Tatanggi pa sana ako kaso naglagay na siya ng plano sa mesa nya at kumuha na ng kanin at ulam.
Dahil sa pagod at kirot ng noo ko ay hindi na ako nag reklamo. Umupo nalang ako sa harap ng mesa at tinignan ang ulam na niluto nya.
"Hmmm. Marunong kana pala mag luto ng sinigang. Mukhang masarap." Komento ko sabay subo ng pagkain at totoong masarap nga niluto nyang sinigang.
"Kumain ka nalang d'yan. Katokin mo nalang ako sa kwarto kung uuwi kana." Sabi neto sabay alis at pumasok sa kwarto nya. Tumango tango naman ako dahil sa sobrang gutom ko ay kumain nalang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/29497294-288-k173564.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!
RomanceNaranasa mo na bang mag mahal at iniwan? Naranasan mo na din bang iwanan nang mahal mo dahil yun ang gusto ng iba? At naranasan mo na din bang yung taong iniwan mo at sinaktan, Ay magiging amo mo o Boss? Hay nako.. Kung wala pa e'di basahin mo 'tong...