CHAPTER 37

4.3K 79 5
                                    

CHAPTER 37





[Mike's POV.]







Pinatayan nya ako ng tawag?
Gusto kong sumigaw kaso naalala ko baka marinig pa ako ni Dad na tanghaling tapat ay nagsisigaw ako dito ayokong mapagalitan!





Nakakainis yun ah! Sino ba yun?
Saka ano sinabi nya? Doon nag palipas ng gabi si Jane nung isang araw na pinuntahan ko siya? So ibig sabihin hindi umuwi si Jane?





Pero nung pumunta ako sabi ng kasambahay nila ay may pupuntahan lang siya saglit. So akala ko uuwi rin siya nun agad? Hindi ko narin siya napuntahan kahapon dahil sinama na naman ako ni Dad sa lakad nya.





Hindi kaya yung ex nya ito? Imposible. Tinapos na ni Jane kung ano man ang meron sa kanila diba? Yun ang sabi nya na hindi na sila pwede kasi may pangako siya sa pamilya nya!






Pero kung ex nya nga talaga ang kasama nya? May ginawa ba sila? May nangyari ba sa kanila? Hindi imposible dahil mahal na mahal pa ito ni Jane.






Hindi ko ata matatanggap kung meron man talaga nangyari sa kanila!
Ayokong mag isip ng masama pero yun ang pumapasok sa utak ko ngayon! Nabablangko ako!






"Ahhh Bwisit!" Inis na sambit ko.





Gusto ko makausap si Jane para maklaro yung mga iniisip ko. Pero paano ko siya tatawag ngayon kung naiwan nya pala ang phone nya sa ibang bahay? Ang masaklap lalake pa ito.





Bigla nalang ako napatayo sa kama at pumasok sa banyo para maligo dahil pupuntahan ko nalang pala sya sa bahay nila. Mag tatanong lang ako. Pwede naman diba? Dahil fiancé nya ako!





Mabilis lang ako naligo at nagbihis. Lumabas agad ako ng bahay saka sumakay sa kotse at nagmaneho agad.





"Sana mag sabi ka ng totoo Jane. Paliwanagan mo lang ako ay susubukan kitang iniintindin, please? Dahil mahal na mahal kita. Susubukan kung iintindihin kung doon ka nga sa ex mo galing." Sambit ko sa aking sarili habang nagmamaneho papunta sa kanila.






_________________________






[Jane's POV.]






Nandito ako ngayon sa harap ng kwarto ni kuya dahil manghihiram ako ng phone ne'to.





Kakakatok ko pa lang ay binuksan nya naman agad ito.





"Oh Jane, Bakit? May kailangan ka ba?" Nagtatakang tanong ne'to saakin.





"Ah kuya, pwede makihiram ng phone mo saglit?" sagot ko sa kanya. Kaya tinaasan nya ako agad ng isang kilay.





"Bakit mo hihiramin ang phone ko? Nasaan ba ang phone mo?" Tanong ne'to saakin habang nakataas parin ang isang kilay. Patay hindi ko alam ano ipapalusot ko? Alangan naman sabihin ko tatawagan ko phone ko kasi naiwan sa condo ni Jayson? Tss.





"H-ha? Eh kuya lowbat? Hindi ko magamit kasi lowbat? Sige na po. Sandali lang talaga may tatawagan lang ako saglit." Sagot ko sa kanya habang nagpapa-cute sa kanya.





My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon