Aga's POV
Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko kaya naman tinignan ko ito.
Nagtext pala si Chard sa akin, natadtad nya na din ako ng text? Pati si Dawn? Bakit naman kaya nag-flood text sa akin itong mag-asawang to? Tsk.
Inopen ko ito.
Chard: Ags totoo?
Chrad: uy ano na? bakit hindi ka makapag reply dyan Agapits? HAHAHA!
Chard: Hoy gising!
Chard: AGA! AGA DAGA! GISING! Haha.
Next ko namang in-open ang mga text sa akin ni Dawn.
Dawn: Congrats Aga! Haha! Nice one.
Dawn: how's your feeling? Hehe.
Dawn: Hoy wag kang snob sa text porket naka score ka kay Lea ah!
Anak ng tinipa naman oh! Ano itong mga pinag sasabi ng mag-asawang ito? Hmm!
Nireplayan ko na silang dalawa agad.
To Chard: Hoy Goma! Anong pakulo nanaman yan? At kung makapag flood text ka grabe.
To Dawn: Anong naka score kay Lea? Di kita magets.
After 1 minute sabay silang nagreply.
Chard: Mukha mo! Maang-maangan moment pa pare, hahaha! Wag kang umarte ng ganyan di bagay sayo.
Dawn: Deny pa more! Haha. Masarap ba? hahaha. Lol ka Ags! Ang halay mo men! Hahaha.
Hindi ko na ni-replayan yung dalawa. Naghilamos na ako at bumaba sa living room namin.
Nang ako ay makababa nakita ko si Ata at si Avril na parehong tutok sa kani-kanilang phone.
Nawala naman ang atensyon nila sa phone nung makita nila ako.
" Hi tito! Good evening po." Bati sa akin ni Avril.
"Hi hija, where's your Dad and Mom pala?" tanong ko naman sa kanya.
"Nasa work pa po silang pareho eh." Sagot naman nya sabay tingin ulit sa kanyang phone.
"Nag-dinner na ba kayong dalawa?" tanong ko sa kanila.
Tanging tango lang ang kanilang sagot habang yung atensyon nila ay nasa phone pa din.
"Dinner kana din po dad." Sabi sa akin ni Ata habang nakatingin parin sa kanyang phone.
"Sige." Sagot ko naman ng matipid.
After 30 minutes tapos na akong kumain.
Tumunog ulit ang phone ko. Nag text ulit si Chard.
Chard: Pare, favor naman oh.
Ako: What kind of favor?
Chard: Pakisundo naman si Dawn sa ABS, may meeting pa kasi ako eh. Ayoko namang mag taxi sya dahil delikado.
Ako: okay sige.
Chard: Wag mo na isama yang dalawang bata at baka mag-tagal nanaman kayo, alam kong spoiled yang dalawa sayo. Baka puti na ang uwak bago nyo pa masundo si Dawn. Haha!
Ako: Oo na! daming satsat. Haha!
Chard: Take care pare. Loves you! Haha!
Ako: Yuck ka goma! Haha! Pero Love you too! Pwe!
Chard: haha!
Di ko na nireplayan ang last text ni Chard. Ang sarap sa feeling kapag ipinag-kakatiwala sayo ng kaibigan mo ang asawa nya ano? Wala lang ngayon ko lang narealize na malaki nga talaga ang tiwala sa akin ni Chard lalo na pagdating sa kanyang asawa at anak. Ganon din naman kasi ako sa kanya tsaka sa aming magbabarkada hindi uso ang sulutan ng asawa, kaya tignan nyo ang tibay parin ng samahan namin, nag hiwalay na kami ni Lea pero buo parin ang aming barkada.
After 1 hour nandito na ako sa ABS ang traffic kaya. Dito ako sa starbucks naghintay dahil dito ang usapan namin ni Dawn.
Mag-aalas dose na wala parin si Dawn. Hay buhay nga naman oh, mga 2 hours na akong nag-aantay dito ah.
Nakatuon ang pansin ko sa pintuan ng Starbucks para makita ko kung si Dawn na ang papasok dito sa loob.
After 30 minutes wala parin sya kaya tinext ko na si Chard.
To Chard: Hoy Goma! Pinag tritripan mo nanaman ba ako? 2 hours and 30 minutes na akong nag-aantay dito pero wala pa din si Dawn.
Nakadalawang beses na akong order dito sa Starbucks at ubos ko na yung dalawang in-order ko wala parin si Dawn. Kinuha ko yung phone ko para tignan kung nag-reply si Chard sa text ko pero wala pa din siyang reply.
Nawala ang aking atensyon sa phone ko dahil nakita kong pumasok dito sa Starbucks si Lea. Pagka pasok nya hinarang agad sya ng ilang fans nya at nag-papicture sila kay Lea.
Teka nga lang! Nak ng pusa naman oh! Di kaya si Lea ang susunduin ko? Pinalabas lang ni Dawn na sya ang susunduin ko dito? Hmp! Nagulangan nanaman ako ng dalawang yun ah.
Tinext ko agad si Chard at Dawn.
To Chard: Ano nanamang trip ito? Nakakainiss ka talaga!
To Dawn: Napaka nyo kung mang-trip.
After kong i-text yung mag-asawang Gomez nilingon ko si Lea, wala na yung mga fans nyang nag-papapicture sa kanya kanina, buti nalang nakahoodie ako, kundi pag pi-fiestahan kami ng mga fans namin.
Nagreply agad sa akin si Chard.
Chard: Peace tayo bro, no choice kami ni Dawn eh. May date kasi kami ngayon kaya ikaw nalang yung susundo kay Lea. Haha! Dadaanan dapat namin sya dyan kanina kaso medyo malayo pala yung way namin ni Dawn. Paki-explain nalang kay Lea, Wavyou bro! Enjoyyy!
Ako: Tarantado ka talaga! Wavyou your face! Lagi mo nalang ako pinag-tritripan. mae-enjoy ko ba itong moment na ito kung ang awkward? Hmm. Ingat kayo ni Dawn.
After ko replyan si Chard, ibinulsa ko na ang phone ko at nilapitan ko na si Lea na kanina pa hanap ng hanap kila Dawn at Chard.
"Lei, tara na." Aya ko sakanya sabay tanggal ng hoodie ko.
"Anong tara na? what are you doing here?" mataray nyang tanong.
"Aba! Ikaw pa ang mataray ah? Ikaw na nga ang sinundo eh." Sabi ko naman sa supladong tono.
"Sinabi ko bang suduin mo ako? I brought my car don't worry." Sabi nya sabay labas ng starbucks.
Sinundan ko sya sa labas.
"Ano ba Lea! Hindi ko din naman gustong sunduin ka dito eh, akala ko kasi si Dawn ang susunduin ko dito pero ikaw pala, pinagtripan nanaman ako nung dalawa." Sabi ko sabay kamot sa ulo ko dahil naiirita na ako.
Sino ba naman kasi ang hindi maiirita, ang tagal-tagal kong nag-antay tapos inabot pa ako ng traffic papunta dito then tatarayan nya lang ako? Tsk!
"Eh di go home! Nalaman mo naman na palang hindi si Dawn eh." Pagmamataray nya sa akin.
"K fine!" sigaw ko dahil naiinis na ako.
Sabay din kaming lumabas ni Lea.
"Oh bakit ka pumapara dyan ng taxi?" supladong tanong ko.
"And so? Wala ka na don." Mataray niyang sagot.
"Wala kang dalang kotse ano? Kaya ka mag-tataxi? Tsaka kaya ka nag-papasundo dito kila Dawn? Pwede mo naman kasing sabihin agad sa akin eh, pinapataas mo pa yang pride mo wala ka na ngang dalang sasakyan." Sabi ko sa kanya sabay tawa.
"Eh ano kung wala akong sasakyan na dala? May taxi dyan oh! Madami." Sabi nya sa akin sa mataray paring mukha.
"Oh talaga marami? Nasaan? Halos wala ka na ngang maparang taxi eh." Pang-aalaska ko sa kanya.
Di na sumagot si Lea sa huli kong sinabi, nakatayo na lamang sya at nag-hihintay ng taxi na dadaan dito sa kinatatayuan namin. Halatang pagod na din sya.
"Tara na, ihahatid na kita delikado kung mag-tataxi ka." Sabi ko sa kanya.
"No thanks, I can take care of myself." Sagot nya sa akin sa mahinahong boses pero hindi sya nakatingin sa akin.
"Tsk! Wag ng mapride, tara na." sabi ko sa kanya sabay hila sa kanang kamay niya.