Aga’s POV
2 weeks na ang nakalipas mula ng magkita kami ni Lea. Nasa London pala sya ngayon sabi ni Dawn dahil may concert nanaman daw sya doon. Ilang araw na akong hindi makatulog kakaisip sa kanya. Ano bang nangyayari sa akin? Tsk. Ewan ko nga eh kung papansinin pa ako non kapag nagkita kami dahil nung last naming pagkikita hinalikan ko sya sa pisngi bago ako sumakay sa aking kotse nung hinatid ko sya sa kanila, ano nga bang pumasok sa utak ko at ginawa ko yun sa kanya? Hay naku naman.
Nandito parin ako sa office ko, tinext na din ako ni Ata na tapos na daw ang home study nya.
Ata’s POV
Finally! Tapos na rin ang klase ko dito sa bahay, nakakaboring na talaga gustong-gusto ko na masubukang mag-aral sa school. Alam ko kasing magagalit si Dad kapag kinulit ko nanaman sya about sa gusto kong mag-aral sa school.
Alam nyo yung feeling na mataas nga yung score mo pero hindi mo feel na magaling ka dahil wala ka namang ka-kompetensya sa score. Yung feeling na makakasagot ka sa tanong ng teacher mo pero wala ka namang kaklase, ayoko na ng ganito. Lagi nalang akong nasa bahay, kung wala naman ako dito nakila Avril, kung wala naman kila Avril nasa ballet class, pero ako lang yung tinuturuan doon, wala naman akong mga kaklase doon! Tsk. Bakit ba kasi ayaw ni Dad na magkaroon ako ng mga classmates? Alam naman nyang hinding-hindi ako mag papa-BI (Bad Influence) sa kanila kung sakali man.
Ano kaya ang pwedeng gawin ngayon? Ang boring talaga.
Mai-text nga si Avril.
Ako: Best?
After two minutes nag-reply naman sya agad.
Avril: Yes?
Ako: Nasaan ka ngayon?
Avril: Nasa pointed nose mo. Hahahaha!
Ako: Nyenye! ano nga? san ka nga?
Avril: Haha! Nandito sa bahay, still studying.
Ako: After ng home study mo may gagawin ka?
Avril: Wala pero may pupuntahan kami nila Mom and Dad eh.
Ako: Ah ganon ba? okay sige ingat kayo.
Avril: Thanky! Love you!
Ako: Love you more!
Nang matapos ang convo text namin ni Avril, napag-isipan kong i-open ang aking fb account.
Nakita kong online si Tita Lei. Mai-chat nga, 2 weeks na rin kaming hindi nagkikita eh.
Ako: Goodmorning Tita Lei :)
Tita Lei: Morning dear! How are you?
Ako: I’m always fine tita. San ka po pala ngayon?
Tita Lei: Naku nandito ako ngayon sa London may concert tour kasi ako eh dear.
Ako: Ay ganon po ba? :( kala ko po nandito ka sa Pinas.
Tita Lei: Yes dear eh, di mo ba alam? 3 weeks ako here.
Ako: Ah okay po. Take care po kayo dyan.
Tita Lei: Okay I will, you too. I missed you already dear! See you soon!
Ako: Ayieh ^_^ so sweet! I missed you more tita! Yeah see you soon also. Labas po tayong dalawa kapag bumalik ka na po dito, if its okay. Hehe.
Tita Lei: Oh sure dear :*
Ako: Tita, si Dad? Hindi mo po ba namiss? Haha!
Tita Lei: Hahaha! Hindi. Ikaw talagang bata ka.
Ako: Miss kana po nya tita. He can’t sleep this past few weeks, hay! Puro sya trabaho nitong mga nakaraang linggo, kapag sisilipin ko po sya ng madaling araw sa kanyang office, he’s still there and awake doing his paper works.
Tita Lei: Hindi ako ang namimiss ng dad mo dear, baka si Mommy Charlene mo ang miss nya, ay ganon ba? pasaway talaga yang daddy mo.
Ako: Idk po tita eh. Yes nga po he is so pasaway.
Tita Lei: What’s Idk? Haha.
Ako: I don’t know. Hehe! I have a problem tita.
Tita Lea: What kind of problem dear?
Ako: About po sa pag-aaral ko, gustong-gusto ko na po maranasang pumasok sa school, ayoko na po mag-home study ang boring na po kasi eh. Kapag ino-open ko naman po kay dad itong issue na ito nag-aaway lang po kami.
Tita Lei: Bakit daw ba ayaw ka niyang pag-aralin sa school?
Ako: Gusto nya lang naman daw po ako maging safe lagi.
Tita Lei: ganon naman pala eh, intindihin mo nalang yung point ng daddy mo.
Ako: But Tita, paano naman po yung side ko? Tsk. Nakakaboring lang po kasi talaga, sige po sabihin na nating gusto nya lang akong maging safe pero he didn’t get my point, yung feeling na ang useless ng mga scores ko everytime na nape-perfect ko yung test ko dahil wala naman akong kakompetensya or kalaban manlang sa score, did you get my point po ba? hay.
Tita Lei: Yah dear, nakukuha ko ang punto mo and I understand you also dahil ganyan din ako when I’m a grade school student. Home study lang din kasi ako dati. Gets ko yung point mo but may point din ang dad mo.
Ako: Tita? Help me please.
Tita Lei: Naku I can’t promise dahil baka may masabi ang dad mo kapag nanghimasok ako sa problem niyo na yan.
Ako: Okay po. I understand you.
Tita Lei: But i’ll try dear, I have to go now, may rehearsal pa ako.
Hindi ko na nireplayan ang ang last reply ni tita Lei. Ang hirap namang walang mommy. Tsk! Minsan naiiyak nalang ako everytime na magkaka-samaan kami ng loob ni Dad. Bakit ba kasi ang aga kong nawalan ng mommy eh.
Lea’s POV
It's 8:30 in the evening na, kakatapos ko lang kumain ng dinner. Hindi parin mawala sa isipan ko ang problem ni Ata. Kakausapin ko talaga si Aga about doon kapag nakauwi na ako ng Pinas. Ang hirap lang din maging concern masyado kay Ata dahil baka makahalata naman sya. Ang hirap na talagang lumugar.
Bukas na ang concert ko at tuloy-tuloy yon.
Mai-text nga si Aga.
Ako: Good evening!
After 5 minutes nireplayan naman nya ako.
Aga: Evening din.
Ako: Bakit walang good? Haha choss.
Aga: Pagod ako eh.
Ako: You are already home na ba?
Aga: Yup, by the way this is my last reply na. Wala na akong load, Goodnight! Take care. Goodluck to your concert and I know that you can do it.
Ako: Thank you! Halatang pagod ka nga, take a rest. Masyado ka nanamang nagpapaka workaholic.
Umasa pa akong mag-rereply sya sa last text ko pero ilang oras na akong nag-aantay at ayon di na nga sya nag-reply. Wala na ngang load di ba Lea? Tsk. Hahaha!
____________________________________
Hello mga dear salamat sa patuloy na pag-suporta :)