Chapter 20

1.5K 49 6
                                    

Lea’s POV

Today is Saturday, kakarating ko lang kahapon dito sa Pinas and as usual iniinda ko ang jetlag. Partida mamaya may taping pa ako sa The Buzz. Haha! Masyado akong hardworking.

Kinuha ko ang aking phone at pagkabukas ko sandamakmak ang messages.

Una kong binuksan ang text ni Sheilla.

Sheilla: Hello Lea! How are you? Happy Valentines Day! Be happy always okay? We are all here to support you and to make your day happy always! :))) I love you my sister :*

Nireplayan ko naman sya agad.

Ako: Hello Sheilla! Thank you for the greet :) Happy Valentines Day din! Thank you for being a nice sister to me :* You mean so much to me and remember that I will always love you no matter what happen.

Isinunod kong i-open ang message from Gerard.

Gerard: Hello Ate! Good morning :) Happy Valentines Day Ms. Broadway Diva! :D Fan nyo po ako. Hahaha! Joke lang ^_^ ito na seryoso na. Happy Valentines Day my ate :* I love you so much! I’m always here if you need me. Be strong sa mga haharaping problems, basta nandito lang kaming lahat for you. Wake up na! may taping ka pa later. Sino ang date? Si babes ba? haha. Joke last ko na yan.

Tignan nyo kung gaano kaloko itong kapatid ko. Haha! Nireplayan ko din sya agad.

Ako: Hi brother :) loko ka talaga! Haha. Happy Valentines Day too :* thank you for being a good kuya :p ay este younger brother pala. Haha! I love you more and most alam mo yan. Date? Ano yun? Chos! Ang bitter ko :p wala akong date! Magtra-trabaho nalang ako. Haha!

Panigurado akong napikon yon sa pagtawag ko ng kuya sa kanya. Haha! Ang dami kasing nag-sasabi na kuya ko daw sya. Ang laking tao kasi eh.

In-open ko pa yung mga ibang messages ko. So far very touching ang mga valentines greet nila sa akin :)

Nagulat ako ng akyatin ako ni Mommy dito sa room ko. May dala siyang heart shape na chocolate cake tapos may nakasulat sa ibabaw na Happy Valentines Day Ms. Babes! Kaya natawa ako. Haha! Bakit Ms. Babes naman ang inilagay nya? Haha. Marunong na din mang-asar si mommy ngayon ah. Haha! Agad kong niyakap ang mommy ko. She made a cake for me eh. Sa wakas ramdam ko na din ang araw ng mga puso, edi pusuan natin yan <3 haha! Joke!

“Hope you like it.” Sabi nya sa akin sabay kiss sa noo ko.

“Super like mommy, thank you so much!  Pero bakit Ms. Babes po ang nakasulat? Haha! Sabi ko ng nakatawa.

“Just saw that name sa twitter. Haha!” sabi nya sa akin ng nakatawa.

Kaya mahal na mahal ko itong mommy ko eh, kahit na may mga nagawa siyang mali. She never fail how to make me feel happy.

“Sige na bumaba kana mamaya at nakahanda na ang pagkain sa kusina."

“Okay mom. Thank you po ulit.” Sabi ko sa kanya at niyakap ko sya ulit ng super higpit.

“Hindi ako makahinga anak.” Sabi nya sa akin kaya natawa ako.

“I love you mommy!” sabi ko habang nakalagay ang dalawa kong kamay sa magkabilang pisngi ni mommy.

“I love you more and most anak.” Sabi nya sa akin sabay pisil sa ilong ko.

After kong mag-hilamos ng mukha and mag-toothbrush pumunta ako sa harap ng aking salamin tsaka ko itinali yung buhok ko ng paikot, kaya parang maliit na siopao. Haha! Alam nyo naman manipis lang ang aking hairdoo.

Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili lumabas na ako ng aking kwarto.

Nagulat ako pagkalabas ko dahil may pumutok na lobo tapos may bumulaga sa akin na kupido and sa kupido na yon may note na “Happy Valentines Day!”

Sana Maulit MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon