Aga's POV
Sunday ngayon kaya church day kami ni Ata this morning.
On the way kami ni Ata ngayon papuntang church.
"After nating mag-simba where did you want to go baby?" Tanong ko sa kanya.
"Dad sa gateway nalang po. Kumain po tayo doon then shopping. Okay lang po ba?" Tanong niya sa akin.
"Yes! Why not di ba? Ikaw talaga."
"Yehey! Thank you daddy."
Nandito na kami ni Ata sa church. Unexpected naming nakita dito sila Chard, Dawn at Avril kaya naman doon na kami pumwesto sa kanila.
After an hour natapos na din ang mass.
"San kayo pupunta ngayon?" Tanong sa akin ni Dawn.
"Gateway daw e. Kayo?" Tanong ko kay Dawn.
"Di pa nga namin alam e." Sagot naman ni Dawn.
"Tita sama nalang po kayo sa amin para kasama ko si Avril sa pag-shoshopping." Singit naman ni Ata kaya biglang lumiwanag ang mukha ni Avril.
"Nice idea best!" Sabi niya kay Ata sabay nag-apir silang dalawa.
"Naku Avril tumigil ka diyan! kaka-shopping mo lang nung nakaraang week." Pangongontra naman ni Dawn.
"Mommy naman, nung nakaraan pa po yun e." Sagot naman niya.
"Tara na! Sama na kayo. Ako bahala sayo Inaanak." Sabi ko naman kay Avril kaya tuwang-tuwa siya.
"Naku talaga itong si Aga! Masyadong ini-spoiled si Avril." Sabi ni Dawn.
"Minsan lang yan Dawn. Kaya hayaan mo na ako. Haha!" Sabi ko naman.
Ganon na nga ang nangyari, sumama sila Dawn sa amin pero hiwalay kami ng saksakyan dahil dala din nila ang kanila.
Sa amin na sumakay si Avril dahil gusto niya makasama si Ata.
Nakarating kami ng ligtas dito sa Gateway Cubao.
"Saan nyo gustong kumain?" Tanong ko sa kanila.
"Daddy sa Jollibee nalang po. Nakakasawa na kasi sa ibang fast food chain eh." Sabi ni Ata at nag-agree naman sila Dawn.
"Dapat pala sa Ali Mall nalang tayo." Sabi ko sa kanila.
"Ay oo nga pala. Wala palang jollibee dito." Sabi ni Ata.
"No dad, wag nalang po tayo sa jollibee sa 2nd floor nalang po tayo tutal may KFC naman po doon eh." Sabi ni Ata kaya nag-punta na nga kami sa taas.
Medyo madaming tao ngayon dito sa Gateway kaya nahihirapan kaming mag-hanap ng upuan.
"Dad doon nalang po tayo." Turo ni Ata at agad naman kaming pumunta doon.
Nakapag order na kami ng aming makakain.
"Dad on saturday it's Tita Lea's birthday. What are your plans?" Tanong sa akin ni Ata sabay subo ulit ng spaghetti.
"Wala pa anak eh. Busy kasi ako sa work." Palusot ko kay Ata.
Ilang araw na din pala kaming hindi nagkakatext at hindi nagkikita ni Lea. Namimiss ko na din siya.
"What? That's not an excuse Dad. Baka naman kasi may tampuhan kayo kaya wala kang kagana-ganang mag-effort?" Tanong sa akin ni Ata ng diretsahan kaya nagkatinginan kami nila Chard.
"No anak. Wala kaming tampuhan ng Tita Lea mo no." Pagtatanggi ko.
"Then we can go there sa house nila later." Sabi ni Ata sabay kindat.
"Ihahatid nalang kita Baby, may mga paper works pa akong kailangang tapusin e." Sabi ko kay Ata.
"Ano ba yan dad, sunday na sunday paper works? Di ba Atasha Day kapag Sunday?" Sabi sa akin ni Ata.
Sumenyas sa akin si Dawn na pumayag na ako.
"Okay sige na. We will go there na." Sabi ko kaya tuwang-tuwa si Ata.
Tapos na kaming kumain kaya ito shopping time na sila Ata.
Nandito kami ngayon sa Bayo.
"What are we doing here? eh wala namang mga damit dito na para sa age nyo eh." Sabi ni Dawn kila Ata.
"Tita bibili po ako ng dress for Tita Lea." Sabi ni Ata.
At ayon nga bumili na nga siya ng dress na kulay red.
Napa-shopping din tuloy ako ng wala sa oras.
Tapos na ang pag-shoshopping namin kaya ito papunta na kaming parking area ni Chard while sila Dawn and yung 2 kids ay namimili ng pwedeng ipasalubong namin kay Lea.
"Sasama pa ba kami kila Lea?" tanong sa akin ni Chard.
"Oo bro! Sama na kayo. Para hindi awkward masyado."
"Bakit naman magiging awkward hah?" tanong niya sa akin.
"Basta medyo may tampuhan kasi kami ngayon ni Lei e."
"Sabi na e! Kaya di ka umo-oo agad kay Ata kanina e. Text mo kaya siya."
"Ayoko nga. Nahihiya ako."
"Mukha mo Agapits! Ikaw may hiya? Umayos ka nga! Ang gay mo masyado. Hahaha! Pa-miss ang potek!"
"Masyado na ba akong pa-miss?" Tanong ko sa kanya.
"Kailan ba nag-start na di mo siya tinitext?"
"Nung nakaraan pa. Halos 1 week na yata kami walang communication."
"What? OA mo mag-pamiss hah! Bahala kang kumausap doon mamaya. Hahaha!"
Narating na namin ang aming kotse ni Chard kaya pumasok na kami para i-drive ito.
On our way na papunta kila Lea.
"Dad parang ang seryoso mo ngayon." Puna sa akin ni Ata.
"Hah? Hindi naman anak." Pagtatanggi ko.
"Tell me nga po. May problema po ba kayo?"
"Wala ah. Wala baby." Deny ko sa kanya.
"Promise Daddy?" Tanong niya sa akin ulit.
"Promise." Sagot ko sabay taas yung kanang kamay ko.
Narating din namin ng ligtas ang bahay ni Lea.
Bumaba na sila Chard sa kotse at ganon din kami ni Ata.
Nag-doorbell si Ata kaya lumabas ang isa sa mga kasambahay nila.
"Ano po yon Sir?" Tanong niya sa akin.
"Good morning po. Nandyan po ba si Lea?" Tanong ko sa kanya.
"Ay Sir wala po. Kakaalis-alis lang po niya kanina."
"Ay ganon ba? Okay sige. Pakibigay nalang po sa kanya itong mga 'to." Sabi ko sabay abot ng mga pinamili namin kanina.
"Okay po." Sagot ng kasambahay nila.
"Ano tara na? wala pala siya eh." Sabi ko sa kanila.
"Sige po tara na po Dad." Aya ni Ata.
Aray! Bigo ako don ah. Excited pa naman akong makita siya. Tsk!