Atasha's POV
Finally we're here na! Nang natanaw ko na ang building ng Resorts World agad kong kinuha ang phone ko para mag-take ulit ng video.
"Daddy! lets take a vid again." Sabi ko kay Dad.
Tumango lang siya.
"Hello Tita! We're here na!" Sigaw ko sa vid sabay tutok sa building ng RW na may nakasulat sa taas na Resorts World Manila.
Finocus ko yung cam kay Dad.
"Daddy lingon naman po dyan." Sabi ko kay Dad.
"Wait lang baka kiligin si Lea eh. Haha!" Nakatawang sabi niya kaya natawa din ako.
"Hello Babes! We're here!" Sabay ngiti at balik agad sa daan yung kanyang tingin.
"Happy happy birthday Broadway Diva! I love you." Sabi ko sa vid.
Binalik ko naman yung camera kay Dad.
"Bangs that conquered the world according to your fans. Happy Birthday! But according to me you're truly world class filipina." Nakangiting sabi ni Dad.
"What? according to him daw po tita? Hahaha! Di ba sa creamsilk po yun galing? Haha!" Sabi ko sabay focus ulit kay dad yung cam.
"Aba alam ah! Alam ko din yon eh, fan mo po kami Ms. Lea! We love you Ms. Lea! Hahaha!" Tawang-tawang sabi ni Dad kaya ang gulo namin sa vid.
"Haha! Ang loko mo dad! maipapakita ito later sa screen ng The Voice." Sabi ko ng tumatawa parin.
"Okay lang! Ganyan talaga kapag nagmamahal. Kailangan mong magpakatotoo." Sabi ni dad sabay lingon at kindat.
"Byeee!" sabi ko sabay nag wave ako.
After a minutes narating na namin ang parking lot. Pagkababa namin agad kong nilabas ang phone ko para mag take ulit ng vid.
"Hello tita Lei! We're coming! Haha." Sabi ko sabay focus kay dad yung cam.
Kinuha niya yung phone ko.
"Maghanda kana! Lagot ka. Lalamugin kita sa koala hug at kiss. Haha! Happy happy birthday Salonga! Hahaha. The handsome Muhlach is coming." Sabi ni dad sabay bigay ng phone sa akin.
Nakasuot pala kami pareho ng hoodie jacket ni Dad para hindi kami makilala dito sa RW.
Habang naglalakad kami naka-focus sa amin ni dad yung cam.
May tumawag kay Dad.
"Hello Sheilla "
"Oo nandito na kami. Saan pala tayo magkikita?"
"Sa Starbucks kami mag-aantay. Sa loob hah?"
"Okay. Bye."
"Anong sabi dad?" Tanong ko kay Daddy.
"She's asking kung nasaan na daw tayo. Anak ready yourself ah? may nilaan daw silang dressing room para sa ating dalawa." Sabi ni Dad sa akin kaya tumango lang ako bilang sagot.
"Kapag may mga narinig kang issue after ng birthday ng tita Lei mo wag mo pansinin ah? Alam mo naman di ba kung bakit?" Sabi sa akin ni Dad.
"Okay po Dad." Sabi ko.
Akala niyo madaling maging anak ng dating artista no? No! Mahirap din po kaya.
Dumating na si Tita Sheilla. Nang lumabas kami madaming bumati sa kanya kaya kinabahan kami.
"Guys si Sir Aga Muhlach yung nakahoodie jacket" Sigaw ng isa sa mga fans ni Tita Lei. Kaya agad kaming tumakbo nila Daddy and Tita Sheilla papuntang dressing room. Hinarang din sila ng mga martials.