Author's POV
Day passed by, ganon parin ang condition ni Aga. Minsan hindi niya ma-recognize si Lea at kung minsan nare-recognize niya ito.
Umaasa nalang talaga ang katawan ni Aga sa mga treatment na ginagawa sa kanya.
Pumayat na rin siya. Mahahalata mo yung pagbagsak ng katawan niya.
"What if, i-uwi nalang natin siya Ma?" Tanong ni Lea sa Ina ni Aga.
"Yan din ang nasa isip ko, Lea. Lalo kasing bumabagsak ang katawan ni Aga sa mga therapies na ginagawa sa kanya."
Nagkasundo silang lahat na i-uwi nalang si Aga.
"Good morning, babes!" Bati ni Aga kay Lea ng nakangiti.
"Hi. How's your feeling?"
"I'm feeling great. Mas okay na nandito na ako sa bahay kesa doon sa hospital."
"Good to know. What do you want for breakfast? Maghahanda na ako para makakain kana." Lea ask him sweetly.
"You." Aga answered ng may pilyong ngiti.
Lea laughs. Gwapong-gwapo parin siya sa asawa niya kahit na marami ng nagbago sa pangangatawan nito.
"Awww. You're craving for me hah? Bawal ka pong mapagod, Sir." Sagot ni Lea.
"I miss you so much, babes." Sincere na pagkakasabi ni Aga nang nangingilid-ngilid ang luha sa mga mata niya.
"Napaka emotional ng asawa ko. Miss na miss na miss na miss na rin kita babes. Kaya please? Magpagaling ka hah? Don't leave us. Hindi ko pa kayang mawala ka."
"Yes I will. Pero kapag oras ko na babes, let go of me na hah? Ayokong mamatay ng malungkot ka."
"Babes? Automatic po na malulungkot ako ng sobra kapag nawala ka. Sinong magiging masaya kapag nawala ka? Hay."
"Yes. I know babes. I know. You'll become sad pero wag mong patagalin yung pagluluksa mo sa akin kapag wala na ako. Isipin mo si Ata. Okay? Wag mong iparamdam sa kanyang nawalan na nga siya ng ama tapos pati ikaw parang nawala kana rin sa kanya." Aga said.
"Hayyyy babes. Bakit ganito yung topic natin? Umagang-umaga. Ang bigat sa feeling. Parang namamaalam kana. Wag naman muna please? Hindi pa ako handa. Hindi pa kami handa."
"Babes, hindi pa ako namamaalam. Naghahanda lang ako sa mga pwedeng mangyari sa mga susunod na araw? Weeks? Months? Dahil hindi ko naman hawak ang buhay ko eh."
Niyakap ni Lea si Aga at nagsimula na itong umiyak.
"Babes I can't lose you. Please naman."
"Shhhh. Stop crying na. I-reserve mo nalang yang mga luha mo sa libing ko."
"Babes naman eh."
"Anong babes naman eh. Maging ready kana at magpakatatag ka hah kapag wala na ako. Strong ka di ba?"
"I'll try."
"And babes? Kapag dumating ulit yung oras or araw na hindi na naman kita ma-recognize. Kunin mo sa drawer ng office ko yung journal ko. Nandon lahat yung mga letter ko for you. Journal ko yon para sayo.
Nakasulat din lahat doon yung mga pangarap ko para kay Ata. Yung mga gusto niyang puntahan nakasulat lahat don. Yung bucketlist ko for her, nandoon rin. Ikaw nalang ang tumupad sa mga di ko na magagawa para sa kanya hah? Be strong for me and for her."
"Babes."
Yun nalang ang nasabi ni Lea.
Lea is trying to become strong for Aga but she can't. Hindi niya alam kung paano dahil si Aga ang pinaka weakness niya.
"Shhhh. You will be fine soon. Sa una lang masakit. Pero kapag nagtagal na mawawala din yan."
"No. Forever akong magluluksa kapag nawala ka. Kaya please? Don't leave me. Napaka unfair mo. Akala ko ba walang iwanan? Akala ko ba kakapit ka lang? Akala ko ba sabay tayong mamamatay? Akala ko ba...."
"Lea please. Wag na tayong umasa. Malala na ang kalagayan ko and to be honest nahihirapan na rin ako sa sitwasyon ko. Oo na. Sige na. Unfair na ako kung unfair. Madaya na ako kung madaya pero wala eh. Gustuhin ko man na hindi bumitaw at patuloy na kumapit, pero wala na. Ayoko ng umasa pa."
Lumabas si Lea sa kwarto nila ni Aga.
Pumunta siya sa veranda ng bahay nila at doon siya umiyak ng umiyak.------
Kakarating lang ni Atasha galing sa school. Sinalubong siya ng kanyang Mamu (Mommy ni Aga).
"Hi, apo! How's school?"
"So tiring Mamu. But it's fine. Nag e-enjoy naman po ako."
"Good to hear that. Pumunta kana ng kusina at kumain kana."
"Yes po. Mag sha-shower lang po ako saglit." Sagot naman ni Ata sa Mamu niya.
Dumiretso si Ata sa kwarto niya.
After niya mag shower, pumunta siya sa kwarto ng Daddy niya para kamustahin ito.
Pagkapasok niya, nakita niyang natutulog si Aga kaya lumabas nalang siya ulit.
Palabas na sana siya ng magsalita si Aga.
"You need something anak?" Tanong ni Aga sa kanya dahilan naman ng paglingon niya.
"Wala po dad. Sige po magpahinga po muna kayo."
"You sure?"
"Yes dad." Sagot ni Ata ng nakangiti.
Tanging tango nalang ang isinagot niya sa anak niya.
Bumaba na si Ata para kumain.
Nagsisimula palang siyang kumain, sakto namang dumating na rin si Lea.
Narinig niya ang boses nito mula sa sala kaya tumayo agad siya at nagtungo papuntang sala.
"Hi mommy!" Bati niya sa kanyang mommy.
"Hi baby! How's school?"
"Okay lang naman po. Tara po kain po tayo." Aya niya kay Lea.
"Sige na mauna kana. I-checheck ko muna ang Dad mo sa taas."
"He's sleeping mom. Kaka-check ko lang po sa kanya."
"Ah ganon ba? Sige sasabay na akong kumain sayo."
Pumunta na sila ng dining area para kumain.
"Saan po kayo galing?" Tanong ni Ata kay Lea.
"Sa ABS, nag-offer kasi sila sa akin ng guesting for Magandang Buhay pero hindi ko ito tinanggap."
"Why mom?"
"Eh kasi po, iwas muna sa trabaho si mommy. Your dad needs me 24/7 kaya di ako pwede mag work."
"Ah okay po. Mom I have a question."
"What is it babe?"
"Paano po kapag nawala si dad?"
"Hindi ko makakaya."
"Mommy kagabi ko pa po yan iniisip. What if mawala siya? Ano kayang magiging buhay natin? Paano kaya natin maha-handle yung life natin without him. Kasi ako po hindi ko din kaya at hindi ko din po alam kung paano magsisimula ulit kapag nawala siya."
"Hindi mawawala ang daddy mo okay? Lalaban siya. Magtiwala lang tayo."
------
Lea is driving going home.
Galing siyang conference meeting.
Siya na kasi ang naghandle ng company ni Aga mula nung magkasakit ito.Bigla siyang nakaramdam ng kaba.
Hindi niya alam kung bakit pero si Aga agad ang pumasok sa isip niya.
Nag try siyang i-dial ang phone number ni Manang Vonel pero hindi ito sumasagot.
"Shet! Please manang. Answer my call."
Triny niyang tawagan ang Mommy ni Aga at ganon din. Hindi rin sumasagot.
------
Hi! Sorry for the late update. Medyo naging busy lang. Hihi!😆
Please vote and leave a comment!💛