Leas's POV
Napakalas ako ng yakap kay Ata nung pumasok si Mommy sa loob ng dressing room.
Tumayo ako agad tsaka ko siya niyakap.
Napatingin siya kay Ata kaya ipinakilala ko ang bata sa kanya. “Mommy si Ata nga po pala.”
“Ang cute naman ng name.” Sabi ni Mommy at nginitian niya si Ata.
“Salamat po.” Sagot ng anak ni Aga.
“Kaninong anak to Lei?” Tanong ni mommy.
“Mom anak po ni ano…" Hindi ko maituloy yung sasabihin ko dahil kinakabahan ako.
“Anak nino?” tanong ulit ni mommy.
“Lea! Punta kana daw studio, mag-uumpisa na yung taping.” Sigaw ni Sheilla na sumilip sa dressing room ko. Thank you talaga Sheilla. Nakaligtas ako sa tanong ni mommy. Sabi ko sa isip ko.
“Mom I need to go, at isasama ko na din po si Ata sa studio dahil gusto niya daw po manuod kaya po siya sumama sa akin dito.” Sabi konkay Mom.
“Sige na mauna kana Lei, susunod nalang kami ni Ata, ako na ang bahala sa kanya, sabay nalang kami papunta sa studio.” Hindi sana ako a-agree pero nagmamadali na ako kaya wala na akong nagawa kundi tumango nalang sa sinabi ni Mommy.
Mommy Ligaya’s POV
“Kayo po ba talaga abg mommy ni Ms. Lea?” Tanong ni Ata sa akin.
“Yes hija, ano palang full name mo?” Dahil hindi nasabi ni Lea kanina kung kanino siyang anak.
“Atasha Lorraine Muhlach po.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig nung marinig ako ang full name niya.
“As in Muhlach?” Paninigurado ko.
“Yes po, daddy ko po si Aga Muhlach.” Hindi mag sink-in sa utak ko yung sagot niya.
Apo ko itong nasa harapan ko ngayon? For sure si Ata yung anak ni Lea kay Aga. Ito na ba talaga yung tadhanang makita ko itong batang ito?
Magkahalong awa at konsensya ang nararamdaman ko ngayon.
Bumalik ako sa katinuan nung kinausap ako ulit ni Ata.
“Mrs. Ligaya? Di pa po ba tayo pupunta sa studio?” Tanong sa akin ni Ata ng nakangiti. Lea na Lea ang mukha niya lalo na yung dimples niya.
“Don’t call me Mrs. Ligaya Ata, masyadong pormal. Lola nalang kung okay lang sayo.” Nadala ako sa emosyon ko kaya napayakap ako sa bata.
“Okay lang naman po sa akin na tawagin kayong Lola.” Ang sarap pala sa feeling kapag may tumatawag sayong Lola.
“Tara na sa studio.” pag-aaya ko kay Ata.
“Sige po.” Tumayo na nga siya at lumabas na kami ng dressing room ni Lea.
Naglalakad na kami papuntang studio ni Ata at unexpected na makasalubong namin si Aga.
“Daddy!” Sigaw ni Ata at pumunta siya sa Daddy niya para yakapin ito.
“Hello baby.” Ang sarap nilang tignan habang magkayakap.
“Dad may ipapakilala po ako sa inyo.” Sabay hila niya kay Aga papunta sa akin.
“Dad si Lola Ligaya po, Mommy po ni tita Lei.” pag-papakilala ni Ata sa akin.
“Hello po Tita.” bati sa akin ni Aga ng nakangiti. Ang aliwalas ng mukha niya ngayon. Yung masasabi mong masaya talaga siya.
“Hello Aga.” Bati ko naman pabalik sa kanya.
“Dad punta na po ako sa loob.” Pag papaalam ni Ata.
“Sige you can go there na anak.” sabi naman ni Aga kaya kami lang ang naiwan dito sa labas ng studio.
“Salamat Aga. Hindi mo siya pinabayaan.” Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.
“Hindi ko naman po talaga papabayaan si Ata dahil anak ko din po siya tita, at kung inaakala nyo po na hanggang ngayon ay may galit po ako sa inyo mali po kayo dahil wala na po yon. Tita thank you dahil tinuruan nyo po ako kung paano maging matatag na Ama kay Ata.” Napayakap nalang ako kay Aga bilang pasasalamat sa lahat ng sacrifices niya para sa anak nila ni Lea.
“Thank you talaga Aga, sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko noon sayo.” paghingi ko ng tawad sa kanya.
“Tita don’t worry matagal na po kitang napatawad, naintindihan ko na din yung point nyo kung bakit ginawa nyo po yun sa amin ni Lea. But tita just 1 favor please, wag nyo po muna sasabihin kay Ata na ang totoo niyang mommy ay si Lea dahil ang buong akala ni Ata ay si Charlene ang mommy niya. No choice ako nung mga time na yon tita, kailangan kong mag sinungaling sa anak ko kahit labag sa loob ko.”
“Okay sige. Hindi malalaman yun ni Ata pero kailangan malaman ni Lea.”
“Tita bakit pa kailangan malaman ni Lea? Para saan pa po tita? Matagal na po kaming hiwalay at may kanya-kanya na kaming buhay ngayon.”
“Hijo kahit hindi ko sabihin kay Lea mararamdaman at mararamdaman parin niya yon dahil sa lukso ng dugo, ayokong malaman pa ni Lea sa ibang tao, wag kang mag-alala hindi ko pa naman sasabihin kay Lea ngayon eh, ayoko din siyang biglain.” Pagpapaliwanag ko kay Aga.
“Okay tita. I need to go na po, pakisabi nalang po kay Lea na pakihatid nalang po si Ata kay Dawn.” Pag-papaalam sa akin ni Aga tsaka niya ako niyakap ulit.