Chapter 45

1.2K 66 12
                                    

Goodafternoon guys! :) Here's my update for today. Thank you sa patuloy na support. Thank you sa votes and comments. I dedicate this chapter also to Lealista022271 :)
______________________________

Lea's POV

Nang matapos na kaming mag-usap nila Aga at Mommy niya, umakyat na ako papunta sa kwarto ni Ata.

Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya, binuksan naman niya ito agad.

"Pasok po." sabi niya sa akin.

Pumasok na nga ako, umupo siya sa kama niya.

"Take a sit here po." Sabi ni Ata sa akin.

Umupo nga ako sa tabi niya. Seryoso ang mukha niya. Wala akong makitang emosyon sa mukha niya.

"Anak? can we talk?" tanong ko sa kanya.

"Just call me Ata, wag na pong anak. About what po ba?" seryosong sabi ni Ata.

"I can call you anak kasi anak kita."

"Oo pagdating sa blood anak mo ako, pero ni minsan hindi ko naranasang maging Ina kita.

Ano bang pag-uusapan natin? Are you going to say sorry? Mag-papaalam ka kasi aalis ka? Okay fine! Umalis ka as long as you want sanay naman na kaming iwan mo ni Dad e. Diyan ka naman magaling eh, sa pang-iiwan."

Dagdag pa niya.

Naluha na ako ng tuluyan ng dahil sa mga masasakit na salitang nanggaling kay Atasha.

"Anak! Pakinggan mo naman muna kasi ako."

"Paano kita papakinggan? Hindi ko alam kung katotohanan o hindi yang mga sasabihin mo eh! Gulong-gulo na ang utak ko!" Sigaw niya sa akin habang siya ay umiiyak.

"Hindi kita iniwan anak, pareho lang tayong naiipit sa problemang to. Nung mga panahong yon sikat na sikat ako sa iba't-ibang bansa pati na rin dito sa Pilipinas as a singer and theater actress. Nang mabuntis ako ng daddy mo, nagalit sa amin pareho ang pamilya ko. Dumating yung araw na ipinanganak kita. CS ako sayo, then when I woke up sinabi nalang sa akin ng Lola mo na patay daw ang anak ko. Wala kana daw. Wala akong kaalam-alam na buhay ka dahil inilayo ka sa akin ng Daddy mo." Paliwanag ko sa kanya.

"So ano? Pinapalabas mo pang si Daddy ngayon ang mali?" Seryoso niyang tanong while she is crying.

"Hindi anak, wala akong intensyon na palabasing masama sayo ang Daddy mo. Oo noong una galit na galit ako sa kanya nung malaman kong buhay ka. Pero nawala ang galit na yon nung mag-explain siya sa akin. He explained the whole reason kung bakit kailangan ka niyang ilayo sa akin nung mga panahon na yon. He said na inisip niya lang daw ang makakabuti sa akin, inisip niya lang daw ang mga sasabihin ng mga fans ko kaya niya nagawa yon but I said to him na kaya kong kalimutan ang showbiz life ko alang-ala sayo. Pero it's too late na para makabawi ako sayo. May isip kana ngayon at alam kong mahihirapan kang patawarin ako sa mga pagkukulang ko. Pero anak naiintindihan mo na rin siguro ngayon na isa rin ako sa nahihirapan." Paliwanag ko sa kanya.

"Pero bakit hindi mo agad sinabi sa akin nung malaman mong anak mo ako?" Tanong ni Ata.

"Ayaw kasi naming mabigla ka, nag-aantay ako ng tamang panahon para sabihing ako ang tunay mong Ina, pero hindi ko alam na mas mauuna mo pa palang malaman bago ko pa masabi sayo."

Sobrang hirap na makitang siyang umiiyak at nasasaktan ng dahil sa akin. Sobrang sakit!

"14 years po, 14 years kang wala sa buhay ko. Ang sakit isipin na naalagaan ako ng ibang tao pero yung tunay kong Ina ni isang buhat hindi manlang niya nagawa sa akin."

"Yung mga time na iyak ako ng iyak, ni minsan hindi mo nagawang patahanin ako. Hindi mo nagawang yakapin at halikan manlang ako miski isang beses. Binyag ko wala ka, pati sa mga birthdays ko wala ka." Dagdag pa niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Give me a 2nd chance anak, para maiparamdam ko naman sayo ang pagiging Ina. Please anak." Sabi ko sa kanya habang nakayakap parin.

"Pero paano kita bibigyan ng chance kung aalis ka naman ulit? Kung iiwan mo naman ako ulit."

"Kung ica-cancel ko ba yung flight ko papuntang London, bibigyan mo ba ako ng chance para maging Mommy sayo?" Tanong ko sa kanya habang hawak ko ang magkabilang pisngi niya.

"Yes po, i'll give you a chance mommy." sagot niya.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdam ko nung marinig ko mula sa kanya ang salitang Mommy. Sobrang sarap sa feeling.

"Hinding-hindi na ako aalis anak promise yan." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang dalawang mata.

"I love you Mommy!" Nakangiting sabi niya pero patuloy parin ang pag tulo ng mga luha niya.

"I love you too anak." Niyakap ko siya ng mahigpit tsaka ko siya hinalikan sa pisngi.

Sana Maulit MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon