Atasha's POV
Kumatok ako sa pinto ng movie room. Walang sumasagot.
Tumingin ako kay Manang. "Buksan mo nalang yung pinto anak, baka hindi ka nila naririnig." Ani Manang.
Binuksan ko nga.
Pagkabukas ko ng pinto, nagulat ako sa pag-putok ng party poppers at biglang pag-play ng birthday song dito sa movie room.
"Halaaaaa!!!" Sigaw ko ng mangiyak-ngiyak. Hindi ko expected na meron silang surprise na inihanda for me.
Hawak ni Mommy ang birthday cake ko. While Ninang Dawn is taking a video. Sila Manang Vonel, Dad, Ninong Chard at Avril ay nasa tabi ko.
Bigla akong niyakap ni Dad. "Hey stop crying. It's your special day kaya dapat nakangiti ka lang." Sabay punas niya sa mga luha ko.
"Tears of joy Dad. Tears of joy, okay?" Niyakap ko siya.
Pinahinaan ni Ninong Chard yung speaker.
"Make a wish!!!" Sabi nila in chorus.
Ipinikit ko ang aking mga mata tsaka ako nag wish.
After kong mag-wish. Dumilat ako tsaka ko blinow yung candles ng cake ko.
"Yehey! Happy Birthday, Atasha Lorraine!" Bati nila in chorus.
Naluha lang ako ulit, nung pinagmasdan ko yung effort na ginawa nila just to surprise me.
"Awww! Our birthday celebrant is so emotional today. Why Baby?" Malambing na tanong ni Mommy sa akin.
"Nothing po. Ang sweet niyo lang kasi and hindi ko po expected na meron kayong surprise." Pinunasan ni mommy ang mga luha ko.
"Shhh. Wag ka ng umiyak. Syempre gagawa at gagawa kami ng effort to surprise you. Pwede bang hindi? Kaya tama na. Wag ka ng umiyak."
Inayos ni Mommy yung mukha ko. Tsaka ako pinicturan ni Ninang Dawn ng hawak ko yung birthday cake ko.
Kinuha ni Mommy yung phone ko tsaka niya ako pinicturan ulit na ang anggulo ay pataas para daw makita yung mga nakalutang na lobo sa ceiling.
Nag-picture ako with Mommy and Daddy. Nasa gitna nila ako. Next naman is with Ninang Dawn and Ninong Chard.
"Kami naman po!" Sigaw ni Avril at ayon nga tumabi siya sa akin.
Nakapwesto na si Ninang Dawn para picturan kami. "Wait Mommy. Si Tita Lea nalang po ang kukuha sa amin para pang IG talaga." Natawa kaming lahat kay Avril. Loko loko talaga eh.
Sinimangutan lang ni Ninang Dawn si Avril. "Peace tayo Mom." Sabi ni Avril kay Ninang Dawn. At si Mommy nga ang kumuha ng picture sa amin.
After ni Avril. Kami naman ni Manang Vonel ang nag-picture.
After ng picture-picture. Pinaupo nila ako habang sila ay nakatayo sa harapan ko. Ano na naman kayang pakulo 'to? Haha!
Hinawakan ni Mommy ang microphone na inabot sa kanya ni Dad.
"So birthday girl. Mag-relax ka lang diyan sa upuan mo. We're here to give you a birthday message." Tumango lang ako kay Mommy.
Inabot niya kay Dad ang microphone.
"Happy happy 15th birthday to my forever baby girl. Yeah, 15 kana pero baby parin kita. Don't grow up too fast anak. Please lang. Enjoy life lang. Wag kang mag mamadali. I will always be here to support and protect you." Nangingilid yung mga luha ni Dad. "I wish you all the happiness and good health. Love na love ka ni daddy no matter what happen." Pumunta siya dito sa pwesto ko tsaka niya ako niyakap at hinalikan.
Umiyak na nga siya ng tuluyan. I rubbed his back. "Don't cry na Dad, I will always be your baby girl." Bulong ko sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi.
Sumunod naman si Ninong Chard.
"Happy 15th birthday to my sweet, caring and loving Inaanak. I'm so lucky and blessed for having you as my 2nd child. Thank you kasi palagi kang nandyan for Avril, whenever she needs you. Sana wag kang magbago. Stay sweet, pretty, kind and humble. We're always here for you. Love you!"
Pumunta sa pwesto ko si Ninong Chard. Niyakap at hinalikan niya ako sa noo.Sumunod naman si Ninang Dawn.
"Happy happy birthday, my love! I know you're completely happy right now because your Dad and Mom is here. Buo na kayo sa wakas. Thank you for being sweet person all the time. Ninang is always here for you. I wish you all the best. Stay who you are. I love you." Lumapit sa akin si Ninang. Niyakap niya ako at hinalikan.Next is Avril. "Happy birthday to my sister from another mother, my human diary, my human tissue, my rock, my forever bestfriend. I'm happy that you're now happy. Parang dati lang, pinapangarap mong magkaroon ulit ng Mommy and there she is. Parang dati lang, ang daming tanong sa isipan mo pero nasagot na lahat-lahat best. Hindi kana mai-stress kakaisip. Sa wakas your Mom is already here! God is so good to you. I'm always here if you need me. I wish you all best! I love you so much!" Niyakap niya ako at hinalikan.
Next naman is Manang Vonel. "Happy birthday, Anak! Salamat sa pagiging mabait na bata. Sana wag kang magbabago kahit na lumaki at mag dalaga kana. As long na malakas pa ako at kaya pa kitang alagaan, mananatili akong nandito para sayo. Mahal na mahal kita." Ako na yung lumapit kay Manang. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.
Bumalik na ako sa upuan ko. Si Mommy na yung next na magsasalita.
"In my life, you are the sun that never fades and the moon that never wanes. Shine on, my baby girl! Happy 15th birthday to you! I wish you all the best in life. Sana wag kang mapagod na mahalin kami ng dad mo as you grow older. We'll always be here for you no matter what happen. I love you so much, Anak!" Niyakap ako ni Mommy at hinalikan.
Umpisa palang ng araw ko, naging masaya na agad because of my family. Thank you so much Lord for giving me this kind of family.