Lea's POV
Nandito na kami sa room ni Atasha kung saan siya nag-prapractice ng ballet para sa kanyang competition.
Talagang nakafocus siya sa ginagawa niya. Ang cute e.
"What can you say about her?" Tanong ni Aga sa akin.
"So talented." Sagot ko naman sa kanya.
"Like you babes." Sabi naman niya.
"No babes, like us."
Natawa naman siya sa sinabi ko.
Nang matapos na ang practice ni Ata, nag-aya si Aga na kumain kami sa labas.
"Saan mo gustong kumain anak?" Tanong ni Aga kay Atasha habang nasa kalagitnaan kami ng byahe.
"Dad padeliver nalang po tayo ng makakain. Wanna go home na po." Sagot naman ni Ata.
"Okay lang po ba sayo tita?" Tanong naman sa akin ni Ata.
"Okay lang baby." Sagot ko naman.
Nang makarating kami dito sa bahay nila Aga, agad naman siyang tumawag para mag-padeliver ng makakain namin.
"Anong gusto mo Anak?" Tanong ni Aga.
"Lasagna lang po dad." sagot naman ni Ata.
"How about you babes?" Tanong ni Aga sa akin.
"Same po babes." Sagot ko naman.
"What? You want lasagna din po tita Lei? Haha! Dami po pala nating pagkakapareho e." Singit naman ni Ata.
Natawa lang ako sa sinabi niya.
Dumating na ang pinadeliver namin. Nandito kami ngayon sa dinning area nila.
"Manang! Lets eat na po." Tawag ni Ata kay Manang Vonel.
At ito nga sumabay na sa amin si Manang.
"Sana ganito nalang po tayo everyday." Sabi ni Ata.
"Soon baby." Nakangiti namang sabi ni Aga.
Nang matapos na kaming kumain inaya ako ni Atasha sa kwarto niya, pumayag naman si Aga.
"Tita Lei gusto mo po ba makita yung mga pics ko when I was a baby pa?" Tanong sa akin ni Ata.
"Sure baby." Sagot ko naman.
Nilabas nga niya ang mga photo album nya.
"Ito po muna." Sabay abot ng photo album na kulay purple.
"Ang cute naman ng photo album." Sabi ko kay Ata.
Natawa lang siya sa sinabi ko.
Sinimulan na nga namin tignan ang mga pictures niya.
"Tita Lei look at my crib, hawig sa magic carpet ni Aladdin." Nakatawang sabi ni Ata.
"Oo nga no? Haha! Kaninong idea yan?" Tanong ko.
"Kay dad po." sagot naman niya.
"Tita? May pic po ba kayo sa namatay niyong anak?" Tanong sa akin ni Ata.
"Wala e." Sagot ko sa kanya. Tsk! Ang hirap ng ganito. Liar mode again.
Ang daming pics ni Ata. Swerte parin niya dahil hindi siya pinabayaan ni Aga. Mula 1st birthday hanggang 14th birthday niya ay bongga.
Babawi talaga ako sa kanya kapag nalaman na niya ang totoo. Mamahalin ko siya ng sobra-sobra.