Chapter 54

1.2K 48 9
                                    

Lea's POV

Naging okay na kami ni Babes matapos ang away scene namin. Nang makauwi kami, kumain na kami agad ng breakfast para mainom na din ni Ata ang kanyang mga gamot.

After namin kumain hinatid ko si Ata sa room niya para makapagpahinga. Nang makatulog na siya tsaka ako lumabas ng kanyang kwarto at dumiretso sa room ni Babes.

Nadatnan kong nag-aayos si Babes ng mga gamit na dadalhin niya.

"Kumpleto na ba lahat?" Tanong ko sabay yumakap ako mula sa kanyang likod.

Hinarap naman niya ako. "Babes naman eh, parang ayaw mo ako paalisin sa mga ganyang style mo."

Tinitigan ko lang ang kanyang mga mata.

"What kind of titig is that babes?" Tanong niya na parang nagpipigil siya ng kilig.

"Wala naman po." Sagot ko ng magka eye to eye parin kami.

"Babes? Don't seduce me. Please!" Tamo tong si Babes, napaka feeler! Hahaha. Di ako marunong non. FYI!

"Hoy! Napaka mo. Ang halay nanaman ng naiisip mo." Pang-aasar ko sa kanya.

"Are you sure? Na ako ang mahalay sa pag-iisip Babes? Eh sa mga titig mo parang hinuhubaran mo na ako eh." Kapal ni Babes! Siya kaya tong expert sa hubaran factor. Ay pasintabi po sa nga kiddos diyan.

"Haha! Wag mong ipasa sa akin yung mga gawain mo hah?" Sabay pisil ko sa matangos niyang ilong.

"Aray naman." React niya. Ang gwapo talaga ng babes ko.

Tinulungan ko na siya sa pag-aayos ng mga gamit niya na ilalagay niya sa kanyang maleta.

After 30 minutes natapos na din kami.

"Wala kana po bang mga nakalimutan? Charger ng iphone and laptop mo? USB? Files for your business meeting?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Wala na po babes. Lahat nandito na. Alam ko namang wala akong makakalimutan kapag ikaw ang kasama kong nag-ayos eh." Sabay kindat.

Tee hee! Nagwawala ang mga organs ko sa kindat niya! Haha. Ba't puro kindat at pag papa-cute lang Babes? Walang kiss? Chosss.

"Higa muna tayo babes, mga 12:30 pm pa naman po ako maliligo eh." Aya nya.

Ayon nga humiga muna kami. Oo higa lang, wag kung anu-ano ang isipin.

Pinaglalaruan ni babes ang aking buhok habang ako naman ay nakaunan sa kanyang dibdib.

"Babes thank you hah?" Sabay halik sa noo ko.

"Para saan po?" Tanong ko.

"Sa pagbabalik mo, sa pagiging mabuting Ina sa anak natin, sa patience na ibinibigay mo sa akin kahit na minsan sagad na sagad kana sa inis ng dahil sa akin. Sa time and effort kahit na ang busy mo." Tinignan ko siya at kinindatan niya ako.

"Ano nanamang drama yan Mr. Muhlach?"

"Haha! Drama agad babes? Hindi ba pwedeng I just wanna say thank you?" pa-cute talaga tong si Babes eh. 

"I love you!" Yun nalang ang nasabi ko sa kanya.

"I love you more and most babes. Always yan." Sagot naman nya.

Hindi ko maitago ang kilig na nararamdaman ko sa kanya kaya niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"Ahhh! Sarap ang naman ng yakap ng babes ko." Bulong niya sa akin.

"I will miss you." naglungkot-lungkutan ako sa kanya.

Nag pout siya bago magsalita kaya natawa ako.

"Ano nanaman? cute na cute ka nanaman sa akin." Sabay pisil sa ilong ko.

Ata's POV

Papasok sana ako sa room ni Dad pero hindi na ako tumuloy dahil ayokong makaistorbo sa lambingan nila ni Mommy. Ang cute nila tignan, parang mga teenager lang kung mag-lambingan. Sana ganyan din ang relationship na meron ako pag dumating ako sa stage na yan. 

Ang daming pinagdaanan nila Daddy at Mommy pero sila parin talaga sa huli, kapag nakatadhana talaga eh no? kahit maraming pangit na nangyari nag tagpo parin talaga ang landas nila. 

Sana kahit marami pang dumating na problema o pagsubok sa aming family eh walang susuko, bibitaw at mang-iiwan. Iniisip ko palang yung word na mang-iiwan nakakaramdam na ako ng sakit eh.

"Baby." Tawag ni Mommy sa akin kaya lumabas na ako agad ng kwarto.

"Lets go na sa sala, nandoon na ang daddy mo." Aya niya sa akin kaya bumaba na kami.

Pagkababa namin sinalubong ako agad ni Dad at binigyan ng mahigpit na yakap.

"Dad naman eh, kung makayakap ka po parang ang tagal mong hindi makakabalik dito." Natawa silang pareho ni Mommy sa aking sinabi.

"Alam mo namang miski one night lang na hindi kita makita or ilang nights pa namimiss agad kita." Sabay gulo niya sa buhok ko.

"Don't worry po, Mom and I always give you an update kung ano po ang mga nangyayari sa amin dito." 

"Mas mabuti pa nga para hindi ako nag-aalala or what habang nandoon ako." sagot naman ni Dad sa akin.

"Babes, wala kang dapat ipag-alala kasi okay lang kami dito. Safe at magkasama kami dito ng anak mo." Sabay yakap ni Mom kay Dad.

"Okay na. Sige na. Sabi nyong dalawa yan eh. Basta take care kayo hah? Wag kayong pasaway. Manang kayo na po ang bahala sa dalawang 'to." Bilin ni Dad sa amin ni Mom and also kay manang Vonel. Para naman kaming bata ni Mommy kung pagsabihan ni Dad na wag pasaway. Haha!

Dumating na nga dito si Ninong Chard. Kaya hinatid na namin sa labas si Daddy.

"Yung mga bilin ko hah? Yung mga pinto i-check nyo muna bago matulog and yung mga saksakan." Sabi ni Dad.

Tango lang kami ng tango ni Mommy. Niyakap ako ulit ni Dad ng mahigpit sabay kiss sa aking noo. 

Nung kay mommy na sya mag-papaalam, hinalikan niya muna ito sa lips sabay hug din ng mahigpit. May binulong pa nga siya eh pero hindi ko narining. Kaya nga bulong eh! hahaha.

"Manang hah?" Sabay tango naman si Manang Vonel at tuluyan na ngang pumasok si Dad sa kotse ni Ninong Chard.

Sana Maulit MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon