Lea’s POV
Nakarating na kami dito sa bahay nila Shawi at agad naman nila akong sinalubong pagka pasok ko sa bahay nila. Si Aga naman ay nasa likod ko hawak yung bag kong Lacoste at yung bag kong nike na shoulder bag kung saan nakalagay yung mga extra kong damit and underwear.
“Lei! Basang-basa ka, sabi ko stay inside your car di ba?” sabi sa akin ni Dawn.
“Pinilit nya daw kasing itulak papunta sa gilid yung kotse nya, pero hindi naman nya naitulak. Nagpabasa lang sya.” Singit naman ni Aga.
“Ginusto ko bang mag-pabasa? Nakakahiya kaya kasi, naka harang sa gitna ng daan yung kotse ko.” Sagot ko naman kay Aga sa mataray na tono, kung makapag salita kasi eh akala nya naman ginusto kong mag-pabasa.
“Uhm, magtatalo pa kayong dalawa eh.” Awat naman ni Chard.
“Magpalit kana don Lea at nilalamig kana oh.” Utos naman ni Dawn.
“Kung hindi kasi nagpabasa edi sana…” singit ulit ni Aga pero di ko na sya pinatapos sa kanyang sasabihin at nag-salita na ako.
“So pinapalabas mong sinadya kong mag-pabasa? Ano bang kinakaganyan mo Aga?” tanong ko sa kanya ng galit na.
“Tama na nga yan, para kayong high school kung mag-bangayan.” Saway ni Gabby sa amin kaya nag walkout na ako dahil naiinis na ako kay Aga.
Aga’s POV
Sinadya ko talagang inisin si Lea kanina para may dahilan akong lambingin sya, haha! Ganyan ang mga galawang Aga ano ba kayo! Uy nakakuha sila ng tips sa akin.
Nandito kami ngayon sa dining area nila Shawi, kakain daw muna kasi kami bago uminom ng alak. Nakikita ko ng papunta sa amin si Lea, nakasuot sya ng short na kulay black na may floral design, uy pumofloral ang Lea ko, haha! Tapos naka t-shirt sya ng white na v-neck.
Ano ba naman ito! Nabibighani nanaman ako sa kagandahan nya pero iinisin ko muna sya ng iinisin.
“Kakain na tayo?” tanong nya sa amin ng nakangiti.
“Ay hindi, mag-lalaro siguro tayo.” Pang-babara ko sa kanya.
“Kausap ka?” tanong nya sa akin ng nakataas yung kaliwa nyang kilay.
“Kausap din ba kita? Tsk! Tsk!” sabi ko sa kanya ng nakangisi.
“Whatever!” sabi naman nya sabay irap.
“Ano ba yan eh, kakain na nga lang tayo mag gaganyanan pa kayong dalawa.” Sabi naman sa amin ni Shawi.
Tinimplahan si Lea ng kape dahil nilalamig parin sya at ayon aching sya ng aching, sisipunin pa yata sya.
“Aaaaahhhh!” sigaw nya ng mahigop nya yung kape na tinimpla sa kanya.
“Ang init pa pala nito.” Dagdag pa nya.
“Malamang may malamig bang kape?” singit ko ulit sa supladong tono ng boses.
“Meron kaya, ice coffee. Singit kasi ng singit di naman kinakausap.” Pagtataray nya sa akin kaya natawa yung apat sa akin dahil nabara ako ni Lea.
“Talaga! Eh sa mahilig ako sa singit eh, bakit ba.” sabi ko naman kaya napahalakhak na yung apat.
“Hahaha! Funny, napaka manyak mo talaga kahit kailan! Walang pinipiling lugar eh.” Pananaray nya ulit sa akin.
“Haha! Parang sya hindi manyak eh, ikaw din kaya walang pinipiling lugar.” Sagot ko naman pabalik sa kanya ng nakangisi.’
“Ikaw lang kaya yung manyak! Nangdadamay ka pa.” sabi nya ulit sa akin.
“Ah ganon? Ako lang talaga? Baka gusto mong ipaalala ko yung mga…”
Hindi nya na ako pinatapos sa aking pagsasalita dahil sumagot sya agad sa sasabihin kong hindi pa tapos.
“Stop it Aga, past is past!” singhal nya sa akin sabay nguya sa isinubo nyang kanin at ulam.
“Past is past pero nauso ang throwback Lea, kaya pwedeng balikan.” Pang-aasar ko lalo sa kanya.
“Throwback your face!” sigaw nya sa akin ng galit na ang kanyang mukha at napa kuyom na yung kanan nyang kamay kaya tumayo na si Shawi at Gabby.
“Juice ko di santisima! Bakit ba kami nagkaroon ng mababait na kaibagan, ito Lea oh pickles fresh na fresh.” Sabi ni Shawi sabay subo kay Lea ng pickels na medyo marami.
“Hahaha!” tawa ko naman with matching turo pa kay Lea.
“Ito Aga oh, lettuce paborito mo ito di ba?” sabi naman ni Gabby sabay sungalngal sa akin ng lettuce kaya wala akong nagawa kundi nguyain nalang ito, ganon din si Lea.
___________________________
Sorry guys ngayon lang po nakapag update :) kakauwi lang eh.
Dinner time na po, wag mag-skip :* Love you all and Godbless! <3