Lea’s POV
Kakatapos ko lang maligo kaya ito inaayusan na ako ni Kusie habang si John Lozano naman ay hinahanda ang damit na aking susuotin.
Nagulat ako nungg pumasok dito sa room ko si Ata.
“Tita hurry up daw po sabi ni tita Sheilla.” Sabi ni Ata sa akin habang hawak nya ang kanyang tablet.
“Okay, pakisabe matatapos na.” sabi ko naman sa kanya.
“Tita picture po tayo.” Sabi nya sa akin sabay click sa tablet nya kaya natawa sila Kusie at John dahil hindi na ako nakatanggi. Haha!
After mag-papicture ni Ata ay lumabas na sya ng room ko.
“Madam ang pretty naman ng anak ni Sir Aga kamukhang-kamukha mo.” Sabi ni Kusie.
“Nyak! Haha! Loko ka talaga. Bilisan mo na nga lang dyan.” Sabi ko sa kanya.
“Madam sabihin mo naman kay Sir Aga mamaya pa-picture kami ni Kusie.” Sabi ni John sa akin.
“Bakit pa kailangan ako pa ang mag-sabi sa kanya? Di ba sabi nyo makapal ang mukha nyo? Haha.” Sabi ko sa kanila ng nakatawa.
Nang papunta palang kasi sila dito sabi nila sa akin na hindi daw sila mahihiya kay Aga pero anyare ngayon? Haha.
“Si madam naman, napaka! Mukhang suplado eh kaya nahihiya na pala kami.” Sabi ni Kusie.
“Kayo na ba ulit Madam?” dagdag naman ni John.
“Sus! Ikaw may hiya? Himala! Haha. Chos!”sagot ko kay Kusie kaya naman napanguso nalang sya.
“Tsismakers ka talaga John! Haha. Mamaya ipakalat mo yan ah? Hindi kami. Ikaw talaga.” Sagot ko sa tanong nya.
After 1 hour and 30 minutes natapos din kami. (Ang suot ni Ms. Lea dito sa scene na ito guys ay yung suot nya noong battles ng TVOP2 yung white with combination of black color niyang dress.)
Bumaba na kaming tatlo nila Kusie while hawak nya ang isang malaking bag na lalagyanan ng mga pang-ayos ko sa mukha and buhok.
Naabutan namin sa sala sina Gerard and Aga na nanunuod ng basketball while si Ata naman at Mommy Ligaya ay nakatuon ang kanilang atensyon sa tablet, may pinapanuod din yata silang video doon.
“Aalis na kami.” Sabi ko sa kanila.
Kaya nawala ang atensyon nila sa kanilang mga ginagawa. Nakita ko ang titig ni Aga sa akin halatang gandang-ganda sya sa akin. Haha! Spell ASSUMING Lea? Haha.
Lumapit sa akin si John Lozano at may ibinulong. “Madam sabihin mo na po.” Bulong nya sa akin.
“Okay sige.” Sagot ko naman sa kanya.
“Ags pa-picture daw silang dalawa sayo.” Sabi ko kay Aga kaya naman todo kilig with matching tili pa yung dalawang baklita. Haha! Natawa tuloy si Mommy and Ata. Todo halakhak din si Gerard.
“Sure.” Matipid na sagot ni Aga pero halatang napilitan lang yata sya dahil kita sa mukha nyang naiirita sya sa dalawa. Tilian ba naman kasi ng tilian. Haha!
Ini-abot ni Kusie sa akin yung phone nya kaya nawirduhan ako. “Madam pa-picture naman po kami.” Sabi nya sa akin kaya natawa lalo si Gerard at Mommy.
“Aba ayos ka ah! Ako pa talaga ang inutusan mo. Haha!” sabi ko sabay click sa phone nya.
“Ako din madam, picturan mo rin po kami.” Kilig na kilig namang sabi ni John Lozano.
“Ay naku! Ginawa nyo na akong photographer.” Sabi ko sabay nag-rolled eyes ako pero biro ko lang yon sa kanila.
“Isa pa madam, yung nakayakap naman po kaming dalawa ni Kusie kay Sir Aga.” Hirit pa ni John at ito namang si Aga napapakamot na sa ulo sa inis. Haha!