Lumabas si Ata kaya kami lang ang naiwan ni Aga dito, nandito ako sa kabilang kama. Nakaupo while nagsasoundtrip dito sa iphone ko, si Aga naman naglalaptop. Naiinis ako dahil hindi ko maiwasang hindi sumilay sa kanya! Bakit ganon? Ang pogi pa din nya??? Kahit ang taba na nya! Lea stop it, haha! Di na pwedeng mag to be continue ang nakaraang meron kayo ni Aga dati.
“Lea? Halika nga dito.” Sabi ni Aga sa akin, kunwari hindi ko narinig yung sinabi nya. Haha!
Tumayo si Aga at lumapit sa akin.
“Ano ba! bakit mo tinanggal earphone ko???” tanong ko sa mataray na mukha.
“Kanina pa kita pinapalapit doon, hindi mo ako pinapansin.” Sabi nya sa akin.
“Bakit ako ang lalapit sayo? Ano ako? Bitch mo?!” pagtataray ko naman sa kanya.
“Napaka mo talaga sa akin Maria Lea Carmen Imutan Salonga!” sigaw nya sa akin sabay balik sa pwesto nya kung saan sya naglalaptop.
“Napaka mo din Ariel Aquino Muhlach!” sigaw ko sa kanya.
Nabalot ng katahimikan dito sa kwarto, nilingon ko si Aga ng palihim, halatang problemado talaga sya sa ginagawa nya.
Nilapitan ko na sya at naaawa na ako, di naman ganon kapusong bato ang meron ako! Hahaha.
“Ano ba kasing problema mo dyan sa ginagawa mo?” tanong ko sa kanya.
“Oh! Tapos ngayon lalapit-lapit ka dito pa-choosy ka pa kasi kanina nung pinapalapit kita dito eh.” Pasusuplado nya sa akin.
“Edi wag na! ikaw na nga itong tutulungan sabi ko.” After ko sabihin yon sa kanya aakma na sana akong aalis sa pwesto nya pero hinila nya ang kamay ko.
“At sino ang nagsabing aalis ka dito?” tanong nya sa akin ng may mala demonyong ngiti! Nakakainis sya.
“Ako bakit! Bitiwan mo nga kamay ko.” Sabi ko sa mataray na mukha.
“Eh paano kung ayaw ko hah?”
“Isa bitiwan mo sabi eh!” sabi ko sa naiinis na boses, at binitiwan naman nya.
“Oh ayan na binitawan ko na, tulungan mo na kasi ako dito sa power point na ginagawa ko, para sa presentation ko sa Monday.” Pakiusap nya sa akin.
“Ano ba kasi yan?” Tanong ko sa kanya sa mahinahon na boses at tumabi na ako sa kanya.
“Ayan oh, paano sya lalagyan ng transition na magbabounce yung word.” Tanong nya sa akin.
“Bakit ba kasi gusto mo yung nagbabounce? Hugis bola kana nga dahil sa tabachoy mong katawan eh.” Sabi ko sa kanya.
“Makapagsalita naman 'to! Parang hindi nainlove sa akin dati.” Pang-aasar nya sa akin.
“Iba yung past sa present Aga.” Sabi ko sa seryoso na mukha.
“Ah ganon? Kaya pala kanina palihim kang sumisilay sa akin kanina..hah?” sabi nya sa akin.
“Ang kapal mo! Ako sisilay sayo? Excuse me! Duh!" sabi ko sa kanya.
“Asows! Ang bitter mo! Napaghahalataan ka lalo eh.” Pang-aasar nya sa akin.
“Sige na nga lang.” sagot ko sa kanya ng matipid.
“Lea, may boyfriend ka ba ngayon?” tanong nya sa akin ng seryoso.
“Secret!” sagot ko sa kanya.
“Naku! May pasecret-secret ka pa dyan!” sabi nya sa akin.
“bleh!” pandidila ko sa kanya.