Chapter 18

1.3K 43 3
                                    

Lea's POV

Kasalukuyang nasa byahe kami ni Aga, bakit ganito? Ang awkward! Tsk.

Nilingon ko sya ng palihim, diretso parin ang tingin nya sa daan. Ang pogi parin talaga nya kahit ang tabachoy nya na. Alam nyo yung feeling na gustong-gusto kong  pang-gigilan yung pisngi nya, ganon ako dati sa kanya eh pero dati lang yon ngayon wala na. Haha!

Nag-stop kami saglit dahil naka red light. Nag-inat sya, siguro ngalay na to sa pagdra-drive.

Lumingon sya sa akin kaya nag-iwas ako agad ng tingin sa kanya.

"Pagod ka na ano? Nasaan ba si She at ikaw nalang ang uuwing mag-isa sa ganitong oras? Where's your other bags na dala mo lagi kapag may taping ka?" tanong nya sa akin habang nakatitig sya sa akin.

"Pinauna ko na sila ni Mommy kanina eh, inatake nanaman kasi si mommy ng vertigo nya kaya ayon, yung other bags ko pinadala ko nalang sa mga make-up artist ko." Sagot ko habang nakayuko lang.

"Ah okay, may vertigo parin pala si Mommy, ay tita pala." Sabi nya sa akin. Nasanay parin syang mommy ang tawag sa mommy ko.

"Yup." Sagot ko ng matipid.

"Kumain ka ba kanina?" tanong nya sa akin.

"Oo." Sagot ko ulit ng matipid kahit hindi naman talaga ako kumain kanina.

Ayan tuloy nakaramdam ako ng gutom.

"Are you sure? Ang alam ko kasi tuloy-tuloy ang taping nyo kanina eh, tsaka puro tubig at kape ka lang daw kanina." Sabi nya sa akin, pano nya nalaman? Mino-monitor nya ba ako? May connection kaya sya sa abs at alam nya na hindi naman talaga ako kumain? Tsk.

Wala na akong nagawa kundi aminin ang totoo. "Oo na sige na, tama kana, hindi nga ako kumain kanina. I'm on diet." Sabi ko sa kanya kahit gutom na talaga ako.

"I'm on diet your face Lea Salonga, naririnig ko nga ang pagkalam ng sikmura mo eh. Pasaway ka talaga kahit kailan mamaya magka-ulcer ka dahil sa ginagawa mo." Sabi nya sa akin ng naka kunot ang kanyang noo.

"Maka Lea Salonga naman ito." Pagtataray ko sa kanya.

"Eh anong gusto mo? Lea Salonga Muhlach? Haha! Ikaw ha? Napag-hahalataan kana." Pang-aalaska nya sa akin.

"Kung pwede lang eh." Sabi ko ng pabulong. Hahaha! Sana hindi nya narinig yon.

"Ano? May sinasabi ka?" tanong nya sa akin ng nakatawa.

Nag-stop muna kami ni Aga dito sa Jollibee dahil nga nagugutom ako, sya na ang umorder sa kakainin namin. Nag-aabot ako ng pera kanina sa kanya para sa bayad ng order ko pero nag-talo lang kami doon dahil ayaw nyang kunin.

After 2 minutes bumalik na ulit si Aga dito sa table namin.

"Mga 3 minutes daw bago dumating yung order." Sabi nya sa akin sabay ngiti. Pa-cute talaga ang wala! Sinasadyang ilabas yung malalim niyang dimples! Haha.

Tumango lang ako sa sinabi nya.

"Lei." Sabi nya kaya naman tinignan ko sya.

"What?" tanong ko naman.

"Pasensya pala sa mga nagawa ko nung time na lasing ako." Sabi nya sa akin.

"It's okay." Sagot ko naman ng matipid.

"Can I ask you about sa.. ay wag na pala. Nevermind." Sabi nya sa akin sabay yuko.

"About saan? Mag-tanong kana, hiya-hiya pa kunwari." Sabi ko sa kanya ng nakangiti.

"Haha! Hindi ako nahihiya, slight lang." sabi nya ng nakangisi.

"Mukha mo! Haha. Ano nga yon?" tanong ko ulit sa kanya.

"Ano yung pang 4th na ginawa ko sayo? na nakakahiya daw sabi ni Ata." Sabi nya sa akin ng tila nahihiya.

"Wala yon, you don't need naman na malaman yon eh." Sabi ko sa kanya, feel ko pulang-pula yung pisngi ko sa hiya.

"Sows! Ano nga kasi yon?" pilit nya sa akin.

"Gusto mo talagang malaman? Talagang-talaga?" sabi ko sa kanya ng nakataas yung kaliwang kilay ko.

"Yes! Gusto ko talagang malaman, super nacurious ako sa kahihiyan na yon." Sabi nya sa akin.

"K fine. Kiniss mo ako sa lips then nasampal kita dahil nabigla ako sa ginawa mo, halata ngang lasing ka na that time dahil tumawa ka pa matapos kitang sampalin. Di ka na nahiya sa ginawa mo, nandoon pa naman si Ata." Sabi ko sa kanya ng seryoso.

"Sh*t!" pabulong nyang sabi sabay tapik sa kanyang noo. "Sorry for that Lei, hinding-hindi na talaga mauulit yon." Sabi nya sa akin ng naka-yuko.

"Talagang hindi na! dahil pahirapan kang i-uwi kapag lasing ka. Paano nalang kaya kung hindi ako sumama nung time na yon? Sinong mag-aakyat sayo papunta sa kwarto mo? Aga naman think first bago mag-happy happy okay? Tsk." Sabi ko sa kanya.

"Oo na po boss, love mo parin talaga ako no? Love you too babes." Sabi nya sa akin ng nakangisi na parang aso.

"Tumigil ka nga dyan, ginagawa mong biro lagi eh." Sabi ko sa mataray na mukha.

"Sus! Ayaw pa umamin, kunwari pang nag-tataray pero sa loob-loob nya nagwawala na yung mga ugat nya sa puso! Hahaha." Sabi nya sa akin ng nakatawa sabay kiniliti nya ako sa tagiliran.

"Ang landi mo, umayos ka nga mamaya may maka-kilala sa atin dito." Sabi ko sa kanya.

Pareho pala kaming nakasuot ng hoodie para di kami makilala ng mga taong kumakain dito. Mamaya ma-issue pa kami eh.

After a minutes tapos na kaming kumain ni Aga kaya tumuloy kami ulit sa byahe.

"Tulog na kaya si Ata?" tanong ko sa kanya.

"Oo, for sure kanina pang 9:00 pm." Sagot nya sa akin habang ang tingin nya ay nasa daan.

"Ags, I missed her so much." Sabi ko sa kanya kahit kaka-kita ko lang sa kanya kahapon.

"Pwede mo naman sya dalaw-dalawin sa bahay eh kapag may time ka." Sabi nya sa akin.

"Pwede ko rin ba siyang i-pasyal?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman, anak mo din naman sya kahit papaano kaya wala akong karapatang i-pagdamot sya sayo." Sabi nya sa akin.

"Aga natatakot ako sa magiging reaksyon nya kapag nalaman nya ang buong katotohanan about sa amin, sa atin." Sabi ko sabay bumuntong hininga ako.

"Don't worry I can help you basta sa abot ng aking makakaya, hindi natin sya masisisi kung magalit sya sa una pero I'm always praying na sana maintindihan nya lahat kung bakit nagawa natin yon sa kanya, ay namin pala dahil wala ka rin kaalam-alam." Sabi nya sa akin.

"Thank you." Sabi ko sa kanya ng matipid.

"Wala yon." Sagot naman nya ng matipid.

Super thankful talaga ako sa kanya dahil hindi nya nagawang pabayaan si Ata kahit na sya lang ang tumayong magulang. Kung maibabalik ko lang ang dati pero wala na eh matagal na kaming tapos pero kung may mangyayari pang to be continue sa amin, bakit hindi ko papatusin? Gwapo naman sya, maalaga, responsible at higit sa lahat mapag mahal. Miss na miss ko na nga yung dating Aga Muhlach na super clingy sa akin. Hay!

After 50 minutes, nakarating din kami dito sa bahay namin.

Sya ang unang bumaba tsaka sya umikot at pinag-buksan ako ng pinto ng kanyang kotse, napaka gentleman parin talaga.

"Bye Ags, salamat talaga sa pag-hatid." Sabi ko sa kanya.

"You are always welcome Lea." Sabi nya sa akin sabay kiss nya sa pisngi ko gamit ang lips nya.

Tumakbo sya agad papuntang kotse nya after nya akong i-kiss tapos nag-peace sign pa sya ng may ngiti sa kanyang labi. Ang loko talaga kahit kailan, nag-wave sya sa akin sabay paandar ng kanyang kotse.

_____________________________________

Goodevening mga dear :) Sorry sa late update alam nyo naman estudyante din ako. Haha! Love you guys, thank you sa patuloy na support :* Godbless!

Sana Maulit MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon