Chapter 8

1.1K 42 2
                                    

After magsumbatan nila Lea at Aga, umalis na kaming apat sa room ni Lea. Si Aga umalis din, ewan namin kung saan nagpunta. Ang sabi nya kami daw muna ang bahala kay Ata. Paano na ito? Nagkalabasan na ng mga sekreto about sa anak nilang si Ata. Halata kay Lea na shock na schock sya, pareho naman silang may point eh pero kung naging maayos lang yung pakikitungo ng angkan ni Lea kay Aga hindi sana magkakagulo ng ganito. Ang iniisip naming apat nila Shawi, Gabby, at Papa Chard eh si Ata, paano pag nalaman ng bata ang mga secrets namin na matagal nya na dapat nalaman? It's a big problem para sa amin.

Lunch time na pero di pa din bumabalik sila Vice, Ata, Kristina and Avril..si Lea nagkulong sa kwarto at iyak ng iyak..akala ko pa naman happy-happy ang mangyayari yun pala iba..hay!

Lea's POV

Nandito ako ngayon sa room, nagkukulong. I can't stop crying! Nabigla ako sa lahat! Paano ako magsisimula nito? Paano ko ipapaalam kay Ata na ako ang totoo niyang ina? Ang buong akala nya eh si Charlene ang mommy nya. Naiinis ako ng sobra kay Aga sa mga ginawa nya pati kay Mommy pero inisip lang din nila yung ikakabuti ko sa madla. Kahit anong galit ko kay Aga nagpapasalamat parin ako dahil hindi nya pinabayaan si Ata, sana maayos ang lahat ng ito, pero hindi madali para kay Ata.

Tumunog ang phone ko.

Tinignan ko kung sino ang nagtext..number lang kasi hindi nakasave sa contact ko.

"From: 0905*******

1 favor, wag mo muna sabihin kay Ata na ikaw ang totoong mommy nya, ayokong mabigla sya sa mga katotohanang dapat nyang malaman noon pa. Sorry sa mga nagawa ko sayo, ang inisip ko lang eh yung career mo sa showbiz industry, ganyan kita kamahal Lea, kaya hindi mo ako masisisi kung bakit ko inilihim lahat sayo. This is Aga."

Nireplayan ko naman ang text ni Aga, hay! Ganon nya daw ako kamahal? Ewan ko sa kanya!

To: 0905*******

Hindi ko naman talaga muna sasabihin kay Ata dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin, dahil ang buong akala nya si Charlene ang totoo nyang Ina, mahirap Aga! Ang hirap mag-isip kung saan ako mag-uumpisa para masabi ko yung totoo! Aaminin ko! Sobrang naiinis ako sa inyo ni mommy pero salamat sayo dahil hindi mo sya pinabayaan, salamat sa pagiging Ama at Ina kay Ata nung panahong wala ako dahil wala din akong kaalam-alam na anak ko sya.

Grabe hindi ko mapigil yung iyak ko! Hhhhmmmm.

Nagreply ulit si Aga.

From: 0905*******

Hindi lang ikaw ang nahihirapan Lea, parehas lang tayo. Sana maintindihan ni Ata pag nalaman nya. Hindi natin masisisi si Ata kung magalit, magtampo o mainis sya sa akin pati sa mom mo..Goodluck nalang sa atin.

Yan ang reply ni Aga. Hindi ko na sya nireplayan.

*Totok! Toktok!* Katok ng kung sino man yung kumakatok sa pinto.

Binuksan ko at si Ata kaya pinunasan ko agad yung luha ko.

"Tita Lei, why are you crying?" tanong ni Ata sa akin.

"Napuwing lang ako baby kaya naluha ako." Pagdadahilan ko.

"Tita! Wag sinungaling, alam ko naman yung napuwing sa umiiyak eh. May problema po ba kayo?" tanong nya.

"Wala baby." Sabi ko at niyakap ko sya ng super higpit.

"Tita may problem ka eh, nandito lang po ako if you need me." Sabi ni Ata sa akin.

"Hahaha! Naks naman to the rescue ka kaagad pagdating sa akin. Thanks my dear, kiss mo nalang ako dito oh." sabi ko kay Ata sabay turo sa pisngi ko at kiniss nya naman ako.

Nagulat kami ni Ata pareho nung pumasok si Aga.

"Dad! Nandito ka pala? Kailan pa?" tanong nya ng nakangiti.

"Kanina lang baby." Sagot ni Aga ng nakangiti.

Lumapit si Ata kay Aga.

"Dad what happened dyan? " turo nya sa pasa ni Aga sa mukha. "Bakit ka po nagkapasa dyan?" dagdag pa nya.

"May tumama lang na bag kanina baby nung pababa ako ng airplane." Pagdadahilan ni Aga kahit hindi naman talaga ayon yung dahilan. After sabihin yon ni Aga tumingin sya sa akin kaya ayon nakokonsensya ako sa nagawa ko.

"Awww! Si dad naman di nag-iingat, wait lang po ah? Need to go sa room nila Avril, nandoon po pala phone ko..mamaya na po ako babalik." Sabi ni Ata sabay labas ng room.

Sana Maulit MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon