Chapter 11

1.2K 48 1
                                    

Dawn's POV

Nandito kami ngayon sa bahay nila Shawi, my get together kaming anim, pero hindi kasama yung tatlong pasaway na mga bata. Si Ata kasi ay may practice ngayon sa kanyang ballet class, si Avril naman ay pumasok sa kanyang music class at si Kristina naman ay nag-ice skating sa MOA kasama ang kanyang mga pinsan.

Nandito na kaming apat sa bahay nila Shawi. Ako, Shawi, Gabby and Chard, yung dalawang mag-ex ay wala pa.

After 30 minutes dumating na si Aga pero si Lea wala parin.

"Where's Lea?" tanong ni Shawi kay Aga.

"Abay malay ko doon, hindi naman kami sabay eh." Supladong sagot ni Aga.

"Ito naman napaka suplado." Sabi naman ni Shawi ng nakakunot.

"Joke lang Shawi, pagod lang talaga ako." Pagdadahilan naman ni Aga.

"K fine." Sagot naman ni Shawi ng nakangiti na.

Naka upo kaming lahat ng tumawag si Lea sa akin.

Lea: Hello Dawn?

Ako: Yes Lei? Nandito na kaming lahat ikaw nalang ang kulang.

Lea: I'm so sorry pero...

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Lea kaya nag-salita na ako agad at pinangunahan ko na sya.

Ako: Maria Lea Carmen?! Don't tell me na hindi ka pupunta ngayon, kanina ka pa namin inaantay. Umayos ka dyan.

Lea: Ito naman kung makapag react agad! Wait lang kasi di ba? Sabi ko sorry kasi malilate ako! Pupunta ako dyan wag kang mag-alala nasiraan lang ako dito sa gitna ng daan.

Ako: What?! Hala! Umuulan pa naman! We-we-wait sunduin kita dyan. Wag kang lalabas at napaka lakas ng ulan stay there sa loob ng kotse.

Sabi ko kay Lea sabay baba ng tawag.

Halata naman sa mukha ng apat na nag-aalala pero ang pinaka unang nagtanong si Aga.

"Ano daw nangyari kay Lea? At kung makasigaw ka naman sa pagtatanong." Tanong ni Aga na halatang nag-aalala.

"Nasiraan daw sa gitna ng daan si Lea kaya kailangan ko syang puntahan doon." Sabi ko naman.

"Saan daw banda? Hah? Ako nalang ang susundo." Tarantang tanong naman ni Aga.

"Sa may tapat ng gate 6 AFP" Sagot ko kaya naman kinuha nya agad ang susi ng kotse nya tsaka tumakbo palabas ng bahay nila Shawi.

Natuwa naman kaming apat sa pagkakataranta ni Aga, dahil nakita naming concern na concern pa din sya kay Lea.

Lea's Pov

I'm still here sa loob ng kotse, inaantay si Dawn na susundo sa akin dito. Sinubukan kong itulak ang kotse ko, pero wala akong napala at nabasa lang ako sa ulan. Giniginaw na ako dito sa loob ng aking kotse, naiiyak na din ako dahil ang dami ng naninigaw sa akin at bumubusina. Kung bakit ba kasi ngayon pa ako nasiraan? Umuulan pa.

After 1 hour nakita kong papalapit sa kotse ko si Aga ng nakapayong mula sa kabilang kalsada.

Binuksan ko agad ang pinto ng aking kotse at ewan ko ba kung bakit naiyak na ako ng tuluyan.

Tumakbo naman agad si Aga papunta sa akin dahil lumabas na ako agad kahit na medyo malayo pa sya sa akin.

"Bakit ka lumabas agad? Basang-basa kana Lei." Sabi nya sa akin sa concern na tono habang ako naman ay nakakapit lang ng mahipit sa kanyang braso ng nanginginig sa lamig.

"Where's your bag?" tanong nya sa akin.

"Nandyan sa loob." Sagot ko sa kanya.

Kinuha nya yung bag ko, lalakad na sana kami pero nagsalita ako.

"Babes ay este Aga kunin pa natin yung isa kong bag sa likod ng aking kotse, nandoon kasi yung mga extra kong damit and underwear." Sabi ko sa kanya kaya naman kinuha namin agad yon.

After non tumawid na kami sa kabilang kalsada kung saan naka park ang kanyang kotse at agad naman kaming pumasok.

Nang makapasok na kami, bigla ko syang niyakap at tuluyan na akong naiyak.

"Why are you crying Lei?" tanong nya sa akin habang hinahaplos nya yung likod ko.

"Thank you Aga, sorry din kung naabala pa kita akala ko kasi kung si Dawn ang susundo sa akin."

"Naku wala yon, ikaw talaga napaka baba ng luha mo. Tsaka papayag ba akong si Dawn ang susundo sayo dito? Pareho kaya kayong babae, lagot pa ako kay Goma kapag may nangyari sa inyo pareho." Sabi naman nya sa akin.

Kumalas na ako sa pagkaka yakap ko sa kanya dahil medyo matagal na kaming magka yakap mamaya sabihin pa nito dumadamoves ako sa kanya.

"Tignan mo oh, basang-basa ka." Sabi nya sa akin sabay tingin sa dibdib ko, dahilan naman ng pagkahiya ko sa kanya dahil bakat na yung bra ko.

Kahit kailan talaga, may pagka manyak parin tong si Muhlach.

"Oo nga eh, sinubukan ko kasing itulak papuntang gilid yung kotse ko pero wala naman akong napala. Nabasa lang ako." Sabi ko sabay nag pout lang ako.

"Pano pala yung car ko?" dagdag ko pa.

"Sinabi na kasing stay inside eh, lumabas ka pa. Papunta na daw yung auto service na tinawagan ni Dawn." Sabi nya sa akin.

"Tara na?" aya nya sa akin kaya tumango lang ako.

Binalot kami ng katahimikan sa loob ng kotse kaya binasag ko iyon.

"Nasaan pala ngayon si Ata?" tanong ko sa kanya.

"Nasa ballet class nya, may practice eh." Sagot naman nya sa akin ng nakatingin sa daan ng diretso.

"Ah nag ba-ballet pala sya, ang talented naman." Sabi ko ng may ngiti sa aking labi.

"Yes she's talented like you." Sagot naman nya ng seryoso.

"Naku! Hindi lang sa akin mana yon, sayo din syempre." Sagot ko naman sa kanya.

"Binola mo pa ako Lei, eh halata namang lahat na namana nya sayo. Kaya noong panahong..."

"Panahong ano?" tanong ko dahil natigil sya sa kanyang sasabihin.

"Wala never mind." Sabi nya sa akin.

"Okay." Sagot ko naman ng matipid.

Sana Maulit MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon